Chapter 8

41 1 0
                                    

HUS8

"Ang taas naman yata ng pangarap mo angkol." Sabat ko sa sinabi niya. Snores daw as in hilik, tangina naman nito.

[I'm just kidding. Wag ka namang uto uto.] Tugon pa niya.

"Sinong uto uto?!" Hindi ko mapigilang mapalakas ang tono ng boses ko.

[You.] Sagot nito sa natatawang boses.

"Lakumpake." Saad ko.

He chuckled sexily in the second time.

"Sinasayang mo lang oras ko, kung di mo lang ako ginambala tapos na sana akong mag bake ngayon, naneto." Reklamo ko dito. Tahimik pa rin siya sa kabilang linya pero rinig na rinig ko parin ang mga payapang paghinga niya.

[You know how to bake?] Nagtatakang tanong nito sakin.

"Aba iniinsulto mo ba ako?!" Bulyaw ko rito.

[I didn't say anything like that. . . So marunong ka nga?] Tanong pa nito ulit.

"Yeah." Tipid ko lang na sagot.

[Bake for me then. . . I want blueberry cheesecake, and one yema cake.] Utos nitong lalaking kausap ko na akala niya sa sarili niya siya si Duterte.

"Okay! Pero ano muna kapalit?"

[I'll pay you.] Sagot nito.

"How much? 5 cent? Oh cheap." Asar ko dito.

[Not with cash Crovigaunn.] Sagot ulit nito. Lumalim yata ng lumalim ang tono ng boses niya. Siguro naka hilata siya ngayon. Wala kaya siyang damit pang itaa- JOKE.

"Anong ipambabayad mo? Kakain ka lang ng walang bayad? Salot ka sa lipunan ikaw nagpapa-"

[I'll pay you with five kisses on the forehead, five kisses on the cheeks, five kisses on the upper lip, and five kisses on the lower. Are you okay with it? Kung tutuusin nga sobra na ang magiging bayad ko.] Pagputol nito sa sasabihin ko. Kaagad namang nangunot ang noo ko at tumaas ang isa ko pang kilay. Nudaw?!

Anong five kisses pinagsasabi ng supot na ito?

"Borikat! Eh kung hambalusin kita ng dospordos sa mukha ika lima, are you okay with it?" Tanong ko habang nasa bandang bibig ang cellphone.

[HAHAHAHA you're really brutal.] Natatawang sambit nito.

"Wag mo nalang akong bayaran! Lalagyan ko asin itong mga cake mo at ng magkabato ka sa kidney! Tangina mo ka! Babye na totot."

Pinatay ko na ang tawag at napailing nalang sa kaharutang taglay ni Kaise. Lumabas na ako ng silid at pumunta ulit sa kusina para ihanda ang mga ingredients ng ibabake kong cookies.

Bukas ko nalang ipagbake yung hinayupak na lalaking yun. Sino ba naman siya para ipriority diba?

"Ang tagal mo naman yatang mag bihis, balat ba ng dinosaur ang isinuot mo?" Sarkastikong bungad sakin ni Yrrah. Hindi pa siya tapos magluto, ang tanging natapos niya pa lang ay ang bacon, fried chicken, at ang niluluto niya naman ngayon ay adobo.

"May inasikasong bagay lang. At kung mag tatanong ka kung anong bagay ang inasikaso ko, wag ka nang magtanong, hindi naman yun big deal." Inunahan ko na siya. Para naman hindi na humaba pa ang usapan.

"Hindi pa nga ako nagsasalita eh, grabe ka naman yata sakin prend." Simangot nito at hinarap ulit ang niluluto. Hindi ko na siya pinansin.

His Unrepentant Sin (Chlaveria's Obsession #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon