Hyun-woo's POV:
habang yakap yakap ko si Pauline este si Cindy feeling ko sobrang tagal ko siyang hindi nayakap. Sobrang namiss ko siya.
Humarap naman siya sakin tapos umiyak.
"C-Carlo. Lumayo ka muna"
"b-bakit Cindy?"
huminga siya ng malalim pagkatapos ay ngumiti ng pilit.
"masyadong komplikado. Alam na natin ang totoo. Kaya lumayo na tayo sa isa't-isa."
bigla na lang tumulo ang luha ko. Wag niyong sabihing bading pero nasasaktan di naman kami eh.
Atsaka bakit ngayon pa? Kung kelan alam ko na kung sino si Cindy. Bakit kailangan pang lumayo?
"Sorry. Sorry sa lahat ng kagaguhan ko. Wala man tayong maalala atleast alam na natin kung sino yung Cindy at Carlo."
nginitian lang niya ako.
"sana. Sana bumalik na alaala natin. Bye"
pagkatapos ay tumalikod na siya sakin. Gusto ko siyang pigilan pero hindi ko magawa.
Binalikan ko sina hyorin at Kim.
"gago kayo mga puta!"
pinagsusuntok ko si Kim non. Hindi naman siya umiiwas. Pinipigalan ako ni Hyorin.
"ano pa hyorin?! Ano pang kasinungalingan ang sasabihin niyo sakin?!"
nagkandapiyok-piyok na ako pero hindi ko iyon pinansin. Bigla naman akong niyakap ni Hyorin.
"S-sorry Carlo. Sorry."
kahit gusto ko siyang yakapin hindi ko magawa. So kalokohan lang pala lahat ng ito? Kalokohan lang pala lahat ng pinapakita nila samin.
Kumalas ako sa yakap niya at umalis na.
Sumakay ako ng kotse at nagdrive na. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero bahala na.
Bigla na lang ako napatigil ng makakita ako ng park. Dito na lang siguro ako. Bumaba na ako at naglakad papuntang park.
Pinagtitinginan ako ng mga tao pero wala akong pakialam.
"Si Mr.Park oh"
"bakit kaya wala siyang kasamang bodyguards?"
"ang pogi niya"
yan yung bulung-bulungan nung mga babae. Maya-maya ay may tumabi saking batang lalaki.
"kuya batit ka iyak?"
tumabi siya sakin tapos kinakain niya yung ice cream.
"eh bakit ka andito? Sinong kasama mo?"
"si ate ko po. Kuya batit ka nga iyak? Si Zain hindi iyak."
ginulo ko yung buhok niya tapos umiyak siya.
"hala. Anong gawa ni Kuya?"
"k-kuya batit mo gulo buhok ko? Diyan kras ko eh TT.TT"
natawa naman ako. Haha ang cute ng batang ito.
"sino ba kras mo diyan?"
"ayaw ko nga baka agaw mo sakin eh :P"
tumahan na siya. Mabuti naman.
"kuya wag iyak ha? Girl lang iyak eh"
ginulo ko yung buhok niya. Tapos sinuntok niya ko ng mahina.
BINABASA MO ANG
Loving my Enemy
Roman pour AdolescentsPumasok siya isang school na exclusive lang for RICH STUDENTS. School na nakapagpabago sa buhay niya. Sa ikot ng mundo niya. Nakakilala ng mga kaaway at mga kaibigan. Ano kaya ang mangyayari sa kanya sa school na ito? Matuklasan niya kaya ang sikret...