Special Chapter

45.6K 604 129
                                    

Hi guys! Sorry natagalan pero eto na yung SC na pinakaka-antay ninyo. Thank you sa mga nagbasa sa story na 'to. Love ko kayo! 💜

If you want to be updated about my stories and upcoming stories or be connected with me follow me on my socials.

Twt: prplmststories
Tiktok: purplemistwp

Warning: R18

Special Chapter

"Ladies and gentlemen this is Natasha Gail Dawson your flight purser. We have just landed at Palawan International Airport. Dawson Airlines welcomes you to Palawan. On behalf of our crew headed by Captain. Logan Ruis Dawson with first officer Martinez and the rest of the team, thank you for choosing Dawson Airlines as your airlines of choice." I speak with a smile on my face.

Sa Palawan ang flight namin ng asawa ko ngayon. Isang oras lang ang biyahe namin. Inasikaso lang namin ang mga pasahero at nung ayos na ay magkatabi na ulit kaming dalawa.

Maririnig pa ang pagtunog ng suot kong takong at tunog mula sa gulong ng mga maleta. Magkatabi kaming dalawa ni Logan at magkahawak kamay habang sa tig isang kamay ay hawak namin ang kanya kanyang maleta.

"Anong gusto mong kainin?" tanong niya sa akin.

"I want sea foods." I almost drool when I told him about my cravings.

He intertwined his fingers onto mine, "Okay! Let's find a sea food restaurant." He said sweetly.

Bago kami maghanap ng restaurant na kakainan ay dumiretso muna kami sa hotel na tutuluyan namin ngayong araw. Nakaupo si Logan sa dulo ng kama habang ako naman ay nakatayo sa harapan niya. Nakapulupot ang kamay niya sa aking bewang habang nakasubsob ang mukha sa aking tiyan.

"Are you tired?" I asked him sweetly. He nodded and hugged me more.

"Pahinga muna tayo baby pero magpalit muna tayo ng damit hindi maganda na galing sa labas tapos didiretso ng higa sa kama," striktang sabi ko sa kanya.

He cackled before standing up and gave a kiss on my cheeks. "Okay po masusunod aking mahal na asawa."

It's been a year since we got married. Logan and I both had dark pasts, but we found love and comfort in each other. We've hurt each other and made mistakes that we took as lessons for us to grow up more.

I left Logan for two years to heal myself first, and he respected that. I thought he was here in the Philippines waiting for me, but I was wrong. He followed me to every country I went to. He was the one who made me feel loved and worth it despite having flaws.

"Ganda ng baby ko." Puri niya sa akin. "Kaso maldita." Asar niya kaya napairap na naman ako.

"Ang gwapo naman ng asawa ko kaso may sapak," asar ko din sa kanya.

Muli ko na namang narinig ang baritono niyang tawa habang magkaharap kami ngayon. Paalis na kami papunta sa restaurant na nahanap niya pero syempre hindi mawawala ang asaran sa amin.

"Tara na baka mamaya marami ng tao roon." Sabi ko sa kanya.

"Nagpa book naman ako ng VIP doon kaya huwag mag alala hindi tayo mauubusan ng slot." Tugon naman niya sa akin.

"Really?" I asked and he nodded before holding my palm.

Pumunta na kami sa sea food restaurant na kakainan namin. Iba't ibang seafood ang nasa harapan ko at halos maglaway ako sa kinauupuan ko.

Kukuha na sana ako ng hipon pero inawat ako ni Logan. "Ako na upo ka na lang dyan at babalatan ko yung seafoods para sa'yo."

"Thank you baby!" I beamed and he winked at me.

Unveiling the Secrets (Organización Intrepída series#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon