Kabanata 27 (Part 2)

29.3K 547 37
                                    

Warning: Contains graphic violence please read with caution.

Kabanata 27 (Part 2)

My life was messed up, and it's a never-ending cycle for me. I was born and grew up in an orphanage and experienced child labor there. I was raised as a tool for Gary and did bad things for him. Niloko ko si Logan noon at ngayon naman ay lumabas ang katotohanan tungkol sa nakaraan.

Ang bahay at pamilya ni Logan ang pinasok nila Gary noon. Hindi ko lubos maisip na nakasama ko ang isa sa biktima nung gabing iyon.

Kaya pala galit na galit si Logan sa kanya dahil sa nangyari noon. Nanginginig ako sa galit at sakit na nararamdaman.

"Natasha, do you trust me?" Logan asked me and I nodded my head.

"Good, I trust you too. Let's work this out because a snake like me is more powerful with venom," he told me. 

Snake and Venom. That's right we're the perfect combination to kill a prey inside a forest. 

"Talagang nagsama pa kayo ha?" halakhak ni Gary na akala mo demonyo.

"Si Natasha ang anak anakan ko na inuutusan kong i-sabotahe ang mission netong organisasyon ninyo at siya rin ang look out sa bahay niyo dati," ulit niya.

"Shut up, Gary!" I gritted my teeth and fisted my palm.

Nakita ko na napatingin siya sa kamay kong may gloves.

"Oh? Yung kamay mong sunog nakatakip? Bakit nahihiya kang ipakita yung peklat mo?"

I labored my breathe and anger rushed through my veins as I heard how he mocked my scars.

"You fucking shit!" galit na galit na sabi ni Logan.

Bumunot siya ng kutsilyo at agad binato kay Gary pero mabilis itong nakailag.

"Putangina mo Gary!"

Magaling si Gary sa pakikipaglaban kaya hindi ako kampante kahit na kasama si Logan. Tumayo na si Gary sa kinauupuan at sinimulang makipaglaban sa amin. 

"Shit.." I cursed when he kicked me on the right leg and pulled my gloves.

Lumitaw ang peklat sa kamay ko kaya tinawanan ako ni Gary.

I saw the anger on Logan's eyes as he smack Gary's on the face. Imbis na masaktan ay ngumisi lang si Gary sabay atras ng kaunti.

"Bakit mo naman pinagtatangol yung babaeng nagbigay kalbaryo sayo?" naiiling na sabi ni Gary.

Dalawa kami ni Logan na nakipaglaban kay Gary pero mas matindi ang ginagawa ng isa kumpara sa akin.

"Nagsama pa talaga kayo ha?" ngisi niya sabay atras kaunti at angat sa baril pero naunahan ko siya.

Inangat ko ang baril at pinaputok sa gawi ni Gary kaya siya natamaan ng bala sa balikat. Habang nakikipaglaban ay nagitla ako nung may humila sa akin mula sa likod. Nakatutok ang baril sa akin pero imbis na matakot ay mas namuo ang galit ko.

"Natasha.." tawag ni Logan sa akin pero umiling lamang ako.

Nawala sa pokus si Logan kaya naman nasipa siya ni Gary sa likuran at agad itong lumabas.

"Sundan mo siya! Ako ng bahala dito," seryoso kong sabi.

"Pero.."

"Sundan mo na! Hindi pwede na makatakas siya." sambit ko.

Mas humigpit ang hawak sa akin ng lalaki pero sinenyasan ko si Logan na ako na ang bahala.

"Bibitaw ka ba o sasabog ulo mo?" malamig kong sabi.

Unveiling the Secrets (Organización Intrepída series#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon