Chapter 23

27 1 0
                                    

HUS#23

"Delikado ang buhay nila Kaise! Kaya intindihin mo muna ako ngayon kulot!" pagkukumbinsi ko kay Sovereign sa kabilang linya.

Nasa terrace ako ngayon dito sa kwarto ni Kaise habang pinagmamasdan ang buwan at mga bituin na nagsisilbing kagandahan ng gabi. Malamig ang simoy ng hangin na akala mo niyayakap ako nito. Dinamdam ko 'yun habang nakapikit ang dalawang mata.

[Ace I already told you to distance your self from him! Lalaki sila! They can protect their selves! Ace you have your own life to manage... 'Wag mong itali ang sarili mo sa mga lalaking 'yan, hinayaan kitang makasama ang mga 'yan Ace para sa kapakanan ng organisasyon mo! Wala kang sinabing ikaw ang poprotekta sa kanila!] sigaw din nito sa kabilang linya.

"Hindi naman pwedeng ikaw nalang palagi ang masusunod! Kung hindi mo ako iintindihin ngayon bahala ka! Mas lalo lang kukulot 'yang buhok mo," kunot noong wika ko.

"Sila ang punterya ng mga kalaban ko Sovran. It was my duty to protect them from my enemies," dagdag ko at narinig ko naman ang malalim na buntong hininga nito mula sa kabilang linya.

[I was really mad at you Ace. You're really a hard headed leader. You're so selfish, you're not thinking! You're not protecting your friends again! O baka gusto mong sila ang sumunod sa mga magulang niyo?] may panghahamon nitong tanong sakin. Kinuyom ko ang kamao ko.

"Don't open up that kind of topic noodle head. Baka mawalan ako ng respeto sa'yo, kilala mo'ko. Magalit ka kung gusto mo bahala ka d'yan, problema mo 'yan," madiin kong wika.

Bago pa man siya makapagsalita ulit ay pinatay kona ang tawag. Ganyan siya eh, pag alam niyang wala na siyang maisasabat sa'kin ibabalik niya lahat ng nakaraan at ipapamukha sa'kin kung gaano ako katanga. WHY ARE THEY ALWAYS BLAMING ME?!

"Hey..." napaigtad ako ng bigla akong yakapin ni Kaise mula sa likod.

"May problema ba? Hindi kapa nagbibihis, magbihis ka muna," saad nito at lumayo sa'kin para harapin ako.

"Bakit ka nandito? Malamig dito ah, pumasok kana," imbis na sagutin siya.

Ngumiwi siya.

"Malamig nga dito pero nagreklamo kaba? Inisip moba ang sarili mong lalamigin ka? Napakaself less mo naman, nakakainlove," I saw how his eyes glisten as he was talking to me.

He open his arms wide as if he was inviting me to come closer to him and give him a big hug.

"Papako kita sa krus?" nang aasar kong tanong sakanya.

"Body heat," nakangiting sagot nito.

"Wala ka talagang pinipiling lugar Chlaveria. Kahit saan ang harot mo talaga," anas ko sakanya at pabirong hinampas ang kamay nito.

"Dami mong arte..." hinila niya ako sa kamay at inilapit ang ulo ko sa dibdib niya. I can hear his heart beating rapidly. Kinakabahan ba ang isang 'toh?

"I have something to tell you Cri," napaangat ako ng tingin ng magsalita ito.

"Nu 'yon?" nakangusong tanong ko at ginantihan din siya ng yakap.

Panandalian siyang natahimik.

"Kapag ba minahal kita ng buong buo... tatanggapin mo ito at kakalimutan mong hindi ka naniniwala sa salitang pagmamahal?" tanong agad nito habang hinahaplos pataas at pababa ang buhok ko.

"Siguro..." I responded and give him a little shrug.

"Siguraduhin mo," saad nito halatang atat na atat.

"Oo naman, sinabi kona saiyong mahal kita at hihintayin kita sa panahong pwede na ang lahat," litanya ko.

"Ako nga ang naghihintay sa'yo eh, ikaw ba, kelan ka pwede? Kase ako desperado akong maging akin ka, sa'yo ko lang naranasang ngumiti habang kumakain eh," natatawang wika nito at nilapatan ako ng halik sa tuktok ng ulo ko.

His Unrepentant Sin (Chlaveria's Obsession #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon