After eating a bowl of soup for breakfast, I finished drinking my pain reliever. My eyes were burning and I felt like I was breathing fire. To be fair, I was on my period, and I felt like my uterus was being squeezed and extracted.
Even though I was not feeling well, I got up to do my laundry. I didn't like looking at my basket full of dirty clothes so I had to do this to at least feel better because of the cleanliness.
"Ako na dyan," offer ni Rach na kakadating lang galing shift nya.
"Isasampay ko nalang ito," matamlay na sagot ko.
"Diba may lakad ka? Matutuloy ba kayo ni Jair?"
"Sabi nya oo."
Akala ko ay hindi kami matutuloy ngayon dahil sa balitang natanggap ko tungkol kay Lilia. Naipangako ko na pwede ako ngayon kaya hindi na ako aatras at sumang-ayon na makipagkita sa kanya.
He'd pick me up around 3 pm later this afternoon so I still got plenty of time to do some chores and hopefully take a nap. Sana naman mabawasan ang bigat na nararamdaman ko para hindi ako mabilis mapagod mamaya.
"I brought my friend's French books," rinig kong sigaw ni Joerex galing sa living room.
"Let's study together. I also want to learn," excited na saad ni Rach.
Well, I'd have an interview coming up and I had to at least master my basic skill in speaking French. Confident naman ako pero kinakabahan ako sa communication. Sana naman hindi nila ako ededeny dahil hindi ako marunong magFrench.
"Mauna ka na."
Tinaboy ko na sya at huwag na akong panuorin. Malapit na naman akong matapos dahil isasampay ko na nga lang. Sa sala ay naabutan ko silang dalawa na tinitingnan ang mga librong dala ni Joerex na nahiram nya para sa akin.
Babalikan ko na sana sa kusina ang pinagkainan ko kanina pero mukhang nahugasan na nila. Sasakit lang lalo ang ulo ko kung sasabayan ko sila sa pagbabasa kaya pumasok na ako ng kwarto at agad humilata.
Hapong-hapo ang mga braso ko at ang magkabilang binti ko. Hindi ko namalayan na sa pagdapo ng likod ko sa kama ay agad akong nakatulog.
It was 1 p.m. when I woke up and lunch was ready thanks to Rach. Parang hindi man lang humupa ang ang init at bigat ng pakiramdam ko pero kahit papaano ay hindi na masakit ang puson ko. Nahirapan pang tanggapin ng katawan ko ang pagkain dahil sa kawalan ng gana.
Hindi ko naubos ang pagkain at bumalik sa kwarto. Nakatanggap ako ng tawag ng kapatid ko at agad ko itong sinagot. Schedule ngayon ng dialysis ni Papa at nais ko ring kamustahin sila. Nagtetext lang kami ni Mama at hindi masyadong nakakatawag.
"Kakarating lang namin ng bahay. Maganda naman ang daloy ng dialysis at nagpapahinga na ngayon ang Papa mo," kwento ni Mama.
"Mabuti naman kung ganun, Ma."
"May sakit ka ba? Bakit ganyan ang boses mo?"
Hindi ko inakalang mapapansin ni Mama na hindi maganda ang pakiramdam ko sa tunog lang ng boses ko.
"Sipon lang ma," sagot ko para hindi na sya mag-alala.
"Uminom ka na ba ng gamot?" nag-aalalang tanong nya.
"Tapos na po"
"Wala ka namang trabaho ngayon kaya magpahinga ka at kumain sa tamang oras. Kahit na nasa tamang edad ka na ay hindi ko pa rin maiwasang hindi mag-alala sayo," aniya.
"Wag ka ng mag-alala ma at ituon mo na ang pansin kay Papa at sa kapatid ko. Hindi naman ako nag-iisa dito at nandito ang mga kaibigan ko."
"Mag-ingat ka dyan at magpahinga hangga't maaari."
BINABASA MO ANG
PARADISE OF THE DEVIL (GONCALVES 1)
RomanceWarning: MATURE CONTENT | R-18+ Love is overrated, for Jair Amos Goncalves, by all means. It is nothing but a wild goose chase. Given his history with relationships, he dispatches that women want only his money and clearly his evil expertise in bed...