Kabanata 21

34.4K 557 90
                                    

Last 9 chaps! Sorry bagal ng update, enjoy reading po.

Vote and Comment po salamat. ❤️

Kabanata 21

Malakas ang kalabog ng puso ko sa mga oras na ito at parang hindi nagpoproseso sa utak ko ang nangyayari.

Kamukhang kamukha ko ang babaeng nasa harapan ko na sa tansya ko ay nasa late 40's pa lamang ang edad.

"Hector, pwede bang palabasin mo muna sila?" utos niya.

Pinalabas ni Hector ang mga kasama ko at ako lamang ang naiwan kasama ang babaeng nasa harapan. Nakita ko pa ang pag aalala sa mata ni Logan na agad ko lamang iniwasan, humarap na ako sa babaeng nasa harapan ko.

"Sandali lang po baka nagkakamali kayo," sambit ko pero umiling lamang siya.

"Hindi ako pwedeng magkamali tungkol sa anak ko." Ako ang nagbigay sayo ng pangalan."

Tumulo ang mga luha na aking pinipigilan. Nakuyom ko rin ang kamay ko dala ng matinding emosyon.

"Akala ko wala na kayo anak. Nasunog kasi yung bahay ampunan na pinagdalhan ko sa inyo ng kakambal mo."

"Wala naman pong sunog na sinabi sa amin ang mga madre," taka kong sabi, "Ang sabi rin sa amin na una pa lang na natayo ang ampunan ay doon nsa lugar na iyon."

Umiling siya sa akin para sabihin na walang katotohan ang sinabi ko, hinawakan niya ang kamay kong may gloves at kita ang pagtataka sa kanyang mga mata.

"Ah," inalis ko ang kamay sa kanya.

"Gusto mo bang pag usapan natin? Alam kong nabibigla ka pa sa nalalaman mo."

Tumango ako sa kanya, "Nandito naman na ho tayo."

Kung kanina ay malambot ang kanyang tingin nag iba ito nung pumasok ang isa sa tauhan.

"Pauwiin mo na silang lahat. Sa susunod na kamo matutuloy ang pag uusap," bakas ang pagiging strikta sa kanyang mukha.

"Masusunod ho Madam."

"Ipaghanda mo rin kami nang makakain at ihatid mo sa opisina ko," bilin niya pa saka ako inaya palabas.

Pumasok kami sa isang opisina na may mga dokumento at iba't ibang armas.

"Maupo ka," malambing niyang sabi.

"I forgot to introduce myself," She chuckled, "I'm Georgina."

"Natasha Gail."

I gasped when she hugged me, "I was the one who named you my darling."

Sa hindi malaman na dahilan niyakap ko pabalik ang babaeng nasa aking harapan. Ang gaan gaan ng pakiramdam ko sa kanya.

"Gusto mo na bang malaman kung bakit hindi ko kayo nabalikan?" tanong niya at kahit nasasaktan ay tumango ako.

"Akala ko namatay kayo sa sunog."

"Iniwan ko kayo nung gabi na nanganak ako sa inyo ng kakambal mo dahil may humahabol sa akin, para sa kapakanan niyo ay binigay ko muna kayo sa mga madre." kwento niya sa akin.

"Bukod sa hinahabol ako ng ex-boyfriend kong obssessed sa akin ay kailangan ko ring magtrabaho. Kaya para hindi kayo madamay ay hindi mo na agad ako lumapit sa inyo mga anak, hanggang sa nung bumalik ako puro abo na lang ang nakita ko sa lugar."

"Hinanap ko kayo kaso mahina ako nung mga araw na iyon hanggang sa may nagsabi sa akin na may mga sanggol na natagpuang patay na nilibing lang sa sementeryo," bakas ang lungkot sa kanyang boses.

"Tapos po anong nangyari?" tanong ko pa.

"Nawalan ako ng pag asa hanggang sa magtagpo kami ng ama niyo at doon kami hinabol ng dati kong nobyo. Nagkasugat ako sa mukha at nawalan ng alaala," sagot niya sa akin.

Unveiling the Secrets (Organización Intrepída series#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon