Kabanata 14

31.2K 475 33
                                    

Expect errors here and enjoy reading po.

Warning: R18

Kabanata 14

My hands trembled when I saw him standing with his gun. He's really different now because I can't see the funny side of him. He was a killer just like me, and he's the man that I've been looking for.

Siya at si Serpiente ay iisa. Binaba ko ang baril na hawak dahil hindi ko kayang saktan siya, napaupo ako kaya naman natumba ang ilang gamit sa likuran ko kaya naman nataranta ako dahil narinig ko na naman ang kanyang boses.

"May tao ba dyan?" malamig niyang tanong at halos manginig ang laman ko sa paraan ng kanyang pagkakasabi.

"Ayaw mong magsalita?" kinasa niya ang baril saka tinutok sa pwesto ko.

"Ay? Baka daga lang." Biro niya pa saka pinasok ang baril sa kanyang bewang, "Grabe na talaga pag ooverthink ko." 

Nakagat ko ang ibabang labi dahil alam kong ako ang dahilan no'n. Kami ni Nathalie ang dahilan kung bakit nagkakaganyan siya.

"Logan," nanlaki ang mata ko nung makita na si Zach ang tumawag sa kanya at sa kasunod nito ay ang iba pa niyang kaibigan.

"Hanapin mo yung limang miyembro ng organisasyon na iyon dahil sila ang mahalaga."

Naglaro sa isip ko ang mga salitang sinabi ng ama ko saka tumingin kay Logan at sa apat niyang kaibigan. Kung siya si Serpiente at saktong lima sila maaaring sila nga ang tinutukoy ng ama ko na kailangan kong hanapin.

"You killed him," I heard Mizuki's voice.

"Oo, wala naman akong mapapala sa kanya eh." malamig niyang sagot.

"Uminit na naman ulo mo?" natatawang sabi ni Keith sa kanya at ngumisi lang siya sa kaibigan.

"Uwi na tayo mga pare," biglang sabi ni Logan saka uminat inat pa. "Puntahan ko sa apartment si Natasha baby."

Nagpanic ako dahil baka hindi niya ako maabutan doon, kaya naman unti unti akong umalis sa lugar at sa paglalakad ay nakita ko ang magulong lugar. Sumakay na ako ng motor at pakiramdam ko ay nahihilo ako sa mga nalaman tungkol kay Logan ang lalaking alam ng lahat ay palabiro.

Dali dali akong nagmaneho para kapag pumunta siya ay kunwari nandon ako. Pagkarating sa apartment ay pinarada ko ang motor saka dali daling umakyat para magpalit ng suot. Paano nangyari na ang lalaking binigay ko ang sarili ang siya ring dapat kong patayin. 

"How?" I trembled while talking to myself. 

"How could this happen to us?" iyak ko sa harapan ng salamin at nakita ko ang pagod sa aking mga mata.

Logan and I have dark secrets, but the funny thing is that I was the first one to unveil his secrets.

Nagtagal pa ako sa banyo para mahimasmasan ako sa nakita ko kanina, nung lumabas ay nakarinig ako ng katok at alam kong siya na iyon. 

Pagkabukas ay sumalubong siya sa akin na maliwanag na ang mga mata. Ibang iba sa Logan na nakita ko kanina.

"Oh?" turo niya sa buhok kong nakabalot pa sa tuwalya.

"Gabi na ah? Naligo ka pa."

"Mainit kasi," pinagbuksan ko siya ng pintuan.

Kumalabog ang puso ko nung yakapin niya ako sa likuran at amuyin ang leeg ko. "You smell like a strawberry, baby." He sniffed my neck, and my knees wobbled.

I closed my eyes when I felt him hugging me tighter.  Parehas kaming may sikretong dalawa at target namin ang isa't isa.

"Logan." I called his name, and he hummed.

Unveiling the Secrets (Organización Intrepída series#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon