"Uuwi kami ni Henry ng Baguio, Ate. Maiiwan ko na muna sayo si Carmi ngayong katapusan ng linggo," bungad na balita ni Isla saakin nang pumasok ako sa office nya dito sa store.
"Ibagahe mo nalang yung batang yun," sagot ko sabay bagsak ng sarili sa couch.
"Ayaw nyang sumama at gustong manatili sayo," paliwanag ni Isla.
Napabuntong hininga nalang ako sa narinig. Guguluhin na naman ni Carmi ang linggo ko. Hindi na ako nagkakaroon ng tahimik na weekend dahil kay Carmi.
May inabot na record si Isla sa akin sabay sabing, "Malapit na ang Pasko, Ate. May isang customer kahapon na bumili ng 10 items for Christmas presents. We should store more items so that we won't be emptied."
"Don't exaggerate so much, Isla." tugon ko sabay singhap.
I think I had to rest early tonight. I was not feeling well. I felt like my internals were heating up. I'd done a lot of work for the past few weeks and I hadn't really been sleeping enough and most of the time, I skipped meals.
I was the one who closed the store today since Isla requested to go home early. Dumaan na muna ako sa pharmacy bago umuwi ng studio. Mabuti at malinis ito nang pumasok ako dahil sasakit lang lalo ang ulo ko kapag makalat.
"Aunt!" sigaw na naman ni Carmi nang hinatid ni Henry.
Uuwi sila ngayong gabi sa Baguio at dito matutulog kasama ko si Carmi. May dalang airbed si Henry kaya hindi kami mahihirapang dalawa ni Carmi.
"Wag kang pasaway sa Aunt mo," saway ni Henry sa bata.
Si Carmi na hindi nakinig ay tumalon lang sa sofa at binuksan ang wrapper ng ice cream na bitbit. Ang spoiled talaga ng batang ito. Mabuti nalang talaga at wala akong anak dahil baka mas mapapaaga ang pagtanda ko.
"May niluto si Isla na dinner para sa inyo ni Carmi. Ayaw nyang kumain ng gulay kaya sana mapapakiusapan mo, Ate."
Ang maganda lang dito kay Carmi ay nakikinig sa akin minsan. Pagkaalis ni Henry ay pinagsabihan ko si Carmi na magpalit ng damit. Wala na akong trabaho ngayon at umalis na din sina Vanessa kaya baka maglaro lang kami dito.
Bago kami naghapunan ni Carmi ay naglaro kami ng Uno. Pagkatapos ay nanuod kami ng Sealook sa youtube. Galing pang kindergarten ngayon si Carmi kaya maagang inantok. Nang makatulog sa gitna ng panunuod ay hindi ko na tinapos ang episode.
Maayos na ang pakiramdam ko ngayon pero kailangan ko pa rin ng sapat na tulog. Pinatay ko ang ilaw atsaka tumabi kay Carmi. Hindi na rin ako nag-abalang magcheck ng phone at natulog.
Kinabukasan ay mas maaga akong nagising. Gumawa ako ng coffee at pancake para sa breakfast namin. When Carmi woke up, I gave her the food and a cup of fresh milk.
"I'm so excited today!" she screamed with her mouth full of pancakes.
"Bakit?" tanong ko sabay sipsip ng kape ko na hindi ko matapos tapos.
"Kasi pupunta ngayon si uncle dito at lalabas tayo," aniya.
"Anong lalabas?" walang gana kong tanong sa kanya.
"Sabi nya dadalhin nya ako ng villa nila. Sabi nya may pool at bibilhan nya ako ng seal floater," kwento nya.
"Bakit ngayon ko lang alam to?" pagtatanong ko.
"Sinabi ko kay Mama," nakanguso nya akong sinagot.
"Ako yung kasama mo dito at hindi ang Mama mo," paalala ko sakanya. "Ipagpaliban mo na muna na sumama. Kapag andito na ang Mama mo dahil baka ano pa ang mangyari sayo doon."
Lalong ngumuso si Carmi at nag-abot pa ang magkabilang kilay. Hindi magandang ideya ang sumama sya kay Jair dahil sobrang layo ng villa. Baka ano pa ang mangyari sa kanya. Hindi sya mababantayan ng maayos doon.
BINABASA MO ANG
PARADISE OF THE DEVIL (GONCALVES 1)
RomantikWarning: MATURE CONTENT | R-18+ Love is overrated, for Jair Amos Goncalves, by all means. It is nothing but a wild goose chase. Given his history with relationships, he dispatches that women want only his money and clearly his evil expertise in bed...