Chapter 29

949 22 5
                                    

I couldn't look at him that long. My anger and longing were fighting and I couldn't handle the clash.

I turned around to get the water Lilia asked. Bakit ba hindi sya nagreply kay Lilia, edi sana hindi ako naimbita dito at hindi ko sya makita.

Yes, I missed him. But, I already accepted it, and I slowly got that... that was it for us. I mean... there wasn't us but... I didn't want to cross paths with him. He'd just put all my emotions in chaos.

Pero hindi naman nya kasalanan kung bakit sya nandito at hindi ko din masisi si Lilia. Hindi naman alam ni Jair na nandito ako atsaka nandito sya hindi para sa akin kaya hindi dapat ako mag-iinarte at magparty nalang kagaya ng sinabi ni Lilia.

Lumapit ako sa waiter sa may gilid atsaka nanghingi ng isang basong tubig para kay Lilia. Hindi ko nilingon si Jair habang inilapag ang baso sa harap sa lamesa.

"Thank you, Eden."

Tumango lang ako sa kanya atsaka ibinaling ang tingin sa mga sikat na tao na nandito. Kinuha ko ang phone ko at nagpictures. Minsan lang ako napapalibutan ng mga sikat kaya hindi ko na palalampasin at hindi magpaapekto kay Jair.

"Umuwi ka nalang," rinig kong pagtataboy ni Lilia kay Jair.

"You texted me to come here and now that I'm here you're asking me to leave," reklamo ni Jair.

"May kasama na ako, eh. Hindi kami makakahanap ng boys kung nandito ka!" singhal pa ni Lilia.

Gusto kong sabihin na umalis na si Jair at maghanap din ng girls. Wala naman syang ginagawa kundi ang tumayo at painom-inom ng brandy. Kahit hindi ko sya deretsang tinatapunan ng tingin ay napapansin ko pa din ang bawat galaw nya.

"Lilia," pagkuha ko ng atensyon nya. Lumapit ako sa kanya atsaka bumulong, "I'll check around."

Pagkatango ni Lilia ay iniwan ko na sila. Sa sobrang distracted ko kanina ay hindi ko na namalayan na naubos ko ang champagne na hawak.

Hindi ko alam ang drink na ibinigay sa akin ng waiter. Color red ito at mukhang masarap. Lasang starwberries, medyo mapait pero nangingibabaw ang tamis nito.

"Hey! You're the designer Lilia with, right?" tanong sa akin ng isang baklang influencer na si Charly.

Ngumiti ako. "Yes, I am."

"Where is she?"

"Oh, she's over there," sabi ko sabay turo sa pinanggalingan ko. Pagtingin ko sa lamesa ay may kausap na artista si Liia at hindi ko na namataan si Jair.

"Were you the one who designed her dress over 3 years ago?" he asked.

Namangha ako nang maalala nya ito. Hindi ko alam kung nakwento ni Lilia pero nakabagbag-damdamin na nabanggit nya ito. Sikat ito na influencer kaya nakakasiya.

"Can you give me your business card?" he asked.

Hindi ako magkanda-ugagang ilagay ang hawak na drink at buksan ang hiniram kong pouch ni Lilia para kunin ang phone ko. "Wala akong business card pero ito yung number ko."

"Thank you," he thanked me.

Hindi nawala ang mga ngiti ko nang masave ni Charly ang number ko. Malaki ang utang na loob ko kay Lilia at dinala nya ako sa ganitong event.

I was bopping my head to the music as I walked across the venue. Baka may tumawag ulit sa akin kagaya ni Charly at hingin ang number ko. Ang swerte ko na talaga kung sakali mang personal silang magpadesign sa akin.

"Having fun?"

Muntik nang matapon ang drink ko sa gulat sa biglaang may pagbulong si likod ng tenga ko. Nanlaki ang mga mata ko at malaking ngumiti.

PARADISE OF THE DEVIL (GONCALVES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon