Chapter 12.1: School Fair

282 6 0
                                    

Pauline's POV:

hindi parin ako nakaka move-on sa nalaman ko. Aalis si Rui next week? bakit? bakit kung kelan komportable na ako sa kanya saka pa niya kailangang umalis? Sino ba yung kailangan niyang balikan sa Korea? Ganun ba siya kahalaga kay Rui? Andami kong gustong itanong sa kanya.

"tulala ka na naman. Problem?" hindi ko namalayan na katabi ko na pala si Kyla. Umiling lang ako bilang sagot sa kanya. Nandito ako ngayon sa school. School Fair na kaya naman mas madaming tao ang pumupunta dito. 

"ay oo nga pala Pau tara sa Forever 21? Gusto ko kasing bilhin yung dress na nakita ko kanina." tinatamad man akong tumayo, tumayo parin ako. Ang yaman talaga ng school na 'to tuwing may school fair pala laging may mga nag sposponsor like Forever 21, Chanel, CK, basta madami. Kulang pa nga ata ang 200 na baon ko eh. 

Naglalakad kami ni Kyla ng bigla naming nakasalubong si Brittney. Sila na naman. Nahiya naman ang suot ko sa suot niya kinulang lang sa tela?! -_______-

"hey bitch." sabay irap ni Brittney. Sampalin ko kaya ito. Kung makatawag ng bitch ah!

"wala ako sa mood makipag away sayo Brittney, kaya pwede ba tigilan mo ako."

"wag kang feeler Pau si Kyla ang sinasabihan ko." ayan na naman siya sa smirk niya. Napatingin naman ako kay Kyla halata naman na nagulat siya. 

"t-teka bakit ako napasali diyan?" 

"girl. kalat na kalat na kaya sa buong school about dun sa nangyaring kiss niyo ni Kim. Kawawa ka naman nagalit sa'yo yung kakambal ni Hyun-woo? Mga losers. Bye!" nag flying kiss naman samin si Brittney. Ano bang gusto niya? Tiningnan ko ulit si Kyla. Naluluha na siya tss. ang weak niya. 

"hey gusto mo ng ice cream?" 

"h-huh? Sure :)" kahit papaano naman ay ngumiti siya. Mas gusto ko ito hindi siya weak. 

Buti na lang nagtext sakin si Hyorin na may ice cream parlor daw siya dito. Kaya naman naisip ko na baka ito din ang maka pagpagaan ng loob ni Kyla. Sana naman magk-ayos na silang dalawa. Ako ang naiipit sa sitwasyon eh. Nang makarating na kami sa ice cream parlor ni Hyorin, namangha kami ni Kyla ang cute kasi eh hugis ice cream yung labas nung parlor tapos color pink (A/N: di po ako marunong mag describe pagpasensyahan niyo na po XD) pumasok naman kami sa loob ang cute din nung loob blue. Mula sa pintura mga upuan. 

"hey!" at nagbeso naman ami ni Hyorin. Ang cute ng uniform niya pang anime mukha siyang nagcocosplay. 

"hey. Kasama ko nga pala si Kyla" tumingin lang siya kay Kyla pagkatapos ay tumingin ulit sa akin.

"ah. So upo na kayo kukuha ko kayo ng ice cream ^_^" 

umupo kami ni Kyla malapit sa may bintana. Halata parin sa mukha niya ang kalungkutan. Nakakaawa siya. Masyado kasi siyang nagpapa apekto sa mga sinasabi ng iba.

"Pau. Alam mo ba sobrang nasasaktan na ako." 

"bakit?"

"hindi ko alam pero bakit ganun sila? Kailangan ba talaga nila akong pagtulungan? Kung alam lang nila yung totoong nangyari. Ayoko na Pau" nagsimula na siyang umiyak. Pinunasan ko naman ang mga luha niya.

"alam mo kasi Kyla hindi madaling iplease ang mga tao. Hindi natin kontrolado ang mga isip nila. May mga tao talagang sobrang kitid ng utak. Sasabihin nila lahat ng gusto nilang sabihin pero hindi nila alam kung may nasasaktan ng tao. Isang ngiti mo lang matatalo mo sila. Ipakita mong hindi ka apektado sa nangyari at sa nangyayari ngayon. Mapapagod din sila at titigilan ka. Siguro hindi pa ngayon pero kung patuloy ka magpapa apekto sa mga nangyayari lalo nilang iisipin na weak ka."

"Pau. Weak ba ako?"

"ayokong magpaka plastik pero yun eh. Masyado kang weak. Masyado mong pinapakita sa kanila na kaya ka nila. Kaya nila hindi titigilan eh."

"ganun ba Pau? Bakit parang ang dami mong alam? "

"experience :) nakakadala na eh"

"anong nakakadala?" napatingin naman kami ni Kyla sa nagsalita si Hyorin pala. May dala siyang tray tapos iba't-ibang flavor ng ice cream. Umupo naman siya sa tabi ko 

"anong nakakadala Pau? May problema ka ba?" tanong ulit ni Hyorin sakin. 

"problem? Wala ah. Kayo nga yata ni Kyla eh may problema."napatingin naman sakin si Kyla at napakunot ang noo. 

"problema kami? Ewan ko ba.. Sige na babalik na ako." umalis na siya at bumalik sa counter. Tiningnan ko si Kyla. Nangingiyak-ngiyak siya. Tss. Nasabihan ko na siya eh. 

"wow vanilla ice cream *o*" kumuha naman siya ng kutsara at nag scoop siya ng ice cream ang cute niya kumain parang bata ang amos niya. Kinuha ko na lang yung bubblegum flavor. Susubo na sana ako ng biglang may umagaw ng kutsara ko at kinain yung bubblegum flavor na ice cream.

"YAH! AKIN YAN EH!" 

"so? Akin na 'to nagugutom na ako. bleeeh" ayan na naman siya pagiging-isip bata niya -__- sino pa ba edi si HYUN-WOO. Paker! Ano ba kasing ginagawa nila dito? Ang dami-daming upuan dito sila sa pwesto namin umupo. Tumabi si Mark kay Kyla tapos tumabi naman si Kim kay Mark. So talagang katabi ko tong hinayupak na ito?!

"sana bumili ka na lang, hindi yang nagng-aagaw ka ng ice cream ng may ice cream -____-"

"yiee. ang PauWoo nag-aaway. Yieeee" andito narin pala si Hyorin. 

"che. Ano ba yan Hyorin ang ikli ng suot mo. Nagpanty ka?!" ano bang tanong yang tinanong ni Hyun-woo?!

"h-hoy nag panty ako ano!" sabay iwas niya ng tingin samin

"pare ang ganda kaya ng costume ni Hyorin. hihi ang cute :)"

"thanks Mark :)" 

kukunin ko sana yung ice cream ko na kinuha ni Hyun-woo. 

"hep hep that's mine NOW. Nalawayan ko na iyan kukunin mo pa? *smirk*" psh. BWISET! BWISET PO SI HYUN-WOO PROMISE -__________-

nagsimula ng mag-away ang magkapatid, at kami? Nakatingin lang sa kanila.

"baby Kyla ang kalat mo naman kumain gusto mong linisin ko yan gamit lips ko?" sabay lick niya ng lips niya. Eww WHAT THE?! sinaman lang naman siya ng tingin ni Kyla. 

"Pare one point hahahahahahahahaha" para namang kabute itong si Kim biglang nagsasalita.

"one point ka diyan nakakarume kaya." sagot ko naman. Nagiging komportable na ako sa kanila. Hindi na nila kasi ako inaaway. Tinigilan na nila ako sa mga pranks nila. 

"uhm. Dun muna ako sa counter ha? Enjoy your ice cream ^_^"  dumeretso na si Hyorin sa counter. Sabay-sabay naman kaming tumingin kay Kim. Tinaasan niya lang kami ng kilay tapos kumain na ng ice cream.

"ano ba yan Kyla umayos ka nga. Ang amos mo"tapos inabutan siya ng tissue ni Hyun-woo. Ngumiti lang si Kyla at nagsimula ng punasan ang maamos niyang bibig.

"Hyun-woo pwedeng advice?" tanong ni Kyla. Tumango lang si Hyun-woo bilang sagot sa kanya. Aba ang loko ang bait at kay Kyla. I smell something fishyyyyy. 

"anong gagawin ko? Kalat na kalat na ang rumors sa buong school about samin ni Kim. Ayoko na nahihirapan ako eh."nagsimula na naman siyang umiyak. Nakatingin lang sa kanya si Kim. At si Mark? Ayun diretso lang sa pagkain niya.

"well Kyla. Hayaan mo sila kung anong iisipin nila sa'yo. Hindi mo naman sila masisisi na ganyang ang iniisip nila sa'yo. They call you bitch, flirt, slut pero one thing Kyla ignore them."tapos kumain na ulit siya. Hindi ko alam pero napangiti ako sa sagot ni Hyun-woo. Ano bang nakain nito at ang ang bait niya? KAY KYLA. Hindi ko alam na ganito pala siya. May side pala siyang ganito. 

Loving my EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon