Carlo's POV:
Pagkapasok niya sa bahay nila bigla na lang tumulo ang luha ko
Alam ko naging mean ako sa kanya. Di ko alam na tatanggapin niya ko na parang walang nangyari
Ang tanga tanga ko talaga
Dami kong iniisip habang nagdadrive pauwi
Fast Forward:
Nakahiga na ko sa kwarto ko at tulala. Aalis na kami mamaya. Ngayon lang ako nalungkot ng ganito
*knock knock*
"pasok"
bumakas ang pintuan sa kwarto ko at bumungad ang kakambal ko
"why are you still awake Hyorin?"
umupo siya sa tabi ko at naiiyak
"I'm really sad kambal"
umupo ako ng ayos. Mukhang malaki problema nito ah
"what happened? Mukhang bihis na bihis ka ah. Pumunta ka na naman dun ano?"
bumuntong hininga siya at tumingin sakin
"last na yun e. Nag baka sakali ako na nandun siya. And tama ako. Naiiyak ako grabe"
Napaluha na din ako pero di ko to pinakita sa kapatid ko
"I still love him. I really do kambal. Pero paano na? Aalis na tayo at baka di na tayo babalik"
nagulat ako sa narinig ko. Ano daw!?!?!?!?!
"sabi yun ni mama. Baka daw di na tayo bumalik"
"bakit daw?!"
"alam mo naman yun"
PUCHA! PUCHA TALAGA!
"by the way, ayoko ng ginawa mo kay Cindy"
"ugh stop it okay? Alam kong mali"
oo. Alam ko mali talaga ginawa ko
"hay I'm really disappointed"
bumuntong hininga na lang ako. Alam ko talagang mali ako. Pucha sising sisi na ko
Pinagsisihan ko kung bakit ko siya dinala sa Section C. Nagsisisi ako kung bakit ko siya pinahirapan ng ganun
pero mas pinagsisisihan ko ay ang pagtanggap niya sakin kanina na parang walang nangyari
"Carlo. Huy"
bumalik naman ako sa reality nung tinawag ako ni Hyorin
"sige pahinga na tayo"
tumayo na siya at lumabas sa kwarto ko
Naiwan na naman ako mag isa. Namiss ko na naman si Cindy
Di ko na namalayan na nakatulog na pala ako
Fast Forward:
nandito na kami sa airport at hinihintay na ang flight namin
"hoy Hyorin kanina ka pang iyak ng iyak diyan"
agad naman niyang pinunasan luha niya at tumingin sakin
"di ka ba nalulungkot?"
nalulungkot. Sobra
"no"
"psh walang puso"
di na niya ko pinansin at naglaro na lang sa phone niya
tahimik lang ako nagmamasid sa paligid ko
may mga umiiyak, tumatawa, natutulog
ganito ba talaga?
bakit parang ngayon ko lang naramdaman ang ganitong kalungkutan
makikita ko pa ba siya?
naiiyak na ko pero hindi ito pwede
"bro kanina pa kami dito"
huh? Napatingin ako sa harap ako at nandito ang meosjin
"oy. San si Rui?"
"wala"
as expected kay Kim
"bro kung hinahanap mo si Cindy wala siya e"
"okay lang"
tiningnan ko si Hyorin at si Kim
ang awkward nila
galit ako kay Rui. Nakakainis siya. Baka naman kasama niya si Cindy ngayon at naglalandian sila
psh Carlo ano bang sinasabi mo?
"sige mga bro aalis na kami. Alagaan niyo si Cindy para sakin. Wag kayong loloko loko hahaha"
tumalikod na kami ni Hyorin sa kanila
buti pa siya nandito si Kim para sa huling pagkikita nila
"CARLO!"
napalingon naman ako sa tumawag sakin at di ako nagkakamali
"Cindy"
tumakbo siya papalapit sakin habang umiiyak
agad ko naman siyang niyakap
"kailangan mo ba talagang umalis Carlo?"
hinigpitan ko naman yakap ko sa kanya kasi anytime maiiyak ako
"akala ko di na kita maaabutan"
lalong lumakas ang pagiyak niya
"Carlos please wag ka ng umalis"
tinanggal ko pagkakayakap niya sakin at hinawakan ko siya sa balikat
nalulungkot ako
"I'm sorry"
sabay talikod sa kanya
sorry lang kaya kong sabihin sa kanya
may sinasabi siya pero di ko na masyadong naintindihan dahil sa sobrang bigat ng pakiramdam ko
malakas naman siyang babae diba?
walang inaatrasan
pero sinaktan ko siya
She doesn't deserve a guy like me
Fast Forward:
nakasakay na kami sa eroplano at tulala lang ako
"kambs. Okay ka lang ba?"
no. I'm not okay
"yes"
tumingin ako sa kanya at ngumiti
ngitian din niya ako
"kambs. Nalulungkot agad ako. Di man lang ako nakapagpaalam ng maayos kay Kim. Ang awkward e. Inunahan ako ng hiya nung nakita ko siya. Gosh I really do hate my pride. Annoying diba? Psh"
umiiyak na naman siya
tinakluban ko na lang mukha at umiyak
tang***!!!!!!
nagulat ako ng bigla akong yakapin ni Hyorin
"it's okay kambal. Magiging okay din lahat. Sige umiyak ka lang. Kunwari wala akong alam. Kunwari wala akong naririnig. Di nakakabakla ang pagiyak kambal"
ito na yata pinakamagandang sinabi niya sakin
Sana nga maging okay na lahat
Pumikit na lang ako at di namalayang nakatulog na pala ako
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
A/N: yeeey guys thanks for reading my story hehe. Since August pa pasok ko uhmmm makakapag UD naman siguro ako ng ayos lol. Enjoy reading!!!
BINABASA MO ANG
Loving my Enemy
Teen FictionPumasok siya isang school na exclusive lang for RICH STUDENTS. School na nakapagpabago sa buhay niya. Sa ikot ng mundo niya. Nakakilala ng mga kaaway at mga kaibigan. Ano kaya ang mangyayari sa kanya sa school na ito? Matuklasan niya kaya ang sikret...