Pauline's POV:
*yawwwn*
ang ganda naman ng bahay namin. Ang laki-laki. Nananaginip ba ako? Tumayo na ako sa kama at pumuntang walk-in closet. OMG!
"s-sorry"
agad ko namang sinaraduhan ang pintuan. Shocks andito nga pala ako sa condo ni Hyun-woo. Nakita ko tuloy siyang topless >//< ano ba kasi ang ginagawa niya dito? Diba andun sa kabila ang kwarto niya?
Humiga na lang ulit ako sa kama. Medyo sumama ang lasa kasi nga hindi ako nakapag shower ng ayos kagabi. Maya-maya naman lumabas na si Hyun-woo.
"s-sorr *achoo*"
"may problema ka?"
"sipon la-- *achoo*"
ay grabe -________- lumapit naman sakin si Hyun-woo. Siyempre umatras ako.
"h-hoy luma*achoo*yo ka nga*achoo*"
"kamukha mo talaga siya."
teka sino bang tinutukoy nito? Sinong kamukha ko? Ang alam ko iisa lang ang mukha ko sa mundo.
"ano bang sinasabi mo diyan? *achoo*"
umiling lang siya saka tumayo. Ano bang problema nuon?
"maghanda ka na ng agahan. Gutom na ako."
ano pa nga bang aasahan ko sa kanya? Psh kitang may sakit na ako tapos inuutusan pa niya ako -_-
nag-ayos na ako ng sarili tapos ay bumaba na ako. Nadatnan ko siya sa may sofa at nanunuod na naman ng tv. Hindi na rin ganun kasakit ang binti ko.
"kamahalan ano pong gusto niyong kainin?"
"bahala ka. Marami namang pagkain diyan sa ref."
pumunta na kaagad ako sa kusina niya. Wow, ang linis naman dito. Lalaki ba talaga ang nakatira dito?
"kamahalan nainom ka ba ng kape?"
"no. Gatas lang ang iniinom ko."
kaya pala ang tangkad niya. Gayanin ko kaya siya?
Pinagtimpla ko na siya ng gatas at yung sakin chocolate drink. Niloloko naman kasi ako ng lalaking ito eh. Sabi marami daw pagkain wala naman pala -_____-
"kamahalan. Yung gatas niyo po natimpla ko na"
pumunta naman siya dito sa kusina at umupo na. Duon naman ako pumwesto sa tapat niya.
"oh bakit ganyan mukha mo? Hindi ba masarap? Pinaghirapan ko iyan eh"
natulala lang siya. Masarap ba ang gatas o hindi?! Psh.
"Cindy"
Cindy? Sinong Cindy?
"huh?"
tumingin lang siya sakin ng masama tapos tumayo na siya.
"teka. San ka pupunta? Hindi mo pa ubos oh!"
sa halip na umupo siya. Sinamaan niya lang niya ako ng tingin. Ano na naman bang ginawa ko sa kanya?!
"punta lang akong playground. Kung may kailangan ka pumunta ka lang duon."
tumango na lang ako sa kanya. Pagkatapos kong inumin yung chocolate drink ay hinugasan ko ito kaagad.
"puntahan ko kaya si Hyun-woo? Uuwi na lang ako samin mamaya."
BINABASA MO ANG
Loving my Enemy
Ficção AdolescentePumasok siya isang school na exclusive lang for RICH STUDENTS. School na nakapagpabago sa buhay niya. Sa ikot ng mundo niya. Nakakilala ng mga kaaway at mga kaibigan. Ano kaya ang mangyayari sa kanya sa school na ito? Matuklasan niya kaya ang sikret...