Kabanata 17

29.8K 444 38
                                    

Tagal walang update hahaha sorry na po busy. Enjoy reading and expect errors here.

Warning: Contains sensitive topics such as drugs, domestic abuse and torture please read at your own risk.

Kabanata 17

"Natasha, tigilan mo na kaya kakapunta dyan kay Logan." sambit ni Samantha.

Umiling ako sa kanyang sinabi saka pagod na sumandal sa upuan.

"Girl? Ilang beses ka na niyang pinagtabuyan."

"Alam ko," sagot ko sa kanya. "Pero, hindi ako titigil hangga't hindi niya ako napapatawad."

Araw araw ay palagi kong pinupuntahan si Logan para lang humingi ng tawad at sa mga araw na iyon ay pakiramdam ko ang baba ko ng tao. 

"Hay nako?" irap ni Samantha sa akin. "Hindi na ikaw yung Natasha na kilala namin."

Nakagat ko ang ibabang labi para mapigilan ang emosyon. Alam ko rin sa sarili ko na hindi na ako ang Natasha na nakasanayan ng lahat.

"Grabe naman kasi yang si Captain." sambit ni Beatrice.

"Hindi ko naman siya masisi kung bakit ganon ang ugali niya sa akin ngayon." tumayo ako saglit para kumuha ng maiinom. "Nagsinungaling kami sa kanya ng kapatid ko at nalito siya sa amin."

"Naisip ko yung itsura niya nung panahon na naghahabol siya sa taong inakala niyang ako," aniya ko.

"Bakit kasi nagpapalit kayo ng kapatid mo?" tanong ni Denver.

"Kailangan," tanging sabi ko sa kanila. 

"Panigurado dahil na naman 'yan sa ama mong demonyo." galit na sabi ni Beatrice sa harapan namin. 

Kita ko ang pinaghalong sakit at galit sa kanyang mga mata dahil sa nagawa sa kanya ng tatay ko. Hindi ko matanggal sa isip ang nangyaring iyon sa kaibigan, kaya pala nung mga nakaraan ay palagi siyang nakasuot ng jacket kahit na ang init init.

Hindi siya nagsalita nung una dahil sa sobrang takot at naiintindihan ko iyon dahil ganon din ang nararamdaman ko sa ama ko. Mas naging makapangyarihan siya ngayon kaya hirap na hirap kami na bigyan ng hustisya ang nangyari kay Beatrice.

"Mas naging malawak ang kapangyarihan ni Boss." si Denver, "May mga kakilala na siyang nagsusupply ng illegal na droga at armas." 

"Paano mo nalaman?" tanong ko.

"Narinig ko na nag uusap sila."

"Tangina talaga sana mamatay na yang ama mo Natasha," si Beatrice. "Pasensya ka na ha? Nasasabihan ko ng ganon ang ama mo."

Umiling ako sa kanya, "Naiintindihan kita kasi matindi ang ginawa niya sayo at saka huwag kang mag alala bibigyan natin ng hustisya ang nangyari sa iyo."

"Paano?" tanong niya sa akin.

"Hindi ko rin alam pero lalaban tayo." tanging sabi ko sa kanya.

Alam kong mahirap labanan si Papa pero gagawa ako ng paraan na mabigyan ng hustisya si Beatrice balang araw. Nag usap pa kaming apat tungkol sa buhay namin sa loob ng grupo, gusto na naming umalis pero hindi kami maka-alis sa lungga ng mga demonyo.

"Uuwi na ako sa apartment," paalam ko sa kanila.

Tumango lang sila sa akin at agad akong lumabas para paandarin ang motor na aking ginagamit. Biglang sumagi sa isip ko yung mga panahon na sinasabayan ako ni Logan gamit ang kanyang sasakyan. 

"Ang bilis mo namang magpatakbo."

Naglaro sa isip ko ang salitang sinasabi niya sa akin palagi pati na ang pagsama niya sa akin para lang safe akong makauwi kaso lahat ng iyon ay wala na dahil sa kasinungalingan ko.

Unveiling the Secrets (Organización Intrepída series#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon