Pauline's POV:
matapos nung nangyari sa ospital hindi na ako lumalabas ng kwarto ko. Kinakatok ako nina mama pero hindi parin ako lumalabas.
"ate buksan mo to pleasseeee"
andiyan na naman yung kapatid ko sa labas. Huminga muna ako ng malalim pagkatapos ay binuksan ko yung pintuan.
"pasok ka."
pumasok naman siya sa kwarto ko at umupo sa kama na parang reyna.
"bakit hindi ka nalabas? Tapos tingnan mo nga yang mata mo ate. DUH ang panget panget mo na"
sinaman ko lang siya ng tingin. Grabe ang kapatid ko ano? Siya nga kasi ang ate at hindi ako.
"ano bang gusto mo ATE"
talagang inemphasize ko yung ate. Hindi naman niya alam yung tungkol kay Cindy at Carlo kaya nakikipag-usap ako sa kanya.
"sorry daw sabi nina papa"
ayan na naman. Sorry na naman -_-
"ewan. Yan lang ba sasabihin mo?"
"andiyan din si Kuya Hyun-woo sa baba. Aba ate may pasok tayo ngayon tapos ganan ka pa? Malelate tayo niyan eh!"
tiningnan ko yung orasan at 5:40 pa lang. 6:30 naman ako napasok eh.
"ate dalian mo kanina pa si kuya Hyun-woo sa baba."
gahd! Paano ko ba siya haharapin?
"sige na liligo na ako. Lumabas ka na"
pagkalabas niya ay sinaraduhan ko na yung pintuan tapos pumasok na ako sa banyo.
Pagkatapos kong maligo ay nagbihis kaagad ako ng uniform. Naglagay din ako ng light make up tapos nagpatuyo ng buhok then pinusod ko.
"handa na ba akong harapin silang lahat?"
lumabas na ako ng kwarto tapos nakita ko si Hyun-woo. Tumayo siya pagkatapos ay hinawakan niya yung kamay ko. Kaagad ko naman itong tinanggal.
"aalis na po kami."
"sige. Ingat kayo Carlo ha?"
tumalikod na ako sa kanila pagkatapos ay lumabas na ng bahay.
Nakita ko naman yung sasakyan niya sa labas,
"Cindy."
ito na naman tayo. Hawak na naman niya ang kamay ko -_____-
"hindi ako si Cindy"
unti-unti namang lumuwag yung hawak niya sa kamay ko.
"pasok ka na Pau"
kahit labag sa loob ko pumasok padin ako sa kotse niya.
"Pau!"
agad naman akong niyakap ni Hyorin at umiyak.
"OMG Pau I'm so worried."
hindi na lang ako umiimik.
"you're still mad at me?"
"hindi mo naman ako masisisi diba? Nagsinungaling kayo."
tumungo lang siya. Sumakay naman si Hyun-woo dun sa driver's seat. Asan ba yung driver nila?
BINABASA MO ANG
Loving my Enemy
Teen FictionPumasok siya isang school na exclusive lang for RICH STUDENTS. School na nakapagpabago sa buhay niya. Sa ikot ng mundo niya. Nakakilala ng mga kaaway at mga kaibigan. Ano kaya ang mangyayari sa kanya sa school na ito? Matuklasan niya kaya ang sikret...