Kabanata 20

39.5K 609 52
                                    

Last 10 chaps left na lang before the ending.

Warning: Contains sensitive topic please read at your own risk.

Kabanata 20 

"Ako lang bubuhat kay Natasha! Ako lang! Ako lang!" parang bata na sabi niya.

"Oh edi ikaw na bumuhat tangina ka!" si Travis na tawang tawa.

Nasapo ko ang mukha dahil nahihiya ako sa pinagsasabi ni Logan, tawang tawa rin ang apat niyang kaibigan dahil doon. 

"Gago ka Dawson ang sakit ng pwet ko ha!" singhal ni Keith sa kanya.

Lumapit sa akin si Logan pero humarap muna siya sa mga kaibigan saka ito nilabas ang gitnang daliri. Nung humarap na siya sa akin ay malambot na ang kanyang tingi sa akin.

"Let's go; let me carry you."

"No," tanggi ko sa kanya, "Kaya kong tumayo Logan."

"Masakit yung paa mo kaya tulungan na kita," mariin akong napapikit sa harapan niya.

Tumayo ako bago muling magsalita, "Kaya ko ang sarili ko Logan huwag ka nang mag abala pa."

Ramdam ko ang katahimikan sa paligid pero isang palad ang humawak sa akin na agad kong inalis. Paika ika pa akong naglakad palayo sa kanila kaya ko ang sarili ko hindi ko kailangan ng tulong niya. 

"Sandali lang Natasha," rinig kong sabi ni Keith. 

Hindi ko siya pinansin at nagtuloy tuloy lang ako hanggang sa makarating sa maindoor. Makakalabas naman na ako dito dahil wala ng bantay. Nasa labas na rin ang mga kababaihan na nailigtas namin. 

"Hey," tawag ni Mizuki sa akin.

"Oh?"

"Nothing," He answered and rested his back. 

"Mizuki, alam niya ba?" bigla kong tanong sa kanya saka luminga sa paligid para makita kung parating na ba ang iba pa. 

"Alam niya bang ako si Venom?" umiling siya sa akin. 

"Hindi niya alam iyon kasi nangako kami sayo na hindi namin sasabihin."

Natahimik na ako pagkatapos no'n, hindi alam ni Logan na ako at si Venom ay iisa ang katauhan. 

"Good job guys," sambit ng aming head. 

"This is your first mission Natasha but you did well," He glanced at me. 

"Thanks to my team, Hector."

Natapos ang unang misyon ko na kasama sila. Masakit ang paa ko pero hindi ko alintana pa mawawala rin naman 'to.

"Sanay ka naman na sa sakit, Natasha." sigaw ko sa isipan.

Ramdam ko na tinitingnan ako ni Logan kaya dali dali akong lumabas sa quarters.

"Wait," nakagat ko ang labi nung marinig na naman ang boses niya.

Natulos ako sa pwesto ko sa mga oras na ito hanggang sa makalapit na siya sa akin.

"What do you need?" I asked.

He licked his lower lip and kneeled in front of me. "You have wounds," he said with a worried tone.

"Let's put on a bandaid." I watched him silently.

Tumayo na siya sa harapan ko at umiwas naman ako ng tingin sa kanya.

"Logan, please layuan mo ako hindi mo naman dapat ginagawa 'yan."

"Mababaw lang na sugat 'yan hindi ka dapat nag aabala sa kagaya kong masahol ang ugali," sambit ko at nakita ko ang pagdaan ng sakit sa kanyang mga mata.

Unveiling the Secrets (Organización Intrepída series#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon