pagbukas ko ng pinto tumambad kaagad sakin ang amoy ng sigarilyo,alak. Ang baho shemay. Hindi ba nila napansin na may tao?
"hey. You need anything?"
lumapit sakin yung lalaking amoy alak at may hawak na sigarilyo.
"dito na ako simula ngayon"
"oy classmates may bagong salta"
lumapit sakin ang buong section C. Wala ba silang balak papasukin ako?
"I'm Mimi."
sabi sakin nung babae na may hawak na sigarilyo. Hinila na niya ako papuntang loob. Kung mabaho sa labas mas mabaho dito sa loob. Saradong-sarado pa sila tapos bukas ang aircon. Imagine niyo na lang na halo-halo ang amoy nila -_-
Pinaupo naman ako ni Mimi dun sa bakanteng upuan sa likod tapos tumabi sakin.
"so break na pala kayo ni Hyun-woo? Hindi kasi kami machika ng Section C"
hindi pa sila machika ng lagay na yan ha?
"oo break na kami."
"really? How sad naman. Chika it to me naman"
"ah eh"
"don't be too shy. Friend mo na ko hihi"
hindi ko pa pwede siyang pagkatiwalaan diba? Lumapit naman ulit sakin yung lalaki. Maputi siya, medyo payat pero may muscle. Gwapo pa.
"hey. I'm Miguel"
tapos tumabi siya kay Mimi at.... NAG KISS SILA?! Potek nagkiss sila!
"sorry for that Pauline. Ito naman kasing si Miggy eh."
tapos hinampas niya ng mahina si Miguel sa braso. Tumawa naman si Miguel tapos nagkiss ulit sila. Mas matagal. Wow may live show.
Nanonood lang ako sa kanila ng biglang pumasok yung teacher
Tuloy parin sila sa kung anong ginagawa nila. Hindi ba man lang niya kami papagalitan kasi parang wala kaming respeto?
"*ehem*"
"get out cunt."
ano daw? Ang bastos naman nila ha. Teacher parin siya.
"so today. Anong gusto niyong gawin?"
"papayag ka ba kung sabihin naming maghubad ka sa harapan namin?"
nagsitawanan sila sa sinabi ni Miguel. Ano ba kasing nakakatawa? Nakakabastos nga sila eh
"please stop this"
at tumungo yung teacher. Tumayo ako at pumuntang unahan. Hindi ko kayang palampasin ang ginagawa nila
"ANO BA KAYO?! NAKAKABASTOS NA KAYO AH"
hinawakan nung teacher yung balikat at sinabing tama na pero hindi ko siya pinakinggan.
"KUNG WALA KAYONG MASABING MAGANDA PWEDE BANG TUMAHIMIK NA LANG KAYO?! HINDI NIYO ALAM KUNG MAY NASASAKTAN KAYO."
hirap na hirap na ako sa pagsasalita. At sila? Nakatulala lang sakin.
"ANO?! BAKIT HINDI KAYO MAKAPAGSALITA?! SANA NAMAN ITATAK NIYO SA KOKOTE NIYO NA KAHIT GANAN ANG UGALI NIYO SINASAMAHAN PARIN NIYA KAYO"
tumayo yung isa kong kaklaseng babae na may hawak na sigarilyo. Lumapit siya sakin at sinampal ako
"how dare you? Wala kang pake kung anong gusto naming gawin. Edi iwan kami ng teacher na yan. Wala kaming care. Atsaka duh. Mayaman na kami kaya hindi na namin kelangan mag-aral. Eh ikaw? Hampaslupa ka lang diba? Wait. Let me rephrase it. Gold digger ka"
hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ko at bigla ko siyang sinampal ng malakas. Napaupo siya sahig habang hawak ang mukha niyang may bakat ng kamay ko.
"ano? Tumayo ka diyan. Ako gold digger? Talaga lang ha."
umupo ako para kalebel ko siya. Sa sobrang galit ko ay hinawakan ko ang baba niya ng mahigpit
"sa susunod miss wag kang magsasalita ng hindi mo alam ang totoong nangyari. Mahirap nga kami. Pero hindi mo ba naisip na mahirap ka lang din? Bakit? Sino ba ang mayaman? Ikaw o ang magulang mo?"
tumayo na ako at lumabas na sa malademonyong classroom na iyon.
"ouch"
aba! Nagawa pa talaga niyang sumunod sakin sa labas at hawakan ng mahigpit ang braso ko.
"miss Pauline Choi. Hindi mo kilala kung sinong binangga mo. Hindi mo ako kilala so wag ka ring magsalita ng mali."
hinawakan ko yung kamay niya na nakahawak sa braso ko.
"hindi ka parin ba nadadala? Gusto mong pantayin natin yang pisngi mo? Oh wait. Yung ilong mo miss tabingi na"
hinawakan niya yung ilong niya. Retoke pala eh
"you bitch"
"lumalaban lang ako kasi alam kong ako ang tama"
at lumakad na ako palayo sa kanya.
Dismissal na at ano pa bang gagawin ko? Uuwi na. Pero parang ayaw ko pa. Dumeretso muna ako sa gym. At sa hindi inaasahang pagkakataon, nakita ko siya. Nakita ko si Carlo na may hinahalikang babae. Ang bilis niyang makamove-on ah.
Tumalikod na ako at ayun may nabunggo akong tiyan. Niyakap niya ako. Hindi ko alam kung sino ito.
"shh. Uwi na tayo"
boses pa lang niya kilala ko na kaagad.
"salamat Kim"
BINABASA MO ANG
Loving my Enemy
Novela JuvenilPumasok siya isang school na exclusive lang for RICH STUDENTS. School na nakapagpabago sa buhay niya. Sa ikot ng mundo niya. Nakakilala ng mga kaaway at mga kaibigan. Ano kaya ang mangyayari sa kanya sa school na ito? Matuklasan niya kaya ang sikret...