Chapter 36

1K 26 6
                                    

Stepping out of the gate, I found Isla with a huge banner, with 'Welcome home' written on it, and a little kid beside her gripping the hem of her dress looking so anxious about the crowd. She didn't have to make a banner for me, she was getting attention and it was embarrassing.

Somehow, my heart warmed with the sight of the both of them. My eyes heated up and watered but I blinked my tears back to keep them from falling. The both of them grew a lot, Isla looked mature and Carmi was taller and prettier in person.

But I couldn't help myself not to run towards them. Isla dropped her banner to hug me. How I missed Isla... the familiar smell of her hair made me realize that I was really home.

Ibinaba ko ang tingin kay Carmi na nagtatago sa likod ng isang binti ni Isla. Nahihiya syang nakatitig sa akin kaya ngumiti ako sa kanya para batiin sya. "Hi, Carmi!"

Binuhat sya ni Isla para iharap sa akin. "Si Aunt Eden yan, Carmi."

Pero agad ding yumakap si Carmi at ayaw humarap sa akin. Pinabayaan ko na muna dahil baka iiyak pa kung ipipilit kong pansinin ako. Ngayon lang nya ako nakita ng personal kaya normal lang na ganito ang pagtanggap nya sa akin.

Maggagabi na at babyahe pa kami pauwing Baguio. Nasa labas na naghihintay si Henry sa amin. Tinulungan nya akong ilagay ang mga gamit ko sa likod. Sa backseat ay katabi ko ang tahimik na Carmi na palagi kong nahuhuling nakatitig sa akin.

"Nasa maleta ang mga chocolates pero may candies ako dito sa bag," offer ko sa kanya sabay bukas ng bag ko. "May sandwich din ako ditong hindi ko nakain na bigay ng flight attendant."

"Flight attendant?" sabik nyang reaksyon.

Natawa ako. Alam kung bukambibig nyang sumakay ng eroplano at maging pretty kagaya ng mga flight attendants. First time nyang sumakay ng eroplano last year ng Christmas, nagbakasyon sila ng boracay kaya naintroduce sya.

"Kakakain lang nyan ng dinner dyan sa loob," komento ni Isla na nasa passenger seat.

"Tinanggap nya naman. Mukhang gutom pa," sagot ko na natatawa.

"Wala yang alam na salitang busog. Ako nalang yung naglilimita ng kinakain nyan," ani Isla.

"Hayaan mo na Isla, bata pa naman," sabi ko nalang.

Ngumingiti na si Carmi sa akin at halatang gumaan na ang loob dahil sa pagkain na natanggap. Kinakausap na nya din ako. Hindi ako inantok at siguro ay hindi ako agad makakatulog ngayon.

"Tubig," sabi saakin ni Carmi.

Ubos na ang tubig na dala ni Isla para kay Carmi kaya wala akong nagawa kundi ibigay ang tubig ko sa kanya. Pagkatapos nyang kumain at uminom ay nagtablet sya at naglaro ng roblox tapos kwento ng kwento sa akin tungkol dito.

"Ang daldal na ni Carmi, Ate. Pinakain mo lang," lingon sa akin ni Isla.

"Hayaan mo na. Nasanay na ako sa kanyang makinig." Ganito naman palagi si Carmi kapag tumatawag sa akin. Masaya ako na mabilis syang naging komportable sa akin.

Parang hindi ako napagod sa haba ng byahe. Pagkakita ko ng nakasulat na Baguio ay mas lalo lang akong nabuhayan at sabik na makauwi ng bahay. Lumalalim na ang gabi at sinabi ni Mama na maghihintay sila sa amin na dumating.

Pagkauwi ay hindi ko na talaga mapigilan ang mga luhang tumulo nang maabutan sina Mama sa sala. Una kong nayakap si Mama at kasunod si Papa na nanatiling nakaupo sa sofa dahil nahihirapan nang tumayo.

I ignored Papa's loss of weight, 4 years passed and both my parent had obviously aged. I wouldn't be leaving anymore and I would be able to see them often. I really missed them. I'd never missed this home so much.

PARADISE OF THE DEVIL (GONCALVES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon