Kabanata 5

48.1K 565 66
                                    

Tw: Assault and murder 

Kabanata 5

"Now, I'm going to show you more how much I like you, and I don't have the intention to play with you just like you think." My heart thumped loudly when I heard those words from him.

"Why?" nauutal kong sabi at tumaas lang ang isa niyang kilay, "Why do you like me?"

"Gusto kita walang dahilan basta gusto kita, Natasha." kumalabog ang puso ko sa kanyang sinabi. 

"Kapag kasi may dahilan ako tapos nawala iyon edi mawawala yung nararamdaman ko sa'yo?"

"Parang ang bilis mo naman akong nagustuhan?" sambit ko. 

"No, it's not that fast because at first I liked you as a woman, but not in a romantic way," he said seriously. "We kissed each other, and believe me, I didn't sleep for a consecutive day just because of that. I started to tease you more, and I realized I wanted your attention because I like you."

"Ewan ko sayo," napakagat ako sa ibabang labi, "Hindi ko pa masasagot iyang sinasabi mo sa akin pasensya ka na." 

"Ayos lang basta nalinaw ko na talaga sa'yo ang lahat, ayoko naman na nagtataka ka bakit ganito ako sa'yo." ngumiti siya sa akin at ako naman ay tumango lamang.

"Ayan ikaw na ang tunay kong beybe," biglang tumaas ang kilay ko sa kanyang sinabi. 

"Gago ka? Gagawin mo pa akong kabit mo?"  

"Ha? Hindi 'noh?" laban niya pa sa akin, "Ikaw na ang tunay kong beybe kasi kabit ko na lang si Zach." 

"Ewan ko sayo, Dawson." umirap ako sa kanya pero napangiti lamang siya.

Tumingin siya sa kanyang relos, "Sandali lang may pag uusapan lang kami ni Ate." 

"Sige, lalabas na rin ako at uuwi na," sagot ko naman sa kanya.

"Antayin mo ako sasabayan ko yang motor mo," tumango na lang ako at sinabing sa isang convenience store ko na lang siya aantayin. 

Pagpasok sa convenience store ay dumiretso agad ako sa coffee dispenser at saka kumuha ng cinnamon para mag merienda saglit. Tahimik lang akong kumakain pero nararamdaman ko talagang parang may nagmamasid sa akin, inayos ko ang upo ko at pasimpleng nagmasid sa akin.

"What the fu---?" naputol ang sasabihin ko nung makita na yung Grey ang kumalabit sa akin.

"Ayos ka lang?" tanong niya sa akin, "Parang kanina ka pa kasi may tinitingnan sa paligid,"

"I'm fine," malamig kong sabi sa kanya.

"Oh, okay dito na ako." turo niya sa counter at tumango lamang ako.

Ilang minuto pa akong nag antay kay Logan at maya maya ay dumating naman na siya. Inayos ko lang ang pinagkainan matapos no'n ay tumayo na ako sa tabi niya, nakangiti siya sa akin pero parang nangangasar ang mata niya.

"Bigwasan kita eh," inis kong sabi pero mahina lamang siyang tumawa.

"Sir, Good afternoon." si Grey na biglang lumitaw sa harapan namin, napansin ko ang pagkagulat sa mga mata ni Logan.

"Oh, Good afternoon Miss Grey." si Logan na nakangiti sa empleyado. 

Tumingin sa akin ang babae at bahagya lamang akong ngumiti, kinalabit ko si Logan at sinabi kong uuwi na ako. 

"Sir Log---" pinutol niya ang sasabihin ni Grey, "Dito na kami," ani Logan habang ako ay tahimik lamang nakatayo.

Lumabas na kami sa convenience store at sabay na naglakad papunta sa parking lot. Chineck ko muna ang motor ko bago ko painitin ang makina. Si Logan naman ay inayos na ang gamit sa kanyang sasakyan. 

Unveiling the Secrets (Organización Intrepída series#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon