Chapter 9

33 1 0
                                    

HUS9

"Wala ka pa bang nakukuhang impormasyon tungkol diyan sa Illuminati kenemerut Arra?" Tanong ko kay Khiarra habang busy'ng busy sa pagtitipa ng kung ano ano sa laptop niya.

Hindi na siguro kayang bilingin ng daliri kung ilang beses na akong nagtanong sa kanya. Atat ako eh pake mo ba.

"Wala pa eh, hintay ka nalang." Sagot niya habang inaayos ang anti rad na suot niya.

"Ang tagal naman yata." Reklamo ko. Nandito pala ako sa hamba ng pinto ng kwarto niya at nakapameywang.

"Tangina mo ikaw kaya gumawa nito?!? Naiinis na ako sa'yo huh wag mo'kong sasagarin at sasaksakin talaga kita!!" Bigla nalang siyang sumigaw sakin. Hinayupak na babaeng toh, tanggap ba siyang maging lawyer?

Kinuha ko naman ang isang throw pillow mula sa maliit na sofa na nasa gilid ng pinto niya at hindi nag aalinlangang ibinato ito kay Khiarra.

"In case na makalimutan mong nasa teritoryo kita, kaya hahambalusin kita ng unan para naman mataohan ka." Saad ko habang matalim na nakatingin sakanya.

Tiningnan niya ako at inirapan bago humarap ulit sa laptop niya. Naglakad ako palapit sa upuang katabi niya at tinitingnan ang ginagawa niya. Pota napaka bilis namang mag finger nito, ay este mag tipa opo opo.

Inopen ko ang phone ko at may nakitang naka missed call at text messages. It's already 10:43 pm.

Kami nalang dalawa ni Khiarra ang gising kase inaantok na rin ang tatlo pa naming kaibigan.

From: 0997+++++++
Hi love, did you eat dinner?

From: 0997+++++++
How was your day? Are you doing great?

From: 0997+++++++
Prepare early tomorrow morning, I will fetch you at exactly 7 am.

From: 0997+++++++
Are you busy? Why aren't you responding to my texts and you're not even answering the phone, I have something to tell you.

From: 0997+++++++
I miss you already :(

Ganito pala ang isang Kaise Chlaveria? Nangtatadtad ng messages? Baka maging grilled chicken ako nito ha.

"Stop smiling like that, you look like a maniac." Napaigtad ako ng biglang nagsalita si Khiarra, tiningnan ko naman siya at nakatitig na pala siya sa akin.

Para makasigurado tiningnan ko ang repleksyon ko mula sa screen ng phone. I'm smiling, tangina hindi ah.

"Alangan namang iiyak ako kung tinadtad ako ng sweet messages ng isang Kaise Chlaveria, diba?." Pang aasar ko. Nagkasalubong naman ang kilay nito. Nakakapansin na akong may gusto tong isang 'toh kay Kaise eh, halatado. Well, umamin nga siya no'ng sa cafeteria.

"O-oh shut up." Utal nitong saway sakin, mas lalo namang lumawak ang ngiti ko sanhi para mainis siya sa akin.

"Maniac." Saad nalang nito at ibinalik ang tingin sa laptop niya.

"Savage." Dugtong ko.

Dahil naboboring ako sa ginagawa niya pumunta nalang ako sa malambot niyang kama at isinubsob ang mukha ko sa unan niya. Kaamoy niya ito.

"Bubuka ang pempem papasok ang tenten, sasayaw ang bolbo-"

"FHLERONEIV!!" Naputol ang pagkanta ko ng bigla nalang sumigaw si Khiarra. Napaupo naman at tiningnan siya ng nakakataka.

"Sinisigaw mong dugyot ka?" Tanong ko sa sarkastikong tuno.

"Can you please shut up? You're so noisy and annoying at the same time." Naiinis na wika nito habang magkatagpo ang mga kilay.

His Unrepentant Sin (Chlaveria's Obsession #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon