Kabanata 15

35.1K 449 42
                                    

Omg! Nakalahati ko na rin 'to sa wakas HAHAHAHA enjoy reading po.

Warning: Contains sensitive topics

Kabanata 15

I ditched some of my missions to protect Logan. I have a big chance to catch them, but I refuse to move.

Sa tuwing may pinapagawa sa akin ang ama ay ginagawa ko ng maayos pero kapag tungkol na sa organisasyon nila ay magpapanggap ako na hindi ko na naman sila naabutan. 

"Hindi kita pinalaking boba!" sigaw sa akin ng ama ko.

Nanatili akong nakatayo sa harapan niya, "Ilang buwan ko na silang pinapahanap sayo kasi sagabal sila sa atin tapos hindi mo pa rin nahahanap?"

"Bakit ba kasi ako pa yung kailangang maghanap? Marami ka namang tau---?" hindi na natapos ang sasabihin ko dahil isang sampal ang sumalubong sa akin.

"Boba! Inutil!" sigaw niya sa mukha ko, "Ayan lang ang pakinabang mo kasi pinalaki kita." 

Dinuro duro niya pa ang noo ko pero hindi ako nagpakita ng emosyon. Kung anu ano ang mga salita na pinagsasabi niya sa akin.

"Nakikita kita na palaging kasama yung piloto sa pinagtatrabahuan mo." ngisi niya sa akin.

"Akalain mo yun may nagkagusto sa kagaya mong demonyita? Natasha, hindi mo deserve ang mahalin."  parang piniga ang puso ko sa sinabi niyang iyon pero pinigil ko ang pag iyak. Ayaw kong ipakita na may mahina akong parte sa kanya. 

I fixed myself in front of him and gave him a bored look. Maybe he's my father in blood, but in my heart, he wasn't. He never treated me like his child. He raised me to be his tool and a killing machine.

Sumakay na ako sa motor ko at habang pauwi ay bigla na namang sumagi sa isip ko yung sinabi ni Logan na kaya niya akong patayin. Nasaktan ako pero naisip ko na hindi naman niya ako kilala. 

"Salamat po," bumili muna ako ng pagkain sa isang convenience store para madalhan si Beatrice.

Mula nung malaman ko ang nangyari sa kanya ay palagi ko na siyang chinecheck. Palagi akong pumupunta sa apartment niya at kung hindi naman ay tinetext ko siya para lang malaman kung ano ang kalagayan niya.

Beatrice's case is a serious one. He was raped by my own father, and we can't speak about it. He has the authority to cover up his sins. Our justice system is really messed up these days, which is why I understand why some victims are afraid to speak up.

We also bring her to a specialist to check her every day, and it consumes a lot of money. One session costs a thousand pesos, and I hope someday there will be free mental health facilities.

"Gabi na talagang bumisita ka pa sa akin," si Beatrice na mukhang kagigising lang.

"Pasensya ka na gusto ko lang i-check kung ayos ka ba," nakita ko ang pagdaan ng gulat sa kanyang mga mata dahil hindi naman ako ganito noon. 

Ngumiti siya sa akin at hinagkan ang kamay ko, "Hindi pa ako ayos pero unti unti akong bumabangon."

Napatango ako sa kanyang sinabi saka nakagat ang ibabang labi para mas mapigilan ang emosyon sa loob ng puso ko.

"I'm sorry I wasn't there to save you, but I promise I will do everything to protect you," I assured her, and she hugged me.

"Stop saying sorry. Okay?" She whispered, "Ikaw kumusta ka?" hinarap niya ako sa kanya saka hinawakan sa balikat.

Hindi ako nagsalita sa harapan niya, "Sinaktan ka na naman ni boss?" matigas na ang kanyang boses.

"Minsan iniisip ko kung tatay mo ba talaga siya, kasi hindi gawain ng isang magulang na saktan o pahirapan ang anak nila."

Unveiling the Secrets (Organización Intrepída series#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon