Chapter 24

19 2 0
                                    

HUS#24

We ate all of the foods that they prepared. Madali lang silang magsawa kaya ako na ang umubos ng lahat. Hindi naman ako matakaw eh, masarap lang talaga ang stroberi hehe. Kasalanan ko bang hindi ako nabubusog pag ganong pagkain ang nilalamon ko? My god.

Pares pares na din ang mga kapatid ni Kaise at kaibigan ko. Kaide para kay Khiarra, Grei na mahangin para kay Gazeia na mataas ang tingin sa sarili. Heila na seryoso at Kuzzma na matured na clingy, at Yrrah na overthinker para kay Kaixle na understanding boyfriend. YES! After ng confession ni Kaise sa'kin ay isa isa namang nanligaw ang mga kapatid niya sa kaibigan ko.

"Bakit ba sabay sabay kayong nanligaw?" tanong bigla ni Yrrah.

"Kaya nga, tuloy magkapareho tayo ng anniversary date. Ang panget," ngiwi naman ni Gazeia.

Tumawa lang ang kalalakihan.

"Sabay sabay kase kaming pinanganak, kaya dapat gano'n din," sagot ni Kaide.

"Iba iba din naman ng oras ih!" hiyaw naman ni Grei.

"Sige nga... If sincere talaga kayo, anong oras niyo kami niligawan? Isa isa huh!" panghahamon ni Khiarra.

"10:20, baby," panimula ni Kaide.

"10:45, habibi," sunod ni Grei.

"11:01, mahal," nakangiting saad ni Kuzzma habang nakatingin kay Heila.

"11:24, babi," wika ni Kaixle habang nakasubsob ang mukha sa leeg ni Yrrah.

Napatingin kami kay Kaise ng hindi ito magsalita. Hindi niya ba naaalala? Char char lang ba? Ginaganon niya lang ba ako? Wow huh!

"Oy natahimik si Kaise, ampanget," pang aasar ni Grei.

"Hala Cri! May ibang komonthsary 'yan kaya hindi niya maalala ang sainyo!" sigaw naman ni Heila.

"Kakasagot mo pa nga lang pinaasa kana, kung ako sa'yo akin ka nalang," pabirong wika ni Kaide.

"Char lang, ayoko manuyo sa first day namin as a couple HEHEHE," pahabol agad ni Kaide sabay hilaw ng ngiti.

Binalot kami ng katahimikan no'n.

"Ay wala,"

"June 14, 09:55:48 pm, at strawlipian field. This strawberries has witnessed how my eyes glisten when my favorite girl has open her heart and let me in, I will always treasure this day, in my whole life,"

"I'm always into you, strawberry shortcake baby," dagdag nito at hinalikan ang likod ng palad ko.

"Yownn oh!"

"Dabes!"

"Kaise bestboy!"

"Yun naman pala!"

"Ay wow!"

"Grabe oras lang sabi eh!"

"Ang daya!"

"Panget niyo!"

Napa smirk lang siya at parang proud na proud sa sinabi niya. Oh really?

"I love you po," guhit ng mga labi niya.

"Oh really?"

Pinaningkitan niya lang ako ng mata na parang sinasabing 'humanda ka mamaya'. Sinong tinatakot mo Chlaveria?

"Grabe gusto kona agad ng mini Gazeia!" bigla nalang sigaw ni Grei kaya nabatukan siya ni Gazeia.

Nagtawanan sila na para bang sobrang nakakatawa ang sinabi ni Grei.

"Tara bar tayo!" matinis na sigaw ni Yrrah kaya napatingin kami dito.

Biglang naging masigla ang paligid namin.

His Unrepentant Sin (Chlaveria's Obsession #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon