Pauline's POV:
takbo parin ako ng takbo. Kailangan kong malaman. Kailangan kong malaman kung anong meron sa car accident na sinasabi niya.
Sa kaiisip ko may nabunggo ako.
"sorry po"
tumayo na ako at tiningnan ko kung sinong bumunggo sakin.
"Ms. Choi?/Doc?"
"Ms. Choi may problema ba?"
"doc. Sabihin mo sakin."
"dun tayo sa canteen?"
tumango naman ako sa doctor. Kailangan ko lang talaga malaman. Feeling ko kasi ang dami kong hindi nalalaman.
Andito na kami ngayon sa canteen nung doctor. Parang bigla ako kinabahan. Parang hindi ko gusto yung sasabihin niya sakin.
"Doc. Sabihin mo sakin. Sabihin mo sakin lahat"
umupo naman siya sa tapat ko. Huminga ako ng malalim at inihanda ang sarili ko sa mga sasabihin nila.
"wala ka parin bang naaalala?"
umiling lang ako.
"ako yung doctor nung naaksidente kayo. Nung naaksidente kayo ni Hyun-woo. Akala ko nga kayo na ulit dahil magkasama kayo. Akala ko bumalik na ang alaala niyong dalawa pero nagkamali ako"
aksidente? Kami? Kami ni Hyun-woo?! Feeling ko mas gumulo lang lahat.
"dinala kayo dito nung mga kaibigan niyo dito. Tinext mo daw kasi yung kakambal ni Hyun-woo na nag-away kayong dalawa nung kapatid niya tapos nagpasundo ka sa may Simbahan. Kaya lang bigla kayong naaksidente ni Hyun-woo. Nasakin pa yung diyaryo nung araw na naaksidente kayo. Tinago ko yun kasi baka bumalik kayo at itanong kung anong tunay na nangyari."
kinuha ni doc yung bag niya pagkatapos ay may inabot siya sakin diyaryo.
"Mr.Park at Ms.Choi naaksidente:
ang anak na sikat na businessman na si Park Hyun-woo ay naaksidente kasama ng girlfriend niya na si Pauline Choi. Alas kwatro ng madaling araw ng makita ang kotse ni Mr.Park na nakabunggo sa isang truck...."
bigla na lang tumulo ang luha ko. Nandun yung picture nung sasakyan ni Hyun-woo na nakabunggo sa isang truck. Wasak na wasak na nga eh. Tapos andun din yung picture namin nung nasa hospital. Sobrang lala ng itsura namin. Inabot ko sa doctor yung newspaper dahil hindi ko na kayang tinagnan pa yung itsura ko. Namin. Sobrang nakakaawa.
"nacoma kayo ng almost 1 year. Nauna ka nga lang magising kesa kay Hyun-woo."
"pero doc akala ko ba kaya ako naospital dati kasi nagkasakit ako. yun din ang sinabi sakin nina mama."
"siguro itinago nila sa'yo ang totoong nangyari. Sana maalala mo na. Sana maalala niyo na ang nangyari. Lagi kasi kayong bumibisita ni Hyun-woo dati eh."
"pero doc. Sino si Carlo? Sino si Cindy?"
"kayo iyon."
kami? Ano daw?
"ang totoong pangalan mo kasi ay Pauline Cindy Choi at si Hyun-woo naman ay Hyun-woo Carlo Park. Bakit?"
kwinento ko naman sa kanya na lagi kong napapanaginipan na naaksidente daw kami. Ngayon alam ko na si Hyun-woo yung Carlo na napapanaginipan ko.
BINABASA MO ANG
Loving my Enemy
Teen FictionPumasok siya isang school na exclusive lang for RICH STUDENTS. School na nakapagpabago sa buhay niya. Sa ikot ng mundo niya. Nakakilala ng mga kaaway at mga kaibigan. Ano kaya ang mangyayari sa kanya sa school na ito? Matuklasan niya kaya ang sikret...
