kakauwi ko lang galing school. Hindi na ako nagpahatid kay Carlo dahil alam kong kukulitin lang niya ako. Hindi pa rin ako nakakaget over na andito na si Rui..
Pumasok kaagad ako sa kwarto at humiga sa kama. Hindi na muna ako magpapalit ng uniform ankakatamad pa. Biglang nagvibrate yung phone ko and guess what. 20 messages yung 19 galing kay Carlo na paulit-ulit lang naman yung text at yung isa ay kay Rui.
From Baby Carlo:
baby ko. Bakit hindi mo na ako nahintay? Masama ba lasa mo? Pagaling ka ha? Labyou labyou :*
tapos yung tiningnan ko yung text ni Rui.
From Rui:
pede ka ba ngayon? Andito na ako sa labas ng bahay niyo.
ano daw? Teka.. Aish hindi parin siya nagbabago. Remeber nung tinext niya ako dati na kung pwede kaming magkita sa mall? Tapos andun na kaagad siya?
Nagpalit kaagad ako ng t-shirt at pambahay na shorts. Pinuyod ko rin yung buhok ko tapos nagpulbo. Teka nga. Bakit ba ako nagpapaganda?
Buti na lang pala at kami lang dalawa ni Chelsea sa bahay. Kaya okay lang na papasukin ko siya. Pagkabukas ko ng pinto ay nandun siya sa may gate. Okay Cindy relax. Lumapit ako sa kanya
"Rui"
tumingin siya sakin na parang nagulat.
"h-hi."
hindi ko alam kung kikiligin ba ako dahil andito siya or what. Bago pa ako kiligin or what ay pinapasok ko na siya sa bahay.
Kaagad namang lumapit si Chelsea sa kanya.
"ate si Rui Seong ba yan?"
umupo naman si Rui para kalebel niya si Chelsea. Siyempre dahil maypaka haliparot itong kapatid ko umupo siya sa lap ni Rui.
"ako po si Chelsea kapatid na maganda ni ate Pau."
"aba maganda ka nga."
nakatalikod sakin si Rui kaya hindi niya kitang tinatarakan ko ng mata si Chelsea.
"hoy Chelsea wag ka ngang magpacute diyan mukha ka paring demonyita."
binelatan niya lang ako tapos nagtawanan sila ni Rui.
"kuya ikaw boyplend ni ate?"
nanlambot ako sa tanong ni Chelsea. Hindi pa nga pala niya alam na si Carlo yung boyfriend ko. Ginulo lang ni Rui yung buhok ni Chelsea tapos kinarga niya.
"uhm kukuha lang ako ng makakain. Umupo ka muna"
dumeretso na ako dun sa kusina at naghanap ng pagkain sa ref. Sakto hindi ko pa nakakain yung lasagna na dala ni mama. Nilipat ko na lang yun sa isang plato tapos kumuha ako ng tinidor.
Pagdating ko sala nakaupo sila ni Chelsea sa sofa tapos nagkikilitian.
"ehem"
tumingin silang pareho sakin. Binelatan na naman ako ni Chelsea. Pinatong ko na lang yung pinggan sa may lamesa sa harapan ng sofa.
"pasensya na wala akong maihahandang lechon. Yan lang ang pagkain namin"
"ayos lang. Kayna Hyun-woo I mean Carlo lang naman naghahanda ng lechon kapag may bisita eh"
napanganga ako sa sinabi niya. Nagbibiro lang naman ako kanina tungkol sa lechon eh. Hindi ko alam na seseryosohin niya.
"wow ang sarap naman nito. Sarhan niyo nga yang bibig niyo ang laki eh"
nagkatingin kami ni Chelsea tapos hinawakan namin yung baba ng isat-isa at sinaraduhan namin ang nanglaki naming bibig
"ah eh. Bumili ka nga muna ng coke dun kay aling Myrna"
"ay. Wait lang ate. Kuya subuan mo ko"
may kindat effect pa talaga si Chelsea. Halos masapok ko na siya. Eto namang si Rui tumawa lang.
"hoy hoy. Ang bata bata mo pa ganyan ka na."
"sus selos ka lang eh."
namula ako sa sinabi ni Chelsea. Shemay bakit feeling ko totoo yung sinabi niya? Putek feeling ko tuloy ang landi ko.
"che. Oh 50 pesos bilisan mo"
kinuha niya ng padabog yung 50 pesos tapos lumabas na.
5
10
15
"Cindy"
"ay putek ang ganda ko talaga"
"I know haha"
I know namula ako. Walang pakealamanan pede naman akong kiligin diba?
"she... Dineny niya kami"
nung una di ko siya magets pero boom. I get it.
"bakit daw?"
"ewan ko din. Pero hinayaan ko na. Mahal ko eh"
parang bumilis yung tibok ng puso ko. Bakit? Sa kadahilanang.... Hindi ko din alam. Putek
"hehe atleast ayos lang sa'yo"
"yup. Wow Cindy ang sarap nito ah. Pede ka ng magasawa"
parang nabilaukan ako. Asawa? Ako?
"wag ka ngang magjoke diyan!"
"hindi no. Haha swerte ni Carlo sa'yo"
"oo naman ano haha. Kumain ka na nga lang naaadik ka na naman"
"namiss kaya kita. Haha"
namiss kaya kita
namiss kaya kita.
Potek. Wag mong pabilisin ang tibok ng puso ko gago
"natahimik ka?"
"ha? Wala to haha"
"sabi mo eh"
tapos kumain na ulit siya. After 3 minutes or more bumalik na si Chelsea. Gahd I hate this feeling
that feeling na parang naiinlove ulit ako sa taong kasama ko ngayon kahit alam kong hindi na pwede.
BINABASA MO ANG
Loving my Enemy
Teen FictionPumasok siya isang school na exclusive lang for RICH STUDENTS. School na nakapagpabago sa buhay niya. Sa ikot ng mundo niya. Nakakilala ng mga kaaway at mga kaibigan. Ano kaya ang mangyayari sa kanya sa school na ito? Matuklasan niya kaya ang sikret...