Chapter 7

52 1 0
                                    

HUS7

"Ano ba kase ang ibinulong sa iyo? Nakikipag kiss ba pero nahihiya lang?" ulit na tanong ni Yrrah.

Hanggang sa maka abot kami ng room ay yung bulong pa rin ang iniisip ko. Anong touch?!? Pota nawawala angas ko sakanya mga beh! Patulong naman. Hindi kaya ako ganon sa mga lalaki, pag ibang lalaki talaga ang kaharap ko kanina baka binayagan ko na siya.

Nakakainis! Nauulol ako sakanya, mukha akong baliw pag kaharap ko siya. Mas mabuti yatang tumalikod nalang siya palagi.

"Sabihin mo na kase kung ano ang binulong niya kanina." Pagpupumilit pa ni Khiarra.

"Oo nga! Sabihin mo na Creia, naiinip na kami dito kakahintay." Sabat pa ni Gazeia.

"Edi mainip ka! Sino ba naman kaseng nag sabing hintayin niyo ang sagot ko?" Usal ko pa dito.

"Wag pilitin ang hindi kayang sabihin." Singit pa ni Heila, nakikinig lang talaga siya. Akala mo naman walang ginagawa, active pala ang tenga.

"Ano muna ang binulong sa yo?" Tanong ulit ni Gazeia.

"Hindi ko sasabihin, baka magalit lang kayo eh." Sagot ko lang dito habang ipinatong ang dalawang paa sa mesa ng upuan ko.

"Bakit yayayain kaba niyang mag tanan? Naku wag! Creia wag na wag kang papayag! Pag nag tanan kayo gagawa talaga kayo niyan ng milagro. Kaya kung gagawa kayo ng milagro kailangan niyo ng payo! Mag susuggest ako syempre, like anong magandang posisyon at iba iba pa." Mahaba pa sa buhok ni Rapunzel na pahayag ni Yrrah.

"Naway masugpo na ang kalibogan mong taglay Vasquez." Saway ko rito.

"Ano nga ang binulong sa'yo?" Tanong ulit ni Khiarra.

"Ganon ba ka big deal no'nsayo?" Balik kong tanong sa kanya. Tinaasan ko siya ng kilay sanhi para umiwas siya ng tingin.

"H-hindi naman." Nanginginig na sagot niya at napakamot sa batok.

"Hindi naman pala eh." Tanging tugon ko nalang.

"Nagtatanong nga lang kami."

"Ang sabi niya, ako daw ang pinaka maganda sa'ting lima." Napilitan akong magsinungaling sa kanila. Sumimangot naman ang mga kaibigan ko.

"Kaya ayaw kong sabihin sa inyo eh, alam kong ganyan ang magiging reaksyon niyo." Saad ko at pabirong umirap.

"We're not convinced. Your answer is not that convincing." Si Heila habang malamig na naka tingin sakin.

"Edi 'wag kayong maniwala. Problemahin niyo problema niyo," Tugon ko at tumalikod na sa kanila.

Hindi na nga kami natuloy sa sinasabi nilang lalaruin namin. Naka upo lang kami ngayon at hawak ang kanya kanyang cellphone.

Wala naman na akong gagawin at naboboring na din ako kakaselpon naisipan ko nalang matulog.

Isinandal ko ang ulo ko sa upuan at ipinikit ang dalawang mata.

+ • + • + • +

Nagising ako dahil sa ginawang tapik ng kung sino. Dahan dahan kong iminulat ang mata para tingnan kung sino.

"Gumising kana mare, tayo nalang nandito oh! Tsaka naglalaway ka! Kadiri ka naman!" Bungad agad sakin ni Yrrah, pinunasan ko ang gilid ng labi ko at may laway nga! Dugyot oy.

Umayos ako ng upo at inilibot ang paningin sa loob ng classroom. Kami na nga lang talaga.

Napa tingin ako kay Heila na humihikab halatang galing din sa pag kakatulog.

His Unrepentant Sin (Chlaveria's Obsession #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon