Pauline's POV:
hindi na ako umattend ng sunod na subject. Hindi ko kinaya ang mga sinabi ng mama nina Hyorin. Sino ba namang tanga ang matutuwa kapag sinabing magnanakaw ang magulang nila?
Pinaghihirapan ng mga magulang ko ang pinagpapa-aral nila sakin. Pinaghihirapan nilang buhayin kaming magkakapatid. Pero yun ay sa marangal na paraan.
Napag-isipan ko na magstay muna dito sa rooftop. Umupo ako sa sahig. Ang presko ng hangin dito. Tahimik. Walang ibang tao kundi ako lang.
"still mad?"
napalingon naman ako sa tabi ko. Nandito pala si Rui hindi ko namalayan. Masyado sigurong malalim ang iniisip ko kanina.
"hindi"
I managed to fake a smile.
"bakit hindi ka umattend ng klase?"
"eh bakit ka nandito?"
napatawa lang siya. Bakit? Nakakatawa ba ang tanong na bakit siya andito?
"I can't help it. You're really funny."
tinaasan ko lang siya ng kilay. Tinitigan ko ang mukha niya. Mukha ngang ang saya niya.
"Hey Pau."
bumalik naman ako sa wisyo.
"ple-- PAU!"
sumakit na naman ang ulo ko. Katulad na naman ng dati nung nasa condo ni Hyun-woo. Imik ng imik si Rui pero hindi ko siya maintindihan.
Napapikit na ako sa sobrang sakit ng ulo ko. Ang daming pumapasok sa isip ko. Ang daming pumasok na pangyayari.
Meron daw babaeng nakasakay sa kotse tapos nabangga sila. Tapos merong babaeng may kasamang lalaki alam kong masaya yung babae.
Nawalan na lang bigla ako ng malay..
***
nagising ako. Nakahiga pala ako sa lap ni Rui.
"okay ka na ba?"
ngumiti lang ako sa kanya ng pilit.
"Ano bang nangyari Pau?"
kwinento ko naman yung mga nakita ko bago ako mawalan ng malay. Halata sa mukha niya yung pagkagulat sa bawat sinasabi ko.
"m-mabuti okay ka na. Dadalhin sana kita sa clinic kaso baka malaman nila na nagcutting tayo kaya inihiga na lang kita sa lap ko."
tumango lang ako. Medyo masakit pa din ang ulo ko.
"Pau."
tumingin ako sa kanya.
"P-please.."
tinaasan ko na siya ng kilay. Ano ba kasi ang sasabihin niya.
"gusto kitang bantayan. Gusto kitang alagaan."
ano bang pinagsasasabi nito? Naguguluhan ako ha.
"ano bang sasabihin mo Rui?"
nagkatinginan lang kami for about 5 seconds.
"please.. make me stay"
nagulat ako sa sinabi niya. Make me stay daw? Anong ibig niyang sabihin?
"I want to stay. Sabihin mo lang hindi na ako aalis. Hindi ko na muna sasabihin kay Asteria ang feelings ko. Just say it"
nakatungo na siya. Hindi ko pa rin siya maintindihan. Stay? Sasabihin ko? Sabay naman kaming napalingon ng may nagbukas ng pintuan sa rooftop.
"mga bro!"
ang 'meosjin" lang pala. Nginitian ko na lang sila ng pilit. Kasama rin nila si Hyorin at Kyla. Aba parang bati na sila ah. Good for them. Umupo naman kami ng paikot katabi ko parin si Rui habang katapat ko naman si Hyun-woo.
"kayong dalawa. Anong ginagawa niyo dito? Bakit hindi kayo umattend ng last subject?"
tanong samin ni Kim.
"last subject?"
takang-takang tanong ni Rui sa kanya.
"sinabi ni mama na free day ngayon. Dalawang subject lang today tapos uwian na."
sagot ni Hyun-woo. Napatingin ako sa kanya. May nakikita ako sa kanya. Pag tinititigan ko siya feeling ko matagal ko na siyang kilala.
"So Pau. Good news"
tumayo si Hyorin at tinaboy si Mark at umupo siya sa tabi ko.
"Kyla and I are..."
"ENGAGED?!"
tumigin kaming lahat kay Mark.
"(^_^)V"- Mark
"as I was saying Kyla and I are bestfriends. Like OMG to the highest level"
ang hyper talaga nitong si Hyorin. Tinignan ko si Kyla at nginitian siya. Ngumiti din naman siya sakin.
"pare pakisampal nga yang kakambal mo. Ang arte"
napatingin naman kaming lahat kay Kim. Binelatan lang siya ni Hyorin. Nagtawanan naman kami.
Hindi ko maimagine na ang 'meosjin' na inaaway ko dati ay matatawag ko ng mga kaibigan. PAg sa school masyado silang pacool pero pag sila-sila na lang para silang mga bata.
"baby Pau ko namiss kita *o*"
niyakap ako ni Mark at inalog-alog.
"hoy wag mo nga siya likutin. Masakit pa ulo niyan."
suway ni Rui sa kanya. Medyo naaawkward ako sa kanya kaya di ko siya matingnan.
"masakit? bakit baby Pau? Anong nagyari?"
umiling lang ako sa kanya. Bigla namang kwinento ni Rui sa kanila ang kwinento ko sa kanya kanina. Nanlaki naman ang mga mata maliban samin ni Hyun-woo at ni Kyla.
"ang lalaki ng mga mata niyo ah."
sabat ni Hyun-woo. Naningkit naman ang mga mata nila. Ang kulit lang nila. Napatawa naman ng mahina si Hyun-woo.
Tumingin ako kay Rui. Buti na lang hindi niya ako nahuling nakatingin sa kanya.
"guys. Let's play a game. Glancing game. Look oh Rui and Pauline is already playing"
napatingin kaming lahat kay Hyorin. Nakakhiya >//<
BINABASA MO ANG
Loving my Enemy
Teen FictionPumasok siya isang school na exclusive lang for RICH STUDENTS. School na nakapagpabago sa buhay niya. Sa ikot ng mundo niya. Nakakilala ng mga kaaway at mga kaibigan. Ano kaya ang mangyayari sa kanya sa school na ito? Matuklasan niya kaya ang sikret...