Chapter 10: Pauwoo♥

294 5 0
                                    

Pauline's POV: 

wala akong kasabay pumasok ngayon. Wala si Kyla. Nagalit pa siya sakin. Dapat pala di ko na lang sinabi sa kanya na bestfriend ko na Hyorin. Pano ko nga ba naging bestfriend si Hyorin? Ewan ko. Napailing na lang ako at nagsimulang maglakad. 

"fuck." OMG. Napatingin ako dun sa babaeng nadagi ko. Maganda siya pero mukha siyang mataray -_-

"hindi ka ba magsosorry? Shet ha!" ayaw ko sa lahat yung sinisigawan ako. Tiningnan ko na lang siya sa mata. 

"sorry miss." nilagpasan ko na lang siya. Napatigil naman ako sa pagalalakad ng may sabihin siya sakin.

"bitch. Wag kang tatanga-tanga ha?! Tumingin ka sa dinadaanan mo, walang manners na nga hampas lupa pa." tumawa naman yung mga estudyanteng nasa labas ng classroom. Gusto kong umiyak pero hindi pwede. Hindi ko hahayaang isipin nila na mahina ako. Pagbukas ko ng pintuan niyakap agad ako ni Hyorin.

"I miss you bestfriend!" tiningnan ko si Kyla pero inirapan niya lang ako. 

"hi :)" kumalas naman siya pagkakayakap sakin kaya pumunta kaagad ako sa upuan ko para ilagay ang gamit ko. Lalapitan ko sana si Kyla ng biglang humarang sa daan ko si Hyorin. ang aga-aga kahyper ng babaeng ito. Kapatid ba talaga siya ni Hyun-woo? 

"ay bestfriend I have chika" sabay irap niya at flip ng hair. Ang taray naman nito. 

"you know what bestie may bitch dito sa classroom. Nahuli ko sila ni Kim na magkikiss. Ugh, nakakainis!" sabay pout niya. Galit ba siya o nagpapa cute? 

"oh? Anong meron?" wala ako sa mood makipagkwentuhan ngayon. Inaantok pa ako.

"duh. Boyfriend ko kaya si Kim! Nakakainis." boyfriend? si Kim? Nagpauto rin siya kay Kim? Kawawang babae.

"hayaan mo na lang yun. Iwanan mo na kasi si Kim. Sige pupuntahan ko lang si Kyla." 

"sinong Kyla? Pakilala mo naman ako para may friend ulit ako ^_^"umiling na lang ako at naglakad sa papunta sa upuan ni Kyla. Nakaubob siya ngayon. Kinulbit ko siya tumingin naman siya sakin.

"oh? may kailangan ka? Asan yung bestfriend mo?" nginitian ko na lang siya. Nagulat naman siya ng makita niya akong nakangiti. 

"bestfriend ko? Ayan na oh." nagulat naman ako kasi biglang lumabas sa bibig ni Hyorin..

"bitch." tapos tumalikod na siya at pumunta sa may blackboard. Tiningnan ko si Kyla na naluluha na.

"hey. Anong problema?" tanong ko sa kanya. Kwinento naman niya sakin ang nangyari kahapon sa rooftop. Na mis-interpret lang pala ni Hyorin ang nangyari.

"classmates!" sigaw ni Hyorin. Napatigil naman kaming lahat sa mga ginagawa nila. Umupo ako sa tabi ni Kyla. Bakit ba kasi kailangan pang magbago ng seating arrangement. Pero kami parin ang magkatabi ni Hyun-woo -________- tapos nasa likod pa niya si Hyorin lagi niya tuloy kaming inaasar!

"malapit na pala school fair natin eh. So may naiisip na ba kayong booth?" 

"wedding booth kaya?" 

"ayoko nun masyadong pambata." sagot naman ni Hyorin. 

"horror booth?" 

"ayoko atsaka ang panget naman kapag dito natin nilagay."

"flower booth?" 

"ayaw ko din. Teka Pauline bumalik ka nga sa upuan mo hihi." nako lolokohin na naman kami ng mga kaklase namin. -_- umupo na lang ako sa upuan ko na katabi ni Hyun-woo.

"yieee. Pauwoo" sigaw ni Hyorin. Pauwoo? Tumingin naman ng masama si Hyun-woo sakin.

"t-teka bakit ganyan ka makatingin" 

"Pauwoo? Yuck." 

"kung maka yuck ka naman. Kala mo naman gusto ko." inirapan ko na lang siya.

"May LQ ang Pauwoo hahahaha" si Mark yan. 

"tama ka Mark hahaha. By the way "meosjin" may naiisip ba kayo para sa magiging booth natin?"

"kissing booth." napalingon naman lahat kay Kim. Kissing booth? Ano bang pumasok sa isip nito?

"wow. Ang galing mo Kim! Sige kissing booth na lang walang aangal." sabi ni Hyorin at bumalik na siya sa upuan niya.  

"basta si Kim pumayag kaagad -_-" napalingon naman ako kay Hyun-woo. Sinong kausap ng hinayupak na to.

"HEY PAUWOO!" sigaw ni Hyorin. 

"WHAT?!" sabay kaming lumignon ni Hyun-woo. 

"HAHAHAHAHA. GUYS OH ANG PAUWOO." nagsitawanan naman lahat ng kaklase namin. Saka lang nag sink-in sakin na Pauwoo pala yung tinawag niya. Megaphone talaga ang boses ng babaeng ito. -____-

hanggang dismissal niloloko nila kami. Umay na sa PauWoo eh. -______- pati si Kyla nakiki asar. PauWoo..PauWoo ang pangit nung pangalan. Shemay -_- 

Loving my EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon