I had to go back to work the next day as nothing happened. There was no reason for me to not move on. Even though I didn't have the usual energy to work, my commitments were pushing me to get up in the morning and report.
"Gusto nyo bang magparty ngayong gabi?" tanong ni Rach habang naghahanda ng soup nya dahil sumama na naman ang pakiramdam. May sakit sya pero party pa din ang iniisip, pero alam ko din naman na nililift up nya lang ako.
"Wala akong pera," sagot ko nalang.
Ang hirap naman ng buhay. Heartbroken na nga ako, wala pa akong pera. Ang hirap maheartbroken ng walang pera.
"Mag-inuman nalang tayo dito sa apartment. Afford natin ang GSM blue," suggest ni Joerex.
"Empe kaya?" si Rach.
"Soju," saad ko.
"Mahal ang soju," paalala ni Rach.
Ang mamahal din naman ng mga suggestions nila. More than a hundred. Stallion lang yung less.
"Magyakult nalang tayo," reklamo ni Jorex.
Natawa kami ni Rach at sinabing mamaya na kami magdecide dahil masyadong maaga pa para ito yung pag-usapan namin. Ang lakas talagang uminom ng mga ito, pero aminado din naman akong mahilig akong uminom. Kaya kami magkakaibigan na tatlo.
After a toast and a cup of tea, I drove straight to work. Supposedly, walang trabaho ngayon pero maraming dapat na tatapusin at kinapos kami sa oras dahil sa fashion show kahapon. Lima lang kaming magrereport ngayon at isa na si Clover.
Nang dumating ay agad na pinasabog ni Clover ang pinto ng tube office ko. Tumaas ang kilay ko sa liwanag ng mukha nya at mukhang natutuwa pa.
"May nabasa ako na post sa facebook! What the ef!"
"Ano naman?" tanong ko kasi hindi pa ako nakapag-open ng social media ngayon.
"May article na nagsasabing 'Lilia is in a relationship with a designer of FERA named, Eden Leones.The two arrived at the after party last night together," natatawang basa ni Clover sa phone nya. "May isa pa dito na magkasama kayong umalis at pinagbuksan ka pa ng pinto ni Lilia!"
"Ano bang klaseng article yan?" naiiritang tanong ko.
"Baka hindi talaga si Jair ang gusto mo at si Lilia talaga!" humahalakhak na biro nya pa.
"Straight ako," paalala ko sa kanya.
"May istraight sa una pero kumurba kalaunan. Baka late bloomer ka," tawa ni Clover.
"Umagang-umaga, Clover," saway ko sa kanya. "Wala ako sa mood."
Humalakhak ba naman ulit. "Oy! Bagay kayong dalawa!"
"Fake news yan," sabi ko nalang.
Sa lahat ba naman ng nangyari kagabi ay yan yung nagawan nila ng article? Kinabahan nalang ako nang mapagtanto, baka may article tungkol sa kahihiyang ginawa ko kagabi!
Tinaboy ko na si Clover at kinuha ang phone sa bag para magcheck. Nagsearch ako ng article tungkol kay Jair dahil baka may nakalinked sa kanya. Nagscroll ako at naghanap ng latest news pero wala at nakita ko nga ang sinasabi ni Clover tungkol sa amin ni Lilia.
Hindi naman kasi masyadong public figure si Jair. Mabuti naman at nakahinga ako ng maluwag. Ngayon ko lang din nacheck ang message ni Isla sa akin at mukhang nabasa na din nya ang article. Yung mga kaibigan ko din ay andaming messages at inaasar ako.
Alam naman nila ang totoong nangyari. Loko-loko din tong mga media outlets minsan at kung ano-ano nalang ang pinagsusulat. Lahat talaga ng incident ay gagawan ng rumor.
BINABASA MO ANG
PARADISE OF THE DEVIL (GONCALVES 1)
RomanceWarning: MATURE CONTENT | R-18+ Love is overrated, for Jair Amos Goncalves, by all means. It is nothing but a wild goose chase. Given his history with relationships, he dispatches that women want only his money and clearly his evil expertise in bed...