Simula

141K 1.2K 135
                                    

Warning: Contains sensitive topics! Please read with caution.

Third book under Organización Intrepída series sana magustuhan niyo at expect errors here. Salamat and enjoy reading mga bebe. Please vote and comment po.  😍

Simula

"Anong sabi mo?" malamig kong tanong sa lalaki na nasa harapan ko.

"You--re a bit---ch.." nauutal niyang sabi dahil ang kamay ko ay nasa leeg niya.

I cackled, "Am I?" I asked him while choking him to death.

"Put--angina mo.." halos mangitim na siya pagkakasakal ko sa kanya.

Binitawan ko siya at bago pa niya ako matamaan ng bala ay inunahan ko na siya.

"Sabi niya mahina ako dahil babae lang ako pero sino ngayon ang patay sa amin?" I talked to myself.

Lumapit ako sa bangkay niya saka ito sinipa. I hate this kind of people, men they really think they are above of us?

Akala nila kapag lalaki sila ay sila lang ang magaling sa lahat. Iba na ang panahon ngayon.

May mission ako ngayong gabi na suguring mag isa ang isang illegal na pasugalan at tindahan ng droga para magnakaw. Hawak ko ang baril habang nasa madilim na parte ako ng lugar sanay naman ako sa ganito kaya ayos lang.

Tuwing gabi ay ganito ang ginagawa ko. Palaging akong nasa bingit ng kamatayan sa araw araw na buhay ko. Pero, anong magagawa ko? Dito ako nakalagay. Mag isa lang naman ako sa buhay.

Pag uwi sa bahay ay agad akong sinalubong ng sampal ng taong kinamumuhian ko.

"Ang tagal mo boba!" sigaw niya pero hindi ako nagpatinag. "Simpleng pinapagawa sayo hindi mo nagagawa agad." galit na galit siya sa akin.

Inayos ko ang buhok bago magsalita, "Sorry, marami kasing tao hindi naman pwede na basta ako susugod." sagot ko sa kanya.

"Fixed yourself Natasha. Remember you're just my tool." he told me.

Yes, I'm just my father's tool. Ginagamit niya lang ako para pagkakitaan at ang illegal na gawain na 'to ang bagay na iyon.

Kapag hindi ako sumunod sasaktan ako at ikukulong sa basement. Sa nagdaang taon na ganon ang ginagawa sa akin ay madilim ang buhay ko.

Hindi ako marunong ngumiti at hindi na ako umaasa pang may lalaking magmamahal sa akin. Masama akong tao, marami akong sugat na nakakahiyang tingnan.

"Thank you." yun na lang ang sinabi ko sa registrar ng kunin ko ang TOR ko.

Nag apply kasi ako sa isang airlines at itong requirements na lang ang kulang sa akin.

"Hoy gago! Wallet ko!" sigaw ng estudyante.

Papalapit sa gawi ko ang snatcher at luminga ako nung malapit na siya ay saka ko siya sinipa dahilan para mahulog siya sa butas na malapit sa pwesto ko.

"Putang---" naputol ang sasabihin niya dahil agad siyang dinampot ng pulis.

Paalis na ako sa lugar nang hawakan ng isang babae ang braso ko. Nabigla ako kaya naman agad kong hinawi ang kanyang kamay.

"Sorry.." halata ang takot sa kanyang mata. "Pasensya na nabigla ata kita." dagdag niya pa sa sinabi at tinitigan ko lamang siya.

"Salamat ah?" nakangiti siya sa akin pero tumalikod lamang ako.

Pag uwi sa impyerno ay agad akong pumunta sa kwarto ko. "Buhay nga naman." tanging sambit ko.

"Hoy gaga gumising ka!!!" binuhusan ako ng malamig na tubig.

Unveiling the Secrets (Organización Intrepída series#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon