Friday night, when I arrived at the apartment, I immediately started to pack for my 2-day trip to Bagiuo. Ako lang mag-isa ngayon dito sa apartment dahil parehong nasa trabaho ang dalawa at bukas na uuwi. Dahil ayokong umuwi dito ng maraming kalat ay naglinis ako.
Ready na ako sa pagtulog nang biglang magnotify ang phone ko. Hinanap ko ito sa ilalim ng kumot at nakita ang message galing kay Jair. Ngayon lang ulit ako nakatanggap ng text galing sa kanya simula noong tinadtad nya ako ng text. At ngayon ko lang din ulit mabubuksan ang convo namin.
He said, 'Hey!'
Kumunot ang noo ko sa text nya at nireplyan ng angry bird. Ang gago nito.
He reacted a laughing emoticon and went on, 'Why aren't you asleep yet?'
I replied, 'Matutulog na ako. Good night.'
Nakatanggap pa ako ng 'good night' kay Jair at hindi na nagreply pa. Hindi ko nabasa ang mga nakaraang messages nya sa akin kaya naisipan kong basahan lahat ito isa-isa. Ito yung mga messages noong gabing hindi ko pinansin si Jair dahil kasama ko si Savin.
Nagulat ako nang makita ang isang picture na sinend nya sa akin. Napaupo pa ako galing sa pagkakahiga dahil doon. Bakit hindi nya sinabi agad sa akin? Baka binibiro na naman ako nito. Hindi ko na napigilan ang sarili at tinawagan si sya.
"Hey!" masiglang bungad nya sa akin.
"Ano tong picture? Totoo ba to?" deretsong tanong ko.
"What picture?"
"The invite for the conference?"
"Ngayon mo lang nakita?" hindi makapaniwalang tanong nya. "Sure, you don't read my messages," pagalit na dagdag nya.
"I was too busy to check," I reasoned.
"You were busy having a date with Savin," he pointed out.
"I'm afraid you'd crash it again," I rolled my eyes as I said.
"You really like him, don't you?" he asked in a serious tone.
"Is the invite real?" I asked instead of answering him.
He sighed. "It doesn't matter."
"Right," I said. "Anyway, I'm gonna sleep. Bye~"
"Wait!" he cut me off.
"Oh?" tanong ko sabay hikab.
"Good night," aniya atsaka pinatay ang tawag.
Itinapon ko nalang ang smartphone ko at natulog. Hindi ko talaga sya maintindihan. Kinabukasan ay nagising ako dahil sa malakas na alarm. Alas kwatro pa ng madaling araw pero kailangan ko nang gumising para hindi mainit sa byahe ngayon at maagang makauwi.
I was making my bed when I heard conversations from the living room. Mula dito ay naririnig ko ang boses ng bakla. Sino kaya ang kausap nya? Mamaya pa naman ang off ni Rach. Lumabas ako ng kwarto para sawayin si Joerex na hinaan ang boses dahil baka magising nya ang nasa kabilang apartment sa boses nya.
Napatigil ako sa paglalakad nang mamataan si Jair na nakaupo sa sofa. "What are doing here?"
Ngumiti lang sya atsaka tinanggap ang isang cup galing kay Joerex na kakalapit. Bumaling akong nagtataka kay Joerex.
"Jair told me he'd be here by the time I arrived from work. Pupunta sya dito kaya pumayag ako."
Ibinalik ko kay Jair ang tingin. "Why?"
"Sinabi sa akin ni Clover na hindi ka naman papasok ngayon at uuwing Baguio. Sakto at may lakad ako papunta doon kaya sabay na tayo," aniya atsaka uminom sa hawak nyang cup at humarap kay Joerex. "You make good tea."
BINABASA MO ANG
PARADISE OF THE DEVIL (GONCALVES 1)
RomanceWarning: MATURE CONTENT | R-18+ Love is overrated, for Jair Amos Goncalves, by all means. It is nothing but a wild goose chase. Given his history with relationships, he dispatches that women want only his money and clearly his evil expertise in bed...