Chapter 12.2: School Fair

252 6 0
                                    

Pauline's POV: 

pagkatapos naming kumain ng ice cream. Nagkayayaan na sumakay sa mga rides. Inuna namin yung  roller coaster tapos sumakay kami ng ferris wheel. Nag enjoy naman ako kahit papaano kahit kasama ko si Hyun-woo. Siyempre hindi parin mawawala samin ang pag-aaway. 

"gabi na pala. Hindi na natin nabantayan yung booth." sabi sakin ni Kyla. Tinawanan lang kami nina Hyun-woo. May nakakatawa ba sa sinabi ni Kyla? Mga weirdo!

"sorry girls ha. Pero bakit niyo pa iintindihin yang booth? Ang dami kaya nating kaklase. For sure nabantayan nila yun." singit naman ni Kim. 

"ganun ba? okay :3" bakit parang nagkakailangan itong dalawang ito? Tanong ko kaya kay Hyun-woo? Psh. Wag na lang pala. Naramdaman ko na nagvibrate yung phone ko. Tiningnan ko naman ito. FUDGE. 120 TEXT MESSAGES AT 50 MISSED CALLS galing lahat kay Rui? 

"babe may problema ba?" tanong ni Mark sakin. Nasanay na ako na tinatawag niya akong babe. Umiling lang ako bilang sagot sa kanya. 

"uuna na ko sa inyo. Nagtest kasi si Ru---"

"hey!" napatingin naman kami sa sumigaw si Rui lang pala. OMG si Rui patay na nakalimutan ko na sabay nga pala kaming maglalunch. Dumeretso ako sa likod ni Hyun-woo.

"don't hide Pau. Nakita na kita." lumapit naman siya samin ni Hyun-woo at ngumiti.

"hehe sorry ^_^V" 

"bakit ka nagsosorry Pau? May kasalanan ka ba sakin? Bakit kasalanan mo bang maghintay ako sa canteen ng seven hours? :D" okay siya na magaling mangonsensya -___- 

"sorry na kasi. Babawi ako sa'yo" hindi ko alam pero lumabas na lang yan bigla sa bibig ko. Pwedeng bawiin ang sinabi?

"talaga? Sure ^_^"  hinawakan naman niya ang kamay ko. Aalis na sana kami ng biglang hawakan ni Hyun-woo yung balikat ni Rui.

"pare wag mo na iyang ibabalik samin ha? Ang gulo niyang kasama eh. Kami na lang bahala mag-uwi kay Kyla." what the F?! Ako pang magulong kasama ha?! Shemay!

"haha ge. Una na kami. Bye :)" kumaway naman siya kayna Mark at ako nginitian sila maliban kay Hyun-woo. Inirapan ko siya pero parang siya bata binelatan ba naman ako?! hmp!

nung makalayo na kami ni Rui binitawan naman niya ang kamay ko.

"sinabi mo ba sa kanila?"

"huh?" medyo naguluhan ako sa tanong niya. Anong sinabi ko?

"sinabi mo sa kanila na aalis na ako?"umiling ako sa kanya at ngumiti.

"ahh. Saan tayo pupunta?"

"bahala ka. Pero nasakyan na namin lahat eh maliban sa Ferris Wheel,"

"ganun ba? Duon na lang tayo."tumango ako bilang sagot sa kanya. Wala ba siya sa mood? Hindi siya natingin sakin pag hindi ako kausap eh. Aish ano ba Pau? kung anu-anong iniisip mo!

"oh Pau san ka pupunta?" sa kaiisip ko hindi ko alam na lumampas na pala ako. Ngumiti ako at tumabi kay Rui sa pila.Hindi naman mahaba ang pila kaya nakasakay kami kaagad.

"uhm Rui sorry kanina ha?" nagsimula ng umandar ang ride. Tumingin lang siya sakin pagkatapos ay tumingin sa taas.

"Rui. Magkwento ka naman"

"anong ikwekwento ko?" tumingin na siya pero wala paring reaksyon ang mukha niya.

"bakit ka nga pala aalis?"

"naisip ko kasi na kailangan ko siyang balikan. Kailangan ko siyang balikan sa Korea."

"sinong siya?"

