Chapter 10

44 2 0
                                    

HUS10

"Ulol, pakyu!"

Bored niya akong tiningnan at ipinatong niya ang dalawang siko sa tuhod niya.

"I don't like a girl who cursed a lot." Seryosong sabi nito.

I scoffed.

"And I don't like a guy who is KJ so much. Kung ayaw mo naman pala sa kagaya ko, edi makipag fake relationship ka sa madre! Naneto." Bulyaw ko sa kanya at kaagad na nag walk out.

"Cri!" Tawag nila sakin. Wag na, ayaw ko na, nagtatampo na ako, bahala nga kayo.

Hinipan ko ang ilang bangs ko na nakatabon sa mukha ko.

"Creia!" Tawag ulit ng mga kaibigan ko.

"Wag niyo'ko kausapin, badtrip ako!" Sigaw ko sa kanila habang hindi sila tinitingnan.

Ewan ko lang, ang babaw ko eh.

"Wala na Kaise, hala ka, nagtatampo na!" Rinig kong sabi ng isa sa mga kaibigan ko.

"Tampongera pa naman ang isang yan!" Parinig pa nila.

Wala na akong pinansin pa sa kanila at kaagad na dumiretso sa garahe para kunin ang sasakyan ko.

Naka on ang earpiece namin kaya pwedeng pwede kaming mag asaran ng mga kaibigan ko. Mula dito, nakikita ko ang mga kaibigan ko na parating sa garahe, kinuha nila ang kani kanilang mga sasakyan at kaagad na pinaandar.

Inunahan kona sila sa pagpapatakbo at parang wala akong kasama kung magpatakbo, pake niyo eh nagtatampo ako. HMP! */nagcross arms kahit nag dadrive, chariz.

Nakaramdam ako na nakasunod na sila sakin kaya mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo. Bahala kana superman.

[Can you drive slowly? We can get there without being late even if you drive very slow, so calm down.] Sabi pa ng nasa earpiece ko. Tangina paano naman siya nakakonek? Tanginang mga kaibigan toh, may kambal yatang mga ahas.

Hindi ako sumagot, mas lalo ko pang pinalakasan ang pagpapatakbo.

[Hey, nagtatampo ka ba?] Sabi nito sa malambing na boses, nakarinig naman ako ng mga tili galing sa mga haliparot kong kaibigan.

Sorry Kaise, I'm Creia, and I'm not marupok.

[Hey, talk to me.] Sabi pa nito. Hindi ko pa din siya pinapansin.

[Naku Kaise! Kahit kumain ka pa ng bubog hindi ka talaga papansinin pag si Creia na ang nagtatampo. Try your luck, marupok naman yan eh.] Is this Yrrah? Yeah, sino pa nga ba.

Naiinis ako sa kanila kaya mag pinalakasan ko ng pinalakasan ang sasakyan ko.

[Kung hindi mo babagalan ang pagpapatakbo mo, aanakan talaga kita.]

Hindi ko alam kung anong mahika ang nasa salitang yun pero kusa ko nalang binagalan ang pagpapatakbo ko.

[Ayaw niyan sa hotdog Kaise! Manahimik ka nalang kung ayaw mong mabasag ang bungo mo.] Si Yrrah.

[Oh, let see.]

+ • + • + • +

Nakarating na kami sa Farm at ipinark ko ang sasakyan ko sa gilid ng gate. May no parking pang sign dito pero ito lang naman ang may space kaya dito ko talaga ipinark, masunurin kase ako.

"Cri, kita mo yang sign na yan?" Tanong ni Heila sakin.

"Oo, No Parking daw eh. Diyan ko nalang pinark ang sasakyan, masunurin kase ako." Sabi ko sabay ngiti.

His Unrepentant Sin (Chlaveria's Obsession #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon