HUS#26 | Creia
Nagising ako ng maramdaman kong wala na si Kaise sa tabi ko. Hehe, first day on a real relationship namin 'to, parang gusto ko siyang ipagbake. Tiningnan ko ang oras sa maliit na orasan na nakapatong sa maliit na side bed table namin ni Kaise. It's only 3:54, ang aga ko yatang nagising ngayong araw! Parang limang oras lang yata ang tulog ko shutaness!
Magkaiba parin kami ng kama pero sa kanya ako natulog kagabi kase nag c-crave ako ng cuddle, ehe.
Bumangon ako at diretso ang punta sa bathroom para mag hilamos at mumog. Hindi na rin ako nagbihis, basta naka silk nighties parin ako.
Naisipan kong bumaba baka kase nando'n si Kaise. Saktong pagtapak ko sa panghuling stair ng hagdan ay rinig na rinig ko ang mga mahihinang pagtatalo ng magkakambal, gising na silang lima?
Ang layo ko pa kunti sa kusina pero rinig na rinig ko ang mga naiinis na boses ni, Kaide? Palihim akong lumapit sa pinto at sinilip kung ano ang ginagawa ng limang lalaki.
There, I saw my Kaise busy cooking something and I just can't stop from grinning like an idiot girl when his biceps move sexily whenever he's getting something. He's on his white sando and jersey short. May apron lang siya para hindi siya masyadong marumihan. He looks like a demigod!
"Sabi ko nga ba e, dapat talaga dinagdagan pa ng gatas kanina na hindi pa naisalang. Siguradong hindi magugustuhan ni Creia 'yan kase hinanamis 'yon!" mahina pero pagalit na saad ni Kaise habang hindi maitimpla ang mukha.
"Bahala ka d'yan! Sabi ko sa 'yo na hindi ako maalam sa pagtitimpla ng waffles eh, nag-volunteer na nga ako na ako nalang ang mag mimix," saad naman ni Grei habang kamot kamot ang batok.
"Ang ayos ng pagkakatimpla ko sa ginawa mo tapos 'yong sa 'kin, hinayupak ka," inis pang saad ni Kaise.
"Okay na 'yon, gwapo naman ako e,"
"Tama, mukha kang ulol,"
"Bungguin ko kayong dalawa e," entra naman ni Kaide.
Habang si Kuzzma at si Kaixle ay nasa harap lang ng mesa at nagdedesenyo ng mga waffles na kaharap nila. Nilalagyan nila muna ng yogurt tapos strawberry, lalagyan ulit ng waffle sa taas at papahidan nila ulit ng yogurt tapos strawberry. Hanggang sa tatlong waffles lang ang mga ito itataas nito.
"Ang yogurt baka ubusin niyo ah, medyo untiin niyo lang kase baka maumay sila sa tamis," paalala ni Kaise at tumango naman ang dalawa.
"I can't wait to see my Creia's reaction when she finds out that I cooked all of this for her," wika ni Kaise.
Lumapit naman si Kaide para batukan ng mahina si Kaise at tumawa lang naman ito.
"Corny mo! Kakain rin mga girlfriend namin nito 'no! Tumulong kami para do'n, tangina moka," nagsitawanan lang naman sila.
"Kakapagod na ngang maglayer-layer nitong waffles eh," reklamo ni Kaixle.
"Buti may gwapo kayong inspirasyon," Grei really sounds like Gazeia, huh.
"Gumising ka hoy! Kung ako naging ama mo hihilingin ko talaga na sana pinutok nalang kita sa pader," pang aasar pa ni Kaise, halatang iniinis si Grei.
"Buti hindi kita naging ama,"
"Amputa ka."
Ang dami nilang hinandang pagkain. And seeing my boy smiling while cooking, just made my heart melt. Nakakapagod kayang magluto! Kahit nga pagb-bake lang ginagawa ko pagod na nga ako pagkatapos.

BINABASA MO ANG
His Unrepentant Sin (Chlaveria's Obsession #1)
RomanceAn eighteen year old girl, living with her friends, a multi billionaire, a ruthless and a cursed machine, think highly of herself, never let anyone rule over her, have her own power, made a rules and she's the first person who disobey and face her o...