Chapter 30

256 7 4
                                        

dedicated kay kissmyredlips.Maganda po yung TBBT basahin niyo hihi

***

naiwan kami ni kuya Dj na nakatulala. Putek naman oh. 

"Paundy sorry"

"kuya pwede umuwi ka na?"

"Pau--"

"Please. Umuwi ka na"

niyakap niya ako at lumakad na papalayo sakin. Napa upo na lang ako sa sahig. Wala akong pake kung pinagtitinginan na ako ng mga tao. 

"stand up bitch bagay lang yan sa'yo"

at hindi nga ako nagkakamali si Brittney. Pero tinutulungan niya akong tumayo?

Hinawakan ko yung kamay niya at tumayo.

"s-salamat"

"don't say thanks. Ayoko lang masira ang reputasyon ng school dahil diyan sa kadramahan mo"

naglakad na rin siya papalayo. Ngumiti ako ng pilit tapos naglakad na papuntang classroom.

"Car-- Shit!"

tama ba namang batuhin ako ng sampung eraser para sa blackboard?!

Nagtawanan silang lahat. At ako?! Galit na galit

"PUTA! SINONG MAY SABING GAWIN NIYO YUN?!"

"ako?bakit?"

nanigas ako sa kinatatayuan ko. Ramdam na ramdam ko na ang laming ng boses niya. Potek.

Nilingon ko siya

*dug dug dug dug*

"ano pang ginagawa mo dito?"

pumunta siya sa upuan niya. Sumunod naman ako at umupo sa tabi niya.

"nagbibiro ka lang naman kanina diba? Hindi naman totoo na break na tayo diba?"

hinawakan ko siya sa kamay. Nagulat siguro siya sa ginawa ko. Pero anong magagawa ko? Mahal ko pa siya.

"bitawan mo ako"

ang lamig pa din ng boses niya. Ano ba kasi talagang problema? Alam ko nagbibiro lang siya. Tama nagbibiro lang siya.

"sumama ka sakin"

hinila niya ako papuntang rooftop. Sinarhan niya ang pinto at nilock ito. 

"Pauline listen to me"

hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang kalungkutan. Pero mas nanginigbabaw ang galit. 

"Ca-"

"sabi ko naman na Hyun-woo ang pangalan ko diba?"

"fine. Hyun-woo bakit ka ba kasi nakikipaghiwalay?"

"nakipaghiwalay"

"fine. Oh bakit ba?"

tumalikod siya sakin. Bakit parang nasaktan ako nung tumalikod siya.

"hindi na kita mahal."

boom! Ano ka ngayon Pauline Cindy Choi? Hindi ka na daw niya mahal. Tumulo naman kaagad ang luha ko

"nagsisinungaling ka diba?"

"hindi"

isa pang boom. Anong akala mo magsisinungaling yan? Asa ka boy ano!

"pero bakit Hyun-woo?"

humarap na siya sakin. And this time cold na naman ang mga mata niya. Sana pala katulad na lang ito ng mga korea novelang napapanuod ko na biglang uulan para naman hindi niya makitang umiiyak ako. Pero hindi pwede. Totoong buhay ito. 

"kasi gold digger ka. Pinerahan mo lang ako. Ginamit mo lang ako para hindi ka na mabully. Ang tanga ko ano? Naniwala ako sa'yo. Mahal mo din si Rui diba? Mali pala, mahal mo siya at hindi ako. Manggaga--"

isang malakas na sampal ang binigay ko sa kanya. 

"ganan ba talaga ang tingin mo sakin? Eh hayup ka pala eh. Pinerehan kita? Sige nga anong hiniling ko sa'yo? Wala naman diba? At oo. Mahal ko si Rui. Pero sana naman itanim mo diyan mas mapurol mong kokote na mas mahal kita. Gold digger ako? Mali ka! Silver ang hinuhukay ko. Manggamit? Oo. Ginamit kita para mahalin mo din ako si mahal kita. Gets mo ba?"

iniwan ko siyang nakanganga. Bago ako tuluyang lumabas ng rooftop ay tiningnan ko muna ulit siya.

"salamat sa 5 months na pinagsamahan natin. Sayang nga lang at natapos kaagad tayo. Ingat ka ha? Gagamitin ko lang si Rui"

pagkasara ko ng pinto ay tuluyan ng lumabas ang mga luhang gustong-gusto ng lumabas. 

"Cindy"

niyakap ako ng meosjin. Buti pa sila andiyan parin kahit wala na kami ng bestfriend nila. Lalo akong humagulgol

"shh. Stop crying ihahatid ka na namin sa section C"

"ha?bakit?"

humiwalay naman sila sa pagkakayakap sakin.

"pinalipat ka na ni Carlo. Sorry"

tumango na lang ako at naglakad na.

Nasa tapat kami ng section C. 

*inhale exhale*

inawan na ako ng meosjin.

"Pauline kaya mo yan"

at binuksan ko na ang pintuan sa classroom nila.

***

A/N: Sobrang tagal ko po bago pa ulit makakapag UD sorry po

Loving my EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon