Kabanata 23

35.7K 484 35
                                    

Hello, sorry for the slow update enjoy reading po. Btw, LSS ako sa Seven ni Jungkook. 😭❤️

Kabanata 23

"Let's go and we'll fight them baby," He told me and I smirked at him.

We were facing each other while our back is on the wall. Kitang kita ang baril na nasa hita ko at ang kanya naman ay nasa kanyang kamay.

"Natasha, do you trust me?" He asked making my heart leapt.

Nagtagpo ang aming mata at sa hindi malamang dahilan ay tumango ako sa kanya.

"Let's do this mission," I said seriously.

"Tara na asawa ko!" kumalabog ang puso ko sa kanyang sinabi, napayuko ako para pigilan ang kung ano mang nararamdaman.

"Uy? Natahimik siya? Kilig ka?" asar na naman niya.

Sa sobrang inis ko ay inundayan ko siya ng sipa na agad namang nasalo ng kanyang kamay.

"You look so hot with a gun on your leg and wearing these fucking heels," he said, licking his lower lip.

Umirap ako sa kanya at inalis ang paa sa kanya. Inayos ko ang suot na dress saka naglakad paalis, ang sakit sa ulo kasama ni Logan.

Lumabas na ako sa kwarto at nagmasid sa paligid. Nasa likod ko na si Logan na seryoso na ang mukha.

"We need to find the bomb and the bomb man," I told him.

"What?" Logan exclaimed, "Bukod sa bomb man may nakapasok pa dito?"

Napatingin ako sa kanya at kita ko ang galit sa kanyang mata.

"May iba pa tayong kailangan trabahuin," tumango ako sa kanya.

Magkatabi kaming naglakad sa hallway at nakasalubong namin ang isang lalaki na may bonet, bumunot si Logan ng kutsilyo na nasa bewang niya at binato sa ere.

Agad kong sinipa papunta sa kalaban ang kutsilyo na tumarak agad sa dibdib nito na ikinangisi ko.

Hindi ako natumba dahil nakahawak na sa bewang ko si Logan.

Magkasama naming nilabanan ang mga pumasok na lalaki sa hotel balak pala nilang nakawin ang pera sa auction.

"Uh? Huh?" malamig na sabi ni Logan saka binali ang kamay ng lalaki bago ito barilin.

"Don't touch me, you pig!!" I screamed before firing the gun.

May babaril sana sa pwesto ko pero naunahan ito ni Logan at nung sa kanya naman may susugod ay pinapatukan ko rin ito.

"Bumitaw ka nga!" asik ko dahil nasa bewang ko ang palad niya.

"Inaalalayan ko lang ang asawa ko."

"Stupid!" I hissed at him.

Naubos na ang kalaban pero hindi pa namin nahahanap ang bomba.

"Okay! Okay! Copy," rinig kong sabi niya sa kausap.

"Sa taas," banggit niya sa lugar kung saan nakalagay iyon.

"Ako ng bahala. Alam ko kung paano magpahinto ng bomba," nakita ko ang pagtataka sa kanyang mata.

"Fast learner ako," ngisi ko sa kanya pero sa loob ay kinakabahan.

Sana hindi siya nagtataka na magaling ako sa pakikipaglaban.

Umakyat na ako sa kwartong iyon pero naka-lock ito, "Ako pa talaga hinamon niyo sa bukasan."

Kinuha ko ang dagger saka binuksan ang pintuan, pagpasok ay agad kong nakita ang bomba. Mabuti na lang ay naturo sa akin ang tungkol sa pagpapahinto.

Unveiling the Secrets (Organización Intrepída series#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon