Chapter 18

29 2 0
                                    

HUS18

Binitawan niya ako at hinawakan ang magkabilang braso ko.

"Can you say it again?" malamlam na tanong niya.

Pinunasan ko ang luha ko.

"N-Nagseselos ako kase mahal na kitang potanginang gago ka eh!"

"Kaya pala hindi kita gusto kase mahal naman pala kita! Mahal na mahal kitang gago ka!" sigaw ko at hinampas ang dibdib niya.

Kinuha niya ang kamay ko at niyakap ako ng mahigpit.

"Palagi ka namang nagmumura pero mas gusto ko ang mura mo ngayon, ang tamis Cri. Nakakakilig," masaya ang tono ng boses niya at mas hinigpitan ang pagkakayakap sakin.

Tinulak ko siya at binigyan ng napakalakas na suntok sa kanang pisngi na nagpalaki ng mata niya. Hinimas niya ang kanang pisngi niya at humarap sa'kin.

"Shutangina mo! Ayan matamis ba? Matamis ba ang dugo sa labi?" sarkastikong tanong ko sakanya.

Napatigil kami ng biglang bumukas ang pinto at niluwal dito ang mga kaibigan ko, kapatid ni Kaise, at sila Thiffany.

"So I guess ito na ang katapusan ng pagpapanggap namin Kaise?" wika ni Thiffany.

"Siguro ito na ang panahon para iexplain ko sa'yo Creia ang binuong plano namin nila Kaise," dagdag pa nito na ikinakunot ng noo ko.

"Umamin kana man din, siguro kailangan na din naming umamin," sal ot naman ng isang kaibigan ni Thiff.

Mas lalo akong naguluhan habang ang mga kaibigan ko ay tahimik lang at may mga panis na ngiti sa labi. I gave them the what-is-happening-look and they just shrugged a bit.

Dinala kami nila Kaise sa sala at kaharap na namin ngayon ang grupo ni Thiffany na umupo sa magkasalungat ng upuan na inuupuan namin.

"So i'll start now," paninimula ni Thiffany.

She cleared her throat.

"Kaise and I were arranged for a marriage para sa kompanya ng pamilya ko at pamilya ni Kaise, hindi ko 'yon ginusto at alam kong hindi din gusto ni Kaise 'yon. May boyfriend ako mula sa kabilang paaralan at hindi alam ng parents ko 'yon pero si Kaise alam niya," huminto siya.

"Kaya doon nabuo ang plano naming hindi namin pepermahan ang kontrata. Inuna naming asikasohin ang pamilya ko bago ang pamilya ni Kaise kaya ayun. Tinulungan ako ni Kaise na ayusin ang relasyon namin ng boyfriend ko, at malaki ang pasasalamat ko na dahil sa ginawang pag-amin ni Kaise sa pamilya ko na may nobyo na ako. Hindi gusto ni papa 'yon kaya pinalayas niya ako sa bahay, kinuha ako ni Kaise at pinatira sa bahay talaga ni Kaise. Ang alam ng parents ni Kaise ay nakikipaglive in kami sa isa't isa." huminto nanaman siya at tumingin sa akin.

"Habang nandoon kami sa isang bahay nakatira ay nakikita ko si Kaise na may piniprint na picture ng babae at nilalagay ito sa buong kwarto niya. Namukhaan ko agad ito kase ikaw 'yon Creia, kahit nga ang unan niya ay may mukha mo eh," natatawang sambit niya kaya napatingin ako kay Kaise na ngayon ay nag iwas ng tingin at kinakamot ang batok niya.

"Nilapitan ko siya that time at nakita kong puro ikaw ang nasa picture frame. Tinanong ko siya kung ano ang relasyon niyong dalawa pero ang sabi niya secret admirer lang daw siya. Kaya nga palaging pumupunta sa mga bake shops para bumili ng strawberry shortcake at ipabigay ito sa'yo. Tinanong ko siya kung bakit ayaw ka niyang ligawan pero natatakot daw siya na lumapit sa'yo kaya nakatingin lang siya palagi sa kinaroroonan mo,"

His Unrepentant Sin (Chlaveria's Obsession #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon