Kabanata 16

30K 453 57
                                    

Yay update! Enjoy reading and expect errors here. 😘

Kabanata 16

"Kailangan ba talaga akong pumunta sa party na iyon?" tanong ni Nathalie sa akin.

"Oo."

"Para saan? Pwede naman na hindi na lang pumunta." apila niya pa sa akin.

"Hahanapin ako ni Logan sa party at kapag ganon baka umalis siya para pumunta sa apartment na tinutuluyan ko at kapag wala ako roon baka halughugin niya ako," sagot ko sa kanya.

Tumingin lang siya sa akin ng may pag aalala sa kanyang mga mata. "Sige pupunta ako bilang kapalit mo."

"Pasensya ka na kung naiipit ka sa ginagawa mo," hindi ko alam kung bakit ko nasabi ang mga salitang iyon.

"Naiintindihan ko ang lahat." Alam ko na kailangan lang natin gawin iyon."

Bahagya akong ngumiti sa kanya saka siya marahang tumango sa akin. Siya ang ate ko na kasama ko sa ampunan. Nagtanim ako ng galit sa kanya sa loob ng ilang taon dahil sa pag iwan niya sa akin.

Muli kaming nagtagpo at doon nagsimula ang pagpanggap naming magkapatid. Tinuro ko sa kanya ang mga dapat gawin sa trabaho para siya ang papasok sa airlines at ako naman ay makikipag buwis ng buhay.

"Sige na baka may makakita pa sa atin." paalala ko pa sa kanya.

Bakas ang lungkot sa kanyang mga mata habang nakatingin sa akin pero winaksi ko lamang ito.

Umalis na ako sa pinagkitaan namin saka ako dumiretso sa bar ni Logan para makipagkita naman sa kanya.

"Everybody scream!!" Logan said happily as the loud music plays in the background.

He was wearing a fitted black sweater that hugged his muscles. His biceps show up more when he raises his hand to hype the crowd.

My heart thumped more as I saw the smile etched on his lips and how his blue eyes shined more.

"Hi!" A man holding a glass of alcohol greeted me.

"Oh, isnabera?" sambit niya nung hindi ko siya pinansin.

Mas nagpokus ako sa panonood kay Logan na masiyang masiya sa kanyang ginagawa.

"Oh, you're watching that man." He pointed out the stage.

"What about it?" I asked.

"Wala namang ka-special special sa kanya."

My brow arched at him and gave him a bored look.

"Bakit sayo may special ba?" malamya kong tanong.

Napabulagwit siya ng tawa na siyang kinainis ko. "Don't tell me na type mo siya?"

"Fyi, miss! Playboy yan halos landiin niya ang lahat kaya ayusin mo naman taste mo." insulto niya sa akin.

"Anong gusto mo ikaw ang type ko? No thanks!" I rolled my eyes at him.

"Ang yabang mo ha! Nilapitan na nga kita kasi kawawa ka naman mag isa ka lang."

I gave him a bored look, "Hindi ako mamamatay kung mag isa dito."

Tumayo ako sa stool saka lumapit sa kanya bago hawakan ang kwelyo ng kanyang damit.

Ayoko sa lahat yung nangingialam sa buhay ko at sa higit sa lahat yung hinuhusgahan ang taong mahal ko. Oo, ganon si Logan dati pero sa mga pinapakita niya sa akin ay talagang nagbago na siya.

"What's happening?" I heard a baritone voice behind me.

Binitawan ko ang kwelyo ng lalaki saka lumapit kay Logan na agad yumapos sa aking bewang at ang lalaki ay agad namang kumaripas ng alis.

Unveiling the Secrets (Organización Intrepída series#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon