Kabanata 1

78.9K 915 85
                                    

This chapter is dedicated to Juline Joy, thank you so much sa support mo! Lovelots! 😍

Enjoy reading and expect errors here.

Contains: Sensitive topics such as assault and murder please read with caution.

Kabanata 1

Natasha? Yung brochure na pinag oorderan ng mga items? Walang hiya 'tong lalaki na nasa harapan ko.

"Uy.." tawag niya sa akin pero masama na ang tingin ko sa kanya.

"Pinagtitripan mo ba ako?" seryoso kong tanong sa kanya.

"Hindi ah." tanggi niya pa pero halata naman, "Nagtatanong lang eh kasi nakita ko nga kay Aling Pasing yung brochure sabay may brief." kwento ng kumag.

Walang emosyon ko siyang tiningnan saka umalis sa harapan niya, hindi ko kayang magtagal sa mga ganong tao. Pero yun na lang ang bigla ko nung hinawakan niya ako sa aking braso. 

"Natasha." he called me and his voice was so soft. 

"What?" I asked him flatly. "Sorry." He told me and it was my first time to receive an apology.

Kadalasan kasi hindi ako nakakatanggap kahit na nasasaktan o insulto ako kaya naman nasanay na lang ako sa ganong ikot ng buhay ko.

"Ayos lang hindi naman big deal." walang emosyon ko pa ring sambit sa kanya. 

"Okay sige na mag ayos ka na maya maya flight na." paalam niya bago lumabas sa loob ng employee quarters. 

Tahimik lang akong nag aayos nung tumunog ang cellphone ko at nung binuksan ko iyon ay muli na namang lumagablab ang galit sa akin.

From: Demon 

You have a secret mission, Natasha. and don't you try to fail this. Malaking pera rin 'to. 

To: Demon

What time?

From: Demon

9 pm sharp! Sa Davao magpapadala ako ng pera bilisan mo maghanap ka ng flight na may larga agad papunta roon.

Nagpadala ako ng mensahe sa ama ko na merong biyahe ngayon papunta sa Davao. Nagpanggap ako na papunta pa lang sa airport pero ang totoo ay nandito na ako dahil ito ang pinakauna kong flight.

Ang galing talaga ng tadhana oh akala ko makakapasyal na ako ng malaya hindi pa rin pala. Inayos ko pa ang sarili bago lumabas sa quarters pagkalabas ay naririnig ko na ang pre boarding announcement para sa flight namin papuntang Davao.

"Good day passengers. This is the pre-boarding announcement for the flight from Manila to Davao. We are now inviting passengers with small children and passengers who need special assistance to begin boarding at this time. Please have your boarding pass and identification card ready. Regular boarding will begin in approximately 10 minutes! Thank you so much."

I fixed myself and walked with a smile, and I hope my smile looks genuine because I didn't know how to do that properly.

"Careful." sambit ko sa bata na muntik madapa. 

"Thank you po ateng flight attendant." ngumiti siya sa akin at napatango lamang ako.

Nasa gilid lang ako nakatayo nung makita ko ang kanyang pagpasok nakasuot siya ng kulay itim na business suit at nasa loob nito ang pilot uniform na kulay puti at hawak niya naman sa kabilang kamay ang cap. 

"Good day captain." bati sa kanya ng mga kasama ko. 

"Magandang araw." nakangiti niyang sagot sa mga ito pero ang kanyang mata naman ay nasa akin.

Unveiling the Secrets (Organización Intrepída series#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon