Hyorin's POV:
so start na naman ng klase. BORING na naman. Hindi na nga ako nakikinig sa nagsasalita sa unahan eh :P
"Hyorin. Hyun-woo. Pumunta daw kayo sa principal's office. Ngayon na."
yes naman! Tumayo ako kaagad. Papasalamatan ko kung sino ang nagpapatawag samin ni kambal ^_^
pagkalabas namin ng classroom ni kambal sa classroom, what would you expect? Pinagtitinginan na naman kaming dalawa dito. May klase diba? Bakit nasa labas sila?
May mga nagbubulungan din. Kesyo bagay daw kami ni Hyun-woo kung hindi lang sana kami magkapatid. Mukha daw kaming mga runway model. Oh ha! Sa liit kong ito mukha daw akong runway model XD
Nung nasa may pintuan na kami ni kambal ng principal's office, hinawakan niya ang kamay ko. Nako kung hindi ko lang ito kapatid nahimatay na ako sa sobrang kilig :D
"tara? :)"
nakangiti niyang sinabi sakin. Napansin ko lang madalas na siyang ngumita ha. Si Pau kaya ang dahilan kung bakit siya nakangiti ngayon? Yiee iniisip ko pa lang kinikilig na ako. :">
"nginingiti mo diyan? Pasok na."
nagbago na isip ko. Bumalik na naman siya sa pagka moody niya -___-
pagpasok namin sa principal's office, may babaeng nakatalikod samin. Nung humarap siya samin.. OMG. this can't be!
"kamusta na darlings?"
nakangiti niya sinabi samin. Bakit andito siya?! Bumalik na siya sa korea pagkahatid niya sakin dito sa Pilipinas ah. Don't tell me kokontrolin na naman niya agn buhay ko o ang buhay ni Hyun-woo.
"ma. Anong ginagawa mo dito?"
mahinahanon kong sinabi sa kanya. Mas humigpit naman ang hawak ni Hyun-woo sa kamay ko. Masama ito.
"hindi ba kayo masaya? Ako na ang bagong principal ng school na ito. Hyun-woo anak"
lumipat naman ang tingin niya kay Hyun-woo. Kung kanina mahigpit ang hawak ni Hyun-woo sa kamay ko. Ngayon mas mahigpit na. Feeling ko mababali kamay ko eh TT^TT
Niyakap naman ni mama si kambal.
"Bakit ka pa bumalik?"
napatingin ako kay Hyun-woo. Tinanggal niya ang kamay ni mama at nagsalita siya ng walang reaksyon.
"BAKIT?! BAKIT KA PA BUMALIK?!"
nanlaki ang mata ni mama. Hindi ko ineexpect na ganito. Hindi ko inakala na masisigawan niya si mama.
"anong karapatan mong sigawan ako?!"
mas nanlaki ang mata ko sa ginawa ni mama. Sinampal lang naman niya ng pagkalakas-lakas itong si Hyun-woo. Full force ata eh :P
Nakita kong may tumulong luha sa mata ni Hyun-woo. Pagkatapos noon ay lumabas na siya ng office ni mama. Bago ako lumabas ay may sinabi ako sa kanya.
"napakasama mo."
nasa may pintuan na ako ng bigla siyang sumagot.
"ako lang ba ang masama dito? Wag mong kalilimutan."
kahit nakatalikod ako alam kong nakangiti si mama. Lumabas na ako ng tuluyan at sinundan si Hyun-woo. Wala na ring mga estudyante sa labas. Nung maabutan ko na si Hyun-woo ay hinawakan ko ang kamay niya.
BINABASA MO ANG
Loving my Enemy
Teen FictionPumasok siya isang school na exclusive lang for RICH STUDENTS. School na nakapagpabago sa buhay niya. Sa ikot ng mundo niya. Nakakilala ng mga kaaway at mga kaibigan. Ano kaya ang mangyayari sa kanya sa school na ito? Matuklasan niya kaya ang sikret...