HUS2
"Anong sabi?" Agarang tanong ni Gazeia.
Sasagot na sana ako ng maunahan ako ni Arra sa pagbuka ng bibig. Yuwa.
"Marami ng offense si Creia kaya ipapa expelled na siya ng mga BOD. Nagplano sila nong isang araw at ang approval nalang ni Creia ang hinihintay nila." Si Khiarra habang sinisipsip ang juice niya. This little informant.
"Oy kakaiba." Si Gazeia na kalmado lang.
"Good news." Saad ni Heila at napaismid sa sariling sinabi. Sarap talaga tirisin ng isang to!
"So expelled kana nga sa sarili mong paaralan? May nagawa kabang paraan para diyan? Paano ang kurso mo? Hindi ka gagraduate? Magiging ahead kami sayo ng isang taon? Hindi kana ba mag aaral? Hin-" Natahimik siya ng sangsangan siya ng mansanas ni Khiarra sa bunganga.
"Shut up will you? Matalino si Creia kaya paanong hindi niya magagawan ng paraan yun diba?" saad ni Khiarra at lumusong sa tubig.
"Khiarra's right. So you don't have to worry that much, at paki lubayan ang pagiging overthinker. Baka diyan ka mamatay." bahagyang tumawa si Heila at lumusong sa tubig. Sumunod din naman si Yrrah.
"Hiningi ba yung number mo kanina nong tatlong lalaki? Gwapo ba? Malaki ba ang ano? Ilan ang abs? Mala adonis ba? Mala diyos? Mala anghel? Mala demigod? Sasabihin mo o sasabihin mo?" ngumiwi ako sa mga naging tanong ni Gazeia sakin ng inakbayan niyako.
"Napaka haliparot mong hinayupak ka talaga Gazeia. Ayusin mo buhay mo ipapahigop ko'to sayo." Banta ko at itinuro ang pool na may lalim na 9ft.
"Sa ganda kong to, gagawin mokong puffer fish? Hmp." She pouted. Cute.
"Doon kana nga! Naiinis ako sa pagmumukha mo mukha kang si majimboo." Tinaboy ko siya palayo at bahagyang umirap.
Umupo ako sa bench na hindi masyadong malapit sa pool. Ipinatong ko ang paa ko sa maliit na mesa sa harap at kumakain lang ng mga pagkaing inihanda nila. Ganito kami palagi pag nasa pool area. Habang nag eenjoy silang lumangoy, nandito lang ako sa gilid kumakain.
"Cri! Ang lamig ng tubig, lika na." Pag aaya ni Khiarra sakin, sinamaan ko naman siya ng tingin habang nguya nguya parin ang pagkain, malutong pa pala sa mura ko ang mang juan na ito.
"Tanginamo himlay kana! Okay nako rito." Saad ko sabay irap at sumubo ulit ng panibagong pagkain. Ugh yummy!
"Dito lang sa gilid oh! Isawsaw mo lang yang paa mo. Babantayan naman kita." Pag aaya pa niya at ngumiti ng pagka loka loka.
"Nilalamig ako! Tsaka di moba nakikitang kumakain ako dito? Magtanim ka naman ng common sense anteh." saad ko at patuloy na pag nguya ng malutong na mag juan, maasim pa sa pagmumukha ng kaibigan ko mga angkol.
"Sabihin mo lang talaga na hindi ka marunong lumangoy." Pang aasar nito. Kaagad ko naman siyang tiningnan ng masama at itinaas ang middle finger ko sa kanya. Pray lang beh.
"Kung hindi lang nabali balakang ko kahit mag 10 laps ako pabalik balik at walang hinga hinga." pabiro naman siyang umirap dahil sa sinabi ko.
I can't swim. Nagcacramps kase ang katawan ko pag sa ganyang bagay, sumubok ako ulit at isinawsaw ang paa ko at yun nga! Nag cramps siya and then hindi nako makahinga kase nakakatakot itong tingnan lalo ng malalim talaga ito, someone told me na ang tawag dito ay Thalassophobia. Ewan ko nga kung anong connect ng cramps sa hindi makahinga eh. Nakakaloka diba? Sa dami ba naman ng magiging phobia ko, sa malalim na parte pa talaga. Hindi ko alam na hindi kopa pala nakalimutan ang nakaraan ko. Ano yun? Secret.
![](https://img.wattpad.com/cover/340901625-288-k507339.jpg)
BINABASA MO ANG
His Unrepentant Sin (Chlaveria's Obsession #1)
Любовные романыAn eighteen year old girl, living with her friends, a multi billionaire, a ruthless and a cursed machine, think highly of herself, never let anyone rule over her, have her own power, made a rules and she's the first person who disobey and face her o...