"si Asteria Levine" Asteria Levine? Yun yung sikat na model ah.

"sikat na model?"

"yah. She's my bestfriend. Gusto kong magconfess sa kanya tungkol sa feelings ko."

"bakit parang ang bilis ay" bigla kasing tumigil yung ferris wheel. Sakto pang nasa taas kami ang ganda ng view. Kitang-kita ang buong Academy dito. Tumabi naman sakin si Rui

"well. Matagal ko ng pinag-iisipan to. Kailangan din kasi ako ni daddy sa business namin kaya naisip ko na isabay na ang pagcoconfess sa kanya." hindi ko alam kung bakit ako naiiyak. 

"ah ganun ba? Ingat ka."

"salamat. Ay Pau tungkol sa kiss."

"ha? kalimutan mo na yun."

"no. I need to explain. I'm sorry about sa kiss. Actually first kiss ko din yun kaya na shock ako. Sorry talaga"

"de okay lang yun. Nangyari na eh. Babalikan pa ba natin? Kesa isipin pa natin yung bagay na yun kalimutan na lang natin. Hindi naman big deal yun eh :)"tumango na lang siya at ngumiti. 

Bigla namang umulan nung papaba na yung ferris wheel. Fudge ang swerte namin ano? -___- papalapit ng papapalapit sakin si Rui hanggang sa...

O_O ito na naman nangyari na naman. Hindi ko alam pero I responded to his kisses. 

"yow haha nice one Rui ang bilis mo ah." napahiwalay naman kaming dalawa. Shet nakita nina Mark. Tuloy-tuloy parin ang pag ulan. Bumaba naman kaagad kami ni Rui. Lumapit sakin si Hyun-woo at pinayungan ako. Tahimik lang siya.

"baby Pau ang daya mo naman eh nakakiss sa'yo si Rui. Ako din >3< nakaform na yung lips niya para ikiss ako ng biglang hinampas ni Hyun-woo yung lips ni Mark.

"tumigil ka nga Mark nakakarume ka. Iuuwi ko na itong si Pau. Ingat kayo" ngumiti lang ako sa kanila. Na aawkward ako kay Rui pero ngumiti parin ako. Shemay bakit ba ako nagpahalik? Sumakay na kami ni Hyun-woo sa kotse. Ang tahimik lang sa loob. Bakit kaya hindi pa siya nagsisimulang mag drive? 

"oh" sabay abot niya sakin ng towel.

"anong gagawin ko dito?"

"isabit mo sa leeg mo tapos magbikta ka na" 

"Hyun-woo naman eh! Seryoso!"

"takpan mo ang harap mo bakat na bakat ang bra mo eh -_____-"napatingin naman ako sa damit ko. Okay bakat nga. Tinakpan ko naman ng towel ang harap ko. Nagsimula ng mag drive si Hyun-woo tahimik parin kami.

"malamig. Wala na bang ihihina yang aircon ng sasakyan mo?"tumingin naman siya sakin pagkatapos ay hininaan ang aircon. Binuksan ko naman yung sterio tumingin lang siya sakin ng masama.

"what? hindi ko naman sisirain to eh." nagdrive na lang ulit siya. Himala hindi niya ata ako sinisigawan mula pa kanina. Ano kayang nakain nito? Itanong ko kaya?

"oy panget bakit hindi mo ako inaaway?"bigla naman niya pinatigil ang sasakyan. Okay muntik na akong mauntog -___-

"pwede ba Ms. Choi nagdadrive ako kaya pwede bang tumigil ka sa kadadada mo?! Bumaba ka na lang kaya?!" sumimnagot na lang ako at tumahimik. Pasalamat siya may utang na loob ako sa kanya. Napansin ko na hindi ito yung way pauwi samin.

"hoy Hyun-woo hindi ito yong daan."

"I know" sabi niya sakin habang nagdadrive. Hala saan naman kaya ako dadalhin nito? Nainggit kaya siya samin ni Rui kaya naman hahalikan niya rin ako?! O_O okay ang weird ko na -______-

tumigil na yung sasakyan. Teka condo ito ah. Anong ginagawa namin dito? At anong gagawin namin dito? :O 

Loving my EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon