Chapter 5

54 1 0
                                    

HUS5

Naiinis ako! Tangina sinong nagsabing pwede niya akong tawaging love?! Kalalaking tao napakaharot! Aba salot sa lipunan ang mga ganon kaya dapat na siyang iphase out!

"Ms. Fhleroneiv."

Tapos tinitingnan niya ako habang kumakain? Aba! Nakaka insulto yun ah? Hambalusin ko siya eh.

"Ehem, Ms. Fhleroneiv."

Hindi pa nga nagsisimula ang aming pagpapanggap nanghaharot na siya.

"Fhleroneiv."

Aba! Hindi pwede yun, ang sabi niya bukas pa magsisimula?! Dumadats
move ba siya sakin?! Don't tell me.

"Fhleroneiv."

Pwes kung ganoon hindi niya ako makukuha! Akala mo huh? Hindi lang gold ang mahirap anihin. Ang atensyon ko rin! Aba pinanganak ako para lumaki hindi para lumandi. Pota nito.

"FHLERONEIV!!"

"Ay pota nito!!" Bigla akong napatayo sa gulat ng hampasin ni ma'am ang mesa.

Nakaharap sakin si Ma'am Tozinivo at parang tocino siya sa pamumula ng mukha niya.

"Explain our topic. From the top." Malditang sabi nito at inirapan ako.

"Make it drop." Dugtong ko na sanhi upang lalong kumunot ang noo niya.

"Ano?!"

"That's so wet, that's so wet. Yoa, from the top make it drop that's so wet that's so we-" Naputol ako sa pagkanta ng ihampas niya ang stick niya sa mesa.

"Umayos ka Fhleroneiv! Explain our topic from the start!" Sigaw nito sakin.

I just shrugged.

"O, bakit hindi mo alam?" Tanong niya sakin at tinaasan ako ng kilay.

"Ikaw po ang nagdidiscuss Ma'am, malamang hindi ko talaga yun alam." Sagot ko dito.

"Kase hindi ka nakikinig at chika ka ng chika sa katabi mo! Bagsak kana nga sa subject ko nakuha mo pang mag marites!" akusa nito sakin, tiningnan ko lang siya na mukhang bulkan na sumasabog.

"Nakatulala nga ako kanina Ma'am e, pa'no ko pa makuhang makipag-marites?" bored kong saad.

Kaagad na nagsitawanan ang mga kaklase ko.

"Yon oh! Sikip!"

"Fhleroneiv namin 'yan,"

"Tiklop ka ma'am,"

"Taob si Ma'am!"

Hinampas naman ni Tozinivo ang mesa niya kaya natahimik sila.

"LABAS!!" Sigaw niya sakin at madiing tinuro ang pintuan.

I shrugged then took my bag and walk out. Kumaway pa ako bago tuluyang makalabas.

Dumaan ako sa room nila Kaise. At nakita ko nga sila doon, tinuro turo pa'ko ng mga kaibigan niya at napatingin naman siya sa gawi ko.

Napansin ko ding may nakakabit na babae sa braso ni Kaise. Habang mukhang unggoy ang babaeng nakakabit sa kanya, siya naman itong parang diring diri.

Hindi na ako lumingon pa sa kanila at umakyat nalang sa hagdan patungong rooftop.

Ganito palagi. Pag hindi ako makasagot sa tinatanong niya papalabasin niya agad ako kaya palagi nalang akong pumupunta sa rooftop at doon patuloy na pinapatay si Tozinivo sa utak ko. Sino ba namang may gustong makinig kung napaka pangit niyang mag discuss diba?

His Unrepentant Sin (Chlaveria's Obsession #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon