Chapter 28

11 0 0
                                    

HUS#28

"What was that?!" pasigaw kong tanong kay Kaise ng makapasok na kami sa sasakyan niya.

"I just introduced you to my Mom, isn't it cool?" nakangisi pa nitong sagot tsaka pinaandar ang makina.

"Gusto mong magkaroon ng bukol? Para naman COOL din," tumawa lang ito sa sinabi ko.

Mabilis na pinaandar  ang sasakyan patungo sa pent house nila. Pagkarating namin ay kaagad niya akong inalalayan papunta sa kwarto. Bakas pa ang galit niyo sa'kin pero wala naman akong pake, galit lang siya ngayon pero magpapa-baby nanaman sa'kin 'yan mamaya.

"You can rest now, lady." cold nitong utos. I pouted.

Pero dahil sa bigat ng katawan ko inihiga ko nalang ang sarili sa malambot kong kama, tsaka di namalayang nakatulog na nga ako.

(A/N) : Medyo lutang akong this time, pag pasensyahan niyo na bebe!

Tamad kong minulat ang mata ko ng marinig ang walang tigil na pag-ring ng telepono ko.

"Sov?"

[Tagal makasagot. By the way, tinawagan kita para sabihing... Sunduin mo ang tiya mo bukas sa airport,] ang kaninang antok na antok kong sarili ay parang nagising na sa katinuan.

"Pot–" pinigilan ko ang sarili ko sa pagmura.

[Umuwi kayo ngayon din sa pamamahay niyo at linisin niyo yung lugar na 'yon napaka-arte pa naman ng Diamond na 'yon,]

"Ba't kailangang sa bahay pa siya tumira?"

[Alangan namang d'yan mo siya ipatuloy sa tinutuluyan niyo ngayon?]

"Pshh. Pwede naman siguro siyang mag book-in sa mamahaling hotel, baka gawin pa niya akong katulong e."

[Pakisamahan mo nalang ang maldita mong tiyahin, Ace.]

Tanginang tiyahin yan!

"Hindi ko pa siya nakasama sa personal o nakita man lang. Kung mag miminaldita siya sa'kin... Wala akong magagawa kundi mag minaldita din sakanya,"

[Lower your pride this time Ace.]

"A-yo-ko."

She sighed. [May aasikasuhin pa ako Ace. Call me toms,]

Tawagin ko siyang toms? Nyek, kagago namang pangalan 'yon.

[I know what you're thinking. What I mean is, call me tomorrow.]

Pinatay ko na ang tawag at sinalampak ang sarili sa headboard ng kama. Habang iniisip ko ang pag-alis ko dito sa tinitirahan ni Kaise para akong nangungulila na agad. Parang ang sakit naman yata kung bigla nalang kaming aalis diba? Ang sakit, parang kinukurot ang puso ko sa sakit lalo na't nasanay na akong nasa tabi ni Kaise palagi.

"Bal," nilingon ko si Kaise ng tawagin niya ako mula sa pintuan.

"I heard it all. A-alis ka talaga?" nakayukong tanong nito.

I want to stay, but...

I really have to leave.

"Wala akong magagawa," sagot ko nalang.

"Okay lang, kaya ko naman siguro na hindi na kita muling makakatabing matulog... haha... sinanay mo naman kase ako masyado," ngumiti siya ng mapakla.

"Ang oa ko tuloy ngayon. Magkikita pa naman tayo sa school e," dagdag pa niya.

His Unrepentant Sin (Chlaveria's Obsession #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon