Chapter 44

1.2K 26 9
                                    

My brows hadn't been tamed since Jair arrived the next morning in the studio. Mas lalo lang kumulo ang dugo ko sa kanya. May painosenteng mukha pa syang naipapakita sa akin.

"What did I do this time?" he asked impatiently.

"Mukhang mas galit ka pa sa akin, ah!" naiirita kong bulyaw.

He sighed. "I just went to Malaysia for some business. I didn't talk to any single woman aside from the hotel staff and cabin attendants. I replied to your messages on time and I didn't miss checking up on you whenever I got a chance to touch my phone."

I unbelievably gave him a look. "I didn't ask you to!"

"Wait. What's wrong? Tell me what I did so I can clear it right away."

Napakagat ako sa ibabang labi ko sa inis. Ang confident nya pa talaga! "Akala ko ba ako ang papakasalan mo?"

"Ikaw nga," aniya.

"Eh, bakit pumunta dito si Madam Quervo at nagrequest na magpagawa ng wedding gown para kay Lilia? Ano yun? Joke?" buong pangungutyang daldal ko.

Pinanuod ko syang napanguso at mas lalong nag-inarteng inosente. Nanlilisik ang mga mata ko nang tumayo sya at nagmartsa palapit. Ang gago ay nakaya pang umupo sa parte ng lamesa sa mismong harap ko.

Unti-unting humimlay ang ngisi sa mukha nya. "Tapos anong ginawa mo?"

Inatras ko ang upuan ko palayo sa kanya bago sumagot. "Edi pinaalis ko at hindi tinanggap ang request nya." Pinagkrus ko ang magkabilang braso ko sa dibdib ko. "Ano? May eksplenasyon ka ba? Matagal na kayong minamatch ng dawalang Madam! Nakuha mo pang manggulo ulit sa buhay ko."

Hindi nawala ang ngisi sa mukha nyang inabot ang kanang kamay ko. Hinayaan ko naman sya kahit naiinis ako. Hindi ko talaga maatim ang epekto nito sa akin.

"Did she mention my name?" he asked, playing my fingers.

"Do I have to ask? Ikaw lang naman ang pilit na pinag-iisang dibdib kay Lilia!"

"No, silly," he chuckled.

"Anong 'no'? Pinagtatawanan mo ba ako. Naiinis na nga yung tao!"

"I'm not marrying Lilia. It's my brother Hezron," tumatawang saad nya.

"Huh?" kumunot lalo ang noo ko sa pagtataka. Hindi ko masabayan ang tawa nya. "Bakit hindi ikaw?"

Ngayon ay napatigil sya sa pagtawa at sumeryoso ang mukha. "Gusto mo bang ako ang ikasal kay Lilia? Selos na selos ka kanina tapos gulat na gulat ka ngayon na hindi ako."

Iniwakli ko ang kamay nya sa pagkakahawak sa akin. Napanguso ako sa irita. "Hindi! Yung ego ko!" depensa ko sa sarili.

"Pinauwi mo pa ako agad dahil sa maling akala. Alam mo bang hindi pa ako tapos sa meeting ko sa Malaysia?" panunumbat nya.

"So... hindi nga ikaw?" pagsisigurado ko.

"No. I'm yours only," he said and caught my hand again.

Napaisip ulit ako. Nakwento nga ni Lilia sa akin na may history sila ni Hezron noon. Hindi ko inakalang magkakabalikan sila at ikakasal na dalawa. Hindi na bumalik si Lilia sa pagvvlog at wala na akong update sa personal na buhay nya.

"Eden."

Naibalik ko ang atensyon sa nagpapacute na Jair. "I'm thinking."

"Do you mind sharing?" he asked.

"Nevermind," pagtanggi ko.

"I swear. It's not me. You can ask Lilia yourself or I can call my brother right now," he suggested.

PARADISE OF THE DEVIL (GONCALVES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon