Kabanata 24

35.9K 556 36
                                    

Hello, madlang people mabuhay! Mini Miss U! Mini Miss U! 

Kabanata 24

Nakahulikipkip ako habang pinapanood na nagkakagulo sa building ni Gary. Pinasabog ko lang naman ito.

So funny! Ano kayang reaksyon ni Gary oras na malaman niya na sumabog ang isa sa illegal niyang negosyo? Hindi na ako makapag antay na malaman ang reaksyon ng demonyo.

Sumakay na ako sa motor habang may malaking ngiti sa labi.

"Saan ka galing? Hating gabi na ah?" bungad ni Claude sa akin.

Ngumiti ako sa kanya na para akong nanalo sa lotto.

"Anong nginingiti mo dyan? Ang creepy," kunwari pa siyang nanginig.

"May ginawa lang po ako Uncle."

"Uncle mo mukha mo! Oh? Saan ka galing?" tanong niyang muli.

"Sa Quezon City pinasabog ko yung building ni Gary." walang emosyon kong sabi.

Umawang ang bibig niya sa narinig at bigla akong hinawakan sa braso.

"Huy! Ano ba yun?" taka kong tanong habang chinecheck niya ako.

"Baka may sugat ka. Lagot ako kay Kuya kapag yung anak niya may galos," sagot niya.

Natuwa ang puso ko sa narinig dahil concern sa akin si Papa.

Inalis ko ang kamay ni Claude, "Wala naman akong sugat saka ayos lang ako."

"Nakapasok ako sa building kasi akala ng tauhan ni Gary isa akong architect." kwento ko.

Umupo siya sa harapan ko at nakinig sa akin.

"Akala niya libre lang yung design na i-offer ko para sa building nilang basura. Sinong tanga na architect ang papayag na libre ang trabaho nila?"

"Ang bobo naman no'n!" tawang tawa na sabi niya.

"Sinabi mo pa! Saka sobrang uto uto ayan tuloy nakabisado ko ang pasikot sikot sa building."

Sobrang bilib ako sa sarili dahil nagawa ko ng mag isa ang balak ko.

"Pero sa susunod ha? Magsabi ka paano kung mapahamak ka?" kita ko ang pag aalala sa kanyang mata.

"Concern ka?" tanong ko.

"Malamang! Pamangkita kita magiging concern talaga ako sayo. Isa pa lagot ako kila Mama kapag pinabayaan kita rito," tugon niya.

"Miss ko na sila Lola."

"Uwi ka na kasi sa France," umiling ako sa kanya.

"Alam mo naman na hindi pa pwede. May kailangan akong gawin dito." Kapag nagawa ko na siguro saka ako aalis."

"Paano si Dawson?" tanong niya at pumait ang lalamunan ko sa narinig na iyon.

"Makakalimutan niya rin ang kagaya ko."

"Kung makalimutan ka. Ikaw pala yung babae na iniiyakan ni Dawson?" nabigla ako sa kanyang sinabi.

Umiling ako sa kanya dahil imposible naman yun.

"Totoo iyon kung gusto mo tanungin mo ang mga kaibigan niyan," sambit niya na lang.

Matapos naming mag usap ni Claude ay dumiretso na ako sa kwarto.

"Ikaw pala yung babaeng iniiyakan ni Dawson."

"Imposible naman yung sinasabi ni Claude tungkol sa kanya galit kaya yun sa akin. Sinabihan niya nga ako ng masasakit na salita kaya paanong iiyak siya sa kagaya ko?"

Unveiling the Secrets (Organización Intrepída series#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon