Chapter 2

2.6K 56 7
                                    

Expecting was believably an unfortunate consideration. It was a term next to disappointment. To Jair, I expected nothing. I drove away with no heavy feeling, not a hint of disappointment at all.

I knew him... every truth of him. At first, I thought that perhaps I got the wrong impression of him. But the second time proved me right, he was a jerk, a crimson flag. That moment was still crystal clear in my memory.

"I love him!" Brenda whined one time. "Totoo ang nararamdaman ko para sa kanya pero ang tanging ginawa nya bilang kapalit ay ang itaboy ako."

"Anong nangyari?" pag-iinteroga ni Ran sa kanya.

I was sharpening my pencil as I listened to them. I wanted to know the details too. It intrigued me. I moved from my seat to get a clear catch with their conversation.

"He suspected I only want his money, that I don't really love him. Nagconfess lang naman ako sa kanya tapos sinabi na nya agad na ayaw nya sa akin."

"Totoo bang mahal mo talaga ang lalaking yun?" si Ran.

"Oo," ani Brenda.

Naaawa ako sa kanya pero ano ba ang ini-expect nya sa mga lalaking nameet nya lang sa isang club? Most people went there to have fun, to get wasted, to play and to bed people they felt lust with, a word serious was a million lightyears away.

"Bago lang naman kayong nagkakilala, diba?" si Vanessa.

"2 weeks. It's long enough."

"You can't say you love the person in just two weeks of knowing each other," Ran told her.

"But that's what I feel," Brenda insisted.

Parehong hindi na nagsalita sina Vanessa at Ran sa huling sinabi ni Brenda. Sang-ayon ako sa sinabi ni Ran, hindi din ako naniwala na mahal na nya ang tao sa ganun kaikli na panahon. Pero ang pangit naman ng lalaki na iyon para sabihan si Brenda na pera lang ang habol sa kanya.

Hindi ako mahilig makichismis, nakikinig lang ako at tinatatak sa isip ko. Ang opinyon ko ay sinasarili ko nalang din dahil hindi naman mahalaga. Wala din namang silbi kung magbibigay ng advice dahil tiyak ilalabas lang din naman sa kabilang tenga ng pagbibigyan mo.

Sumama na ako sa kanila kasi gusto kong uminom ngayon nang walang dahilan. Natapos ko na ang sampung designs ko at nagawa ko na lahat ng activities ko at ayokong magmukmok ng apartment.

Chill inuman lang ang plano nila at ayos lang sa akin. Maaga kami kaya ay marami pa ang bakanteng table. May pera ako ngayon kaya ay nag-abot ako kay Brenda.

"Narinig ko galing sa kaibigan ni Jair na pupunta sila ngayon dito," ani Brenda.

Mukhang hindi ko na kailangang tanungin kung bakit dito ang pinili ni Brenda. Wala naman akong pakealam, ang importante ay iinom ako ngayon.

Nagtatawanan kami ni Vanessa nang may sabihin sya sakin tungkol sa ex nya nang bigla nalang tumayo si Brenda. Sinundan ko sila ng tingin nang umalis ng table namin atsaka lumipad ang tingin ko sa kung sino ang dumating.

Sumunod si Ran kay Brenda. Nagpaiwan nalang kami ni Vanessa at ibinalik ang topic sa usapan namin kanina ukol sa ex nya na may bago at ani Vanessa ay ang panget kagaya ng ex nya. Ganun naman talaga, ang panget na ng ex natin.

Pareho kaming napabalikwas ni Vanessa nang makarinig ang pagkabasag ng mga bote. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtantong galing ito sa table kung nasaan sina Brenda ngayon.

"Get out of my sight," narinig kong sinabi ng kung sino nang makalapit kami ni Vanessa.

"I love you," ani Brenda.

PARADISE OF THE DEVIL (GONCALVES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon