Kabanata 26

36K 466 51
                                    

Warning: Mention of assault, murder, guns, and drugs. Read at your own risk.

Kabanata 26

"Jusko!" bulalas ko habang pinapanood siyang nagtutula.

"Pag ibig ko ay tanggapin, puso ko sana ay iyong dinggin," sambit niya habang feel na feel ang pagiging makata at may hawak na rose crochet. 

Napatingin ako sa apat niyang kaibigan. Si Travis ay maangas na nakatayo, si Keith naman ay tuwang tuwa, si Zach naman ay nakabusangot, at si Mizuki naman ay seryoso lamang na nakamasid.

"Natasha, aking iniirog. Ika'y handang sisirin na parang ilog." 

Uminit ang pisngi ko nung biglang lumabas sa isip ko yung nasa pagitan siya ng hita ko at sinisisid ako.

"Omygosh! Tama na please." Nakatakip ang kamay ko sa mukha.

"Sasapakin talaga kita Logan Ruis!" banta ko nung akma siyang tutula ulit.

Lumabas na ako sa gate namin at agad nilapitan si Logan na ang laki ng ngiti.

"Mga pasaway kayo at talagang nakabarong pa kayong apat, huh?" pinagalitan ko sila, "Hating gabi na para sabihin ko sa inyo!"

"Sinong nakaisip neto?"

"Ako lang baby. Elibs ka ba?" kindat ni Logan kaya agad ko siyang piningot.

"Ouch! Ouch!" hiyaw niya kaya agad naghalakhakan ang mga kaibigan niya.

"Anong nakakatawa, huh?" taray ko.

"Wala po!" sabay sabay nilang sambit.

Binitawan ko na ang tenga ni Logan saka sila sinermonan. Nagsisihin pa talaga sa harapan ko kaya mas sumakit ang ulo ko.

"Gabi na at mahirap bumiyahe dito na kayo mag stay may mga guest room naman."

Pagkapasok sa gate ay agad kong kinausap ang mga helpers at humingi ng paumanhin.

"Naku ayos lang. Napakagwapo naman ng manliligaw mo," sambit ni Ate Nena.

"Pangit yun ate at saka hindi ko siya manliligaw,"  tugon ko.

Inaya ko na sila Logan na pumunta sa vintage house. Pagkapasok ay tumambad sa kanila ang mga bagong paintings.

"Dalawa yung kwarto na bakante dito bahala na kayo kung sino ang magtatabi," seryoso kong turan.

"Pwede ba akong tumabi sayo?" tanong ni Logan.

"Tatakpan ko ng unan yang mukha mo para masusuot mo ulit 'yang barong mo."

Napalunok si Logan dahil sa sinabi ko, "Kayo ng bahala dito ha? I-feel niyo yang mga barong ninyo."

Pumasok na ako sa kwarto pero hindi ko tuluyang sinara dahil pinapakinggan ko pa silang lima.

"Tangina mo kasi Logan aya ka nang aya. Imbis na andon ako sa mag ina kong hinayupak ka!" sambit ni Travis.

"Excuse me? Hindi ko kayo pinilit," laban pa ng isa.

"Pinagsuot mo pa kami ng barong! Sumakit ulo ko kanina sa tula mo." si Keith.

"Masakit ulo mo? Baka bobo ka lang," asar naman ni Zach. 

"Ulol ka Altieri!"

"Putang ina mo Dawson! Tulog na sana ako eh," si Mizuki na minsan lang magsalita.

Nagsimula na silang magtalo talo kaya mariin akong napapakit dahil sa mga ingay nila, binuksan ko ang pintuan at saka huminga ng malalim bago sila sigawan.

"HOY MGA PESTE KAYO! MAGSITAHIMIK KAYO!"

"Shet! Kayo naman kasi eh," sisi ni Logan sa mga kaibigan.

"Matulog na tayo mga pare," aya niya sa mga kaibigan nung pinandilatan ko siya ng mata. 

Unveiling the Secrets (Organización Intrepída series#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon