Chapter 21

28 1 0
                                    

HUS#21

Pagbalik niya ay imbis na pagkain ang dala ay may tulak tulak siyang wheelchair na color pink at may design na mga strawberry'ng maliliit at mga tulips sa gilid.

"Sa baba daw tayo kumain, naghanda sina Gazeia," bungad agad nito at napakurap naman ako.

"A-Anong gagawin mo sa wheelchair? Makakalakad pa naman ako ah," hilaw akong ngumiti.

"Don't be so stubborn Fhleroneiv, you might ended up falling your ass straight to the floor," he said and come near me.

Ilang minuto pa ay kinuha niya ako at binuhat na parang bagong kasal at pinaupo sa wheelchair.

"I swear! Makakalakad ako!" pagmamatigas ko pa sakanya.

"Pero ika ika nga lang," usal nito.

"I can manage! Alam ko kung paano mamalusot sa mga kaibigan ko!" kunot ang mga noo ko at nguso ang mga labi.

"Baka ano pang mangyari sa'yo kung maglakad ka," saad niya na mukhang nagpipigil ng inis sa katigasan ng ulo ko.

"Para ka namang just now! Pwede ko namang ipalusot na nahulog ako sa hagdan kagabi sa misyon," wika ko na sanhi ng pagkunot ng noo niya.

Agad na kumunot ang noo niya. "Galing ka pala sa misyon kagabi?"

"Oo! Galing ako sa isang misyon kagabi, lasing at pagod na pagod tapos imbis na magpahinga ay kailangan pa kitang puntahan sa putanginang bar na 'yon at ang kagagohan mo pa ang madadatnan ko?! Sa sobrang pagod at galit kong nararamdaman kagabi halos gusto ko ng maiyak, pero ano ba dapat ang dramahan ko diba? Ang sarap mong bulyawan kagabi sa harap ng mga babae mo pero hindi ko magawa. Kung hindi ko lang talaga nakontrol ang sarili ko kagabi sa noo mo talaga bubunutin ang bala!" bulyaw ko at kaagad na tumayo.

"Cri..."

"Naiisip ko nga, how can you let a girl kiss your neck? Hindi ko nga magawang magpahawak sa ibang lalaki tas ikaw! Ikaw!" dinuro ko siya at bigla akong natahimik at binaba ang kamay ko.

Tumawa ako ng mapakla at umiling ulit. "Bakit nga ba kita dedektahan eh wala naman akong karapatan," napailing ako at tumalikod para lumabas ng silid.

He tried to hold me but I shoved his hand away from me.

"Creia..."

"Subukan mo lang hawakan ako Chlaveria at mawawalan ka talaga ng mga kamay sa buong buhay mo," banta ko at pilit na inilakad ang masasakit kong mga paa.

Ika ika akong naglakad pero hindi ako humingi ng tulong sakanya. Pilitin ko mang ayusin ang paglakad, mas lalo lang mananakit ang mga hita ko. Ang hapdi pa ang ano ko HUHUHU.

"You sure you won't need my help?" nag aalinlangan nitong tanong habang nasa likod ko siya at sinusundan ako papuntang pinto ng elevator.

"101%."

"O-Okay,"

Pumasok ako sa elevator at sumunod naman siya. Tahimik lang siya at nakayuko habang ang mga kamay ay nasa bulsa. Namuo tuloy ang katahimikan sa pagitan namin at hindi ako sanay sa ganitong sitwasyon.

"A-Are you mad at me Creiang?" he asked hesitantly on a raspy voice without looking up.

"101%."

Tumunog ang elevator at bumukas ito. Pagbukas na pagbukas nito ay mukha agad ng mga kaibigan ko ang bumungad sa'kin. Grabeng umaga 'toh nakakaumay na, ang sarap namang hindi nalang gumising.

"B-Ba't paika ika kang maglakad Cri?" tanong agad ni Yrrah sa'kin at ipinaghila ako ng upuan.

"N-Nahulog lang sa hagdan kagabi. No'ng nasa misyon pa ako, lasing ako eh. Pagsabog ng bomba ay siya ding pagkahulog ko sa hagdan, potangina," sagot ko pa at hilaw na tumawa.

His Unrepentant Sin (Chlaveria's Obsession #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon