Kabanata 4

47.5K 600 41
                                    

Update for now hehe sensya na guys if mabagal po busy kasi sa work, gusto ko nang mabilis na pagsusulat kaso hindi po kaya ng time ko. Enjoy reading and expect some errors here po!

Follow me on my twt and fb page tapos interact us, nagrereply po ako at saka follow back 😚
Twt: @prplmststories
Fb page: Purplemist_on wp

Kabanata 4

"Anong pinagsasabi mo?" yun na lang ang sinagot ko sa kanya.

Napahalakhak siya sa akin, "Natasha, Natasha." pagbanggit niya sa aking pangalan.

"Akala mo siguro hindi kita mahuhuli.." 

Napalunok ako sa mga oras na ito pero isang sampal ang umigkis sa aking pisngi, agad kong nalasahan ang kalawang sa aking labi. 

"Niloloko mo ako!!" sigaw niya sa mukha ko.

"Hindi, ano ba.." hinila niya ang buhok ko kaya napaiyak na ako. "Tama na pa..." iyak ko.

Pero itinapon niya lang ako sa lapag, "Hahayaan kitang magtrabaho sa kanila pero alam mo ang kaya kong gawin, Natasha." 

"Alam mo na pwede kong saktan ang isang iyon." napalunok ako sa kanyang sinabi.

"Hindi mo naman alam kung nasaan siya.." mariin kong sambit, "Sinusunod ko na lahat ng utos mo kaya huwag,"

Ngumisi siya sa akin, "Malay mo alam ko." 

"Nasaan siya?!!!" histerikal kong tanong pero sinagot niya lang ito gamit ang kanyang pagtawa.

"Bakit gusto mo pa rin ba siyang makita matapos ka niyang iwan sa lugar na iyon?" 

"Sinasabi ko sayo, Natasha. Maging matigas ka sa lahat kasi walang magmamahal sayo," 

Nasa lapag pa rin ako at walang emosyon na nakatingin sa kanya, "Hahayaan kitang magtrabaho sa airlines na iyon pero may kapalit,"

"Ano?"

"Hindi ko muna sasabihin syempre," 

Nakuyom ko na lang ang kamao ko sa mga oras na ito, oo nga naman bakit ba ako nag aalala sa taong iyon? Iniwan at pinag antay niya ako kung hindi niya ako pinabayaan edi sana wala ako sa impyernong ito. 

Pumasok na ako sa kwarto at ginamot ang sugat na nakuha ko ngayong gabi, habang nakaharap sa salamin ay hindi ko maiwasang magalit sa nakitang sitwasyon ko. Magulo ang buhok, may sugat sa katawan, at may bangas sa labi.

Habang ginagamot ko ang sugat ay bigla kong naiisp yung nangyari kanina at kung sino ba ang bumaril sa Congressman. Wala sa paligid ang taong iyon dahil base sa pagkaka obserba ko malayo ang pinanggalingan ng bala.

Ngayon lang ako pumalpak sa trabaho, "Kung sino ka man may kalalagyan ka sa akin,"

Nakahiga na ako sa kama at iniisip ang sinabi ng ama ko kanina tungkol sa taong iyon, ano namang kapalit nang pagtatrabaho ko kila Logan? Buhay ko? Nakakatawa hindi niya alam hindi naman ako takot mamatay.

Kinabukasan pagkagising ko ay masakit ang katawan ko pero kailangan kong mag ayos papunta sa apartment. Nandon kasi ang uniform ko susubukan kong makapasok sa airlines, may meeting kasi ngayon para sa susunod pang mga flight. 

"Oh, bakit ka ika ika?" si Aling Myrna. 

"Napatid lang ho ako.." nakita ko ang pag aalala sa kanyang mga mata, kaya naman agad akong nag iwas ng tingin.

I grew up independent, and I didn't know how to rely on others. I was the only one who was curing my wounds from inside and out. 

"Sandali lang, maupo ka muna dyan." marahang sambit niya, "Kukuha ako ng cold compress."

Unveiling the Secrets (Organización Intrepída series#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon