Kabanata 12

30.4K 447 46
                                    

Happy independence day!

Papunta na tayo sa exciting part. Anyways, enjoy reading and expect errors here.

Kabanata 12

"Natasha," tawag sa akin ng kapatid kong si Nathalie. Magkamukhang magkamukha kami pero mapapansin ang aming pagkakaiba.

Siya ang nagsisilbing ate sa aming dalawa habang ako naman ay ang bunso. Nakatira kami sa isang bahay ampunan.

"Bakit ate?" nakangiting tanong ko sa kanya.

"Play tayo," hinawakan niya ang kamay ko saka ako hinila patayo.  

Nag alangan ako sa kanyang sinabi baka kasi mahuli kami ng nagbabantay, "Akong bahala," ngiting sabi niya sa akin.

"Okay!!" masiglang sabi ko at naglakad na kami papunta sa likuran.

"Wow!! Ang daming toys!!"  masiglang sabi ko saka bumitaw sa kanyang kamay. "Siguro ikaw gumawa 'noh?"

Alam ko kasi na mahilig siya gumawa ng kung anu ano pang bagay. Nakangiti siyang tumango sa akin bago lumapit.

"Oo ako gumawa niyan. Tawag daw dyan handicraft eh," kwento naman niya habang nagpuputol siya ng dahon. 

Nilagay niya sa lutu lutuan na siya mismo gumawa ang mga dahon. Naglalaro kaming dalawa ng lutu lutuan habang nag uusap sa mga kung anu ano pang bagay.

"Malapit na tayong mag birthday, Natasha." bigla niyang sabi.

"Mag 8 na tayo ate," nagngingiting sabi ko sa kanya. "Sana balikan na tayo ni Mama 'noh?"

"Basta nandito lang si ate. Hindi kita iiwan at palagi tayong magkasama," sambit niya sa akin.

Lumapit ako sa kanya saka niyakap siya ng mahigpit dalawa lang kaming magkasama at nakakaranas ng sakit.

Ang liit liit pa namin pero hindi namin nadama ang pagmamahal ng isang ina o ng isang magulang, kaya naman sa murang edad ay  naging bukas na ang aming isipan. Sandalan naming magkapatid ang isa't isa.

Sa isang bahay ampunan kami lumaki ng magkasama, ang sabi ng madre dito ay iniwan kami ng aming nanay. Nagsabi raw ito na babalikan kami pero ni isang anino ay hindi na nagpakita pa. Sa labas ay masasabing mabuti ang lugar na aming tinitirhan pero hindi. Dahil palagi kaming sinasaktan ng mga tao dito.

"Tama na po!!!" iyak ni Nathalie habang pinapalo siya.

"Ang tigas ng ulo niyong magkapatid, diba sinabi sa inyo na hindi pwede ang naglalaro," mariing sambit ni Sister Emily.

Kumuyom ang kamao saka nag alab ang galit sa aking puso habang pinapagalitan ang aking ate. 

I bit sister Emily's forearm and pushed her."Huwag mong sasaktan ang at--?" naputol ang sasabihin ko nung sampalin niya ako.

"Walang hiya kang bata ka!!!" nanlilisik ang kanyang mata habang nakatingin sa akin. 

"Bad ka! Bad ka!" iyak ko pang lalo saka lumapit sa akin si Nathalie.

Pagak na tumawa sa amin ang madre at saka tiningnan kaming magkapatid. "Oh? Lalaban ba kayo?" 

"Ang liit liit niyo akala niyo sino kayo?" nakasalampak lang kami sa sahig ng ate ko habang magkayakap, "Wala kayong Nanay! Walang nagmamahal sa inyong magkapatid," asar niya sa amin.

"Pero mahal po namin ang isa't isa,"  sagot naman ni Nathalie.

"Wala akong pake! Hala tumayo kayong magkapatid dyan tapos maglinis," utos niya sabay  talikod sa amin,

Unveiling the Secrets (Organización Intrepída series#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon