Kabanata 6

40.8K 545 37
                                    

Enjoy reading and expect errors here!

Kabanata 6

"Logan Ruis!!!!!" sigaw ko sabay karipas niya ng takbo palayo sa akin.

Basang basa ako sa mga oras na ito, agad akong naglakad papunta sa parking lot. Nakakuyom ang kamay ko dahil sa sobrang inis. 

Nakita ko ang sasakyan niya na nakaparada pa, lumapit ako sa kanya hindi ko siya nakikita sa loob dahil tinted ito pero alam kong makikita niya ako sa labas nito.

*knock, knock*

Tunog nang pagkatok sa bintana ng kanyang sasakyan, walang emosyon ang mga mata ko pero nakangiti ako.

"Baba," 

"Ayoko!" sigaw niya sa loob ng kanyang sasakyan.

Nilakasan ko ang pagkatok at maya maya'y binaba na niya ang bintana. "Bumaba ka dyan," malamig kong utos sa kanya. 

"Ah, ayaw mong bumaba ha?" ngisi ko sabay linga sa paligid para maghanap ng pwedeng panakot sa kanya.

Kinuha ko ang isang tubo sa isang tabi saka muling lumapit sa kanya pero bago pa akong tuluyang lumapit ay bumaba na siya sa kanyang sasakyan. 

"Huwag!!!!" OA niyang sigaw.

"Huwag mong saktan ang kotse ko,"

"Hindi naman yung kotse mo ang sasaktan ko eh, Ikaw!" singhal ko sa kanya. 

Binaba ko ang tubo saka naglakad palapit sa kanya sabay sapak sa kanyang sikmura, napaigik siya dahil sa lakas nang pagkakasuntok ko. 

"Ouch," he groaned and I glared at him.

"Tarantado ka nabasa ako!" inis kong sabi.

Maya maya ay napalitan ng lambot ang kanyang mga mata habang pinagmamasdan ang kalagayan ko. Basa ang suot kong damit at may putik pa ako sa mukha pati na sa braso, sobra akong nainis sa ginawa niya. 

"Sorry," He said softly and I remained silent. 

Kumuha siya ng panyo at lumapit sa akin para punasan ang dumi na nakuha ko kanina. Lumunok ako habang magkalapit na naman kaming dalawa, malumanay ang pagpunas niya sa akin sa mga oras na ito.

"Tama na," awat ko sa kanya.

"Pero.." pinutol ko ang sasabihin niya saka lumapit sa motor.

Agad kong pinaandar ang motor paalis sa lugar, sa sobrang inis ko kay Logan ay iniwan ko siya sa parking lot. Wala akong panahon makipagbiruan sa kanya dahil naiinis talaga ako sa ginawa niya sa akin.

Pagkarating sa apartment ay agad akong naglinis ng katawan hindi ko pinansin ang text ni Logan sa akin bahala siya dyan.

From: Demon

10 pm sharp! 

Yun lang ang tinext niya at alam ko na agad ang ibig sabihin, nagbihis agad ako saka sinuot ang itim na mask para hindi makita kung sino ako. Magmula nung sinabi sa akin na may isang grupo ay mas naging doble pa ang pag iingat ko. 

Sakay ako ng motor ko papunta sa sinabing lugar sa akin ang gagawin ko ngayong gabi ay kunin ang isang flash drive na hawak ng isang lider nang sindikato. Nilabas ko ang baril saka hinanda ang sarili ko papasok sa building.

Una kong nadaanan ang grupo ng mga kalalakihan na naglalaro pa ng baraha. Mukhang busy sila dahil hindi nila nakita ang pagdating ko, agad kong kinasa ang baril na hawak saka pinaputok sa gawi nila.

"Putangina!" sigaw nung isa.

"Gago may nakapasok," yung kalbo naman ang nagsalita.

Pinaikot ikot ko ang baril sa aking kamay saka isa isa silang binaril, mabilis ang pagkilos ko kaya naman hindi na sila nakapalag sa sunod sunod kong pagbaril. Nakahandusay na sila sa sahig kaya naman lumakad na akong muli. 

Unveiling the Secrets (Organización Intrepída series#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